chapter 17

2.6K 28 3
                                    

* Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible ?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 17

** waaah! After 12766272861 years, nakapagupdate din sa wakas ang adik na writer. Hihi. :) Pasensya na po kung makupad, tambak kasi ang tinatype na kwento, bukod sa tinatapos ko pa ang kwento nina Lea, Jhay, Jude at Kenny eh me writers block then poorita na ang writer. (Wala masyadong pangsurf sa Opera Mini ko) Wala din namang nag.aabang nito kaya medyo tamad din ako magupdate. Peace!

" So, ano na ang results ng pagmamatyag mo kay Enzo? Daig mo pa si Detective Conan sa pinaggagawa mo eh. Sunod dito, sunod doon kung saan magpunta si Enzo.. " ani ni Irene sa akin nang pumasok ako sa room ng umagang yun.

" Hmm, bukod sa pustahan na narinig ko nung nakaraang araw sa tambayan nina Enzo, wala na! " sagot ko. " Pero iba talaga ang dating nun sa akin.. Iba ang pakiramdam ko.. " dagdag ko pa.

" Alam mo, baka si Nerd ang tinutukoy ni Ice dun sa sinabi nya. " sabat ni Mavil na busy sa kakalinis ng kuko nya. Nilingon ko sya dahil dun. " Di imposible ang sinasabi ko, Ayu. Malay natin, pinagpupustahan lang sya nina Enzo kaya nakikipaglapit sya sa Nerd na yun. Di ba nakakapagtaka talaga ang pakikipaglapit ni Enzo dun sa babae na yun kaya di mawawala ang ganyang pagdududa.. Posible talaga ang sinasabi ko. "

" Hmm, may tama ka! May posibilities ngang tama ang pinagsasabi mo. Ang dapat na lang nating gawin ay makahanap ng ebidensya para mapatunayan ang hinala mo, Mavil. " tumayo ako pagkatapos kong sabihin yun. Nakita kong ngumiti sina Irene at Mavil sa akin.. Ngiti may magandang planong gagawin. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanila.

" Nalalapit nang matapos ang maliligayang araw mo Courtney Torres! Sa akin pa rin ang huling halakhak! "

**

Buong araw ko ng sinusundan si Enzo pero puro babae lang ang inaatupag ng lalaking to! Kung hindi babae, si Courtney naman ang kasama nya. Nakakairita! Wala namang kahina hinala bukod dun sa narinig ko nung nakaraang araw. Di ko rin masyadong nakikita ang dalawang ugok na kasama nya. Ewan ko kung bakit?

>.

Kelangan kong mag-isip ng paraan kung paano, di lang yung ganitong sunod ako ng sunod kay Enzo. Baka mapansin na nya pag nagtagal.

Tumayo ako sa pinagkukublian ko. Papasok muna ako sa klase ngayon. Dami ko na ring namiss na lecture dahil sa pagbubuntot ko kay Enzo. Pagharap ko sa direksyon patungo sa classroom ---

" ANO BA?! " nak ng sampung kabayo naman oh! Sino bang hudas tong nakabunggo ko! Di tumitingin sa dinadaanan!

" So-sorry! " at lalong uminit ang ulo ko sa nakita ko kung sinong hayop ang bumangga sa akin.

" Ikaw?! Pwede ba sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo! Nerd ka na nga, bulag ka pa! Bushet! " bahagya ko syang tinulak para mahawi sya sa dinadaanan ko. Bakit ba ang mga nerd, may pagkatanga! Hay naku! Sakit ba nila yun? >.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang umalis ang kapatid kong si Irish patungong states. I admit namiss ko ang kapatid ko. Kahit naman gago ako at casanova, i still love my sister.

Bakit ba ganun? Nang dahil sa lintik na pag-ibig na yan, kelangan pa talaga nyang lumayo para makalimot lang. Thats love really sucks! Okey? ako na nagsabi nun dahil di ko pa talaga nararanasan yun.. Uhm, not really! Di ko naman masabing naranasan ko na nga talaga o hindi.. Ewan! -_- Basta nakakainis talaga ang LOVE LOVE na yan!

Ilang araw ko na ding palaging kasama si Courtney at di ko pa rin sya napapasagot. One week na lang end na ng June. My time runs. Ano kaya ang gagawin ko para mapasagot na sya?

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon