chapter 45

1.5K 22 2
                                    

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 45

*Blue's Pov*

" Enzo, can we talk? " sabi ko. Martes ng umaga nun. Next week, sembreak na. Mamaya, may pupuntuhan kami ni Ney. Di ko alam kung bakit.. inimbita lang ni Ice ang lahat ng mga estudyante dahil importante daw yun. Wala daw dapat KJ kaya lahat pupunta. Di naman compulsory ang pagpunta pero pinilit ako ni Ney na pumunta kami kaya sige, pupunta na rin ako. Makulit eh, dahil wala daw syang kasama.. Di na ako nagtanong na bakit di nalang si Lourenz.

Huminto sya sa paglalakad at humarap sa akin. " Sige. Tungkol ba saan? "

Nagbago sya. Nagbago sya nitong mga nakalipas na linggo. Magugulat ka talaga pero siguro di ko sya masisisi dahil nakikita ko kung paano nya sinusuyo si Ney. Marahil good karma ni Enzo si Ney sa lahat ng mga nagawa nya sa babaeng sinaktan nya. Good kasi ang swerte nya lang kay Ney kung sakali. Pero di ko alam kung bibigyan pa sya ng pagkakataon nito matapos ng mga ginawa nya kay Ney.

Ibang Enzo ang makakaharap mo ngayon kesa noon. Ni di na rin sya lapitin ng babae dahil iniiwasan na nya eto. Parang di nga sa kanya mahirap gawin yun eh. Talaga nga sigurong natamaan sya kay Ney.

Tumikhim muna ako bago sumagot. " Tungkol kay Ney. " di naman madali 'to para sa akin eh pero sadyang mahal ko lang talaga si Ney kaya ko 'to ginagawa. Kung mali man 'to dahil basta ko lang binigay si Ney kay Enzo na di man lang pinaglalaban. Sige, ako na ang tanga! Ako na yung martir.. Duwag. Ako na ang mahina.. pero mali bang piliin kung ano ang para sa akin ay tama?

Mas mabuting ako na lang ang masaktan kesa si Ney. Ayaw ko namang maging rebound.. Yung sinasabi nilang 'Panakip Butas' para lang maging kami.. para mahalin nya rin ako. Mahirap maging replacement dahil mas masakit yun kesa umasang mamahalin ka rin nya. Teka, parang pareho lang 'ata. Saka ayaw ko namang ipilit ang pagmamahal ko sa kanya at mahalin nya ako dahil ipinagsiksikan ko lang ang sarili ko sa kanya.. Mahirap naman 'to eh dahil i really love her pero wala na akong magagawa. Maybe we're not meant to be..

Sa tuwing magkasama kami, parang wala naman ang presence nya sa akin dahil lumilipad ang utak nya. Mahirap din yun na kahit sa tabi mo na sya parang wala din kasi di ikaw ang iniintindi nya. Kahit kasama ko sya at kausap, nasasaktan din ako. Walang patutunguhan. Lahat ng choices, pwede akong masaktan. Pinili ko lang yung di ako masasaktan ng husto. Mali ba?

" What about her? "

" Do you really love her? " seryoso kong tanong sa kanya.

" A-Ahh, Y-Yes, i do love her. Bakit mo tinatanong? "

" Maipapangako mo bang di sya sasaktan ulit? "

" Wait, i don't get it. Bakit ba? Sorry, naguguluhan kasi ako sa mga pinagsasabi mo.. "

" Kung talagang mahal ka nya at mahal mo sya, di ko na liligawan pa si Ney. Ayaw kong lumaban sa isang pagmamahal kung sa umpisa palang, alam ko ng ikaw talaga ang mahal nya. Gusto ko lang makasigurado na sana kapag sa'yo na si Ney, di mo na sya ulit sasaktan. Mahal ka nya.. Di nya deserve ang masaktan, Enzo. Sana kung sakaling bigyan ka nya ng pagkakataon, wag mo etong sayangin.. "

" I promise, i won't hurt Courtney again. Aalagaan ko sya at mamahalin hanggat kaya ko. Di ko na hahayaang umiyak sya nang dahil sa akin. "

" Yan lang ang hihilingin ko. Please take good care of her dahil oras na saktan mo sya ulit, kukunin ko sya sa'yo kahit ano pa ang mangyari. " pagkatapos nun, tinalikuran ko na sya pero tinawag nya ako.

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon