Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple RaindropsC H A P T E R 01
*Courtney's Pov*
Pasukan na, its means college na ako this year.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Di ko alam kung ano mangyayari sa akin ngayong papasok na ako sa next stage ng buhay ko. Kinakabahan akong natatakot.. natatakot na baka mangyari din sa college ang mga nangyari sa akin nung high school pa ako. Aminado akong kahit papaano naovercome ko yun pero may mga pagkakataong bumabalik ang trauma ko.
" Courtney, napasa mo na ba ang mga requirements mo? " Si Lourenz, kaklase ko nung HS at kababata.
" Hindi pa nga Lou eh. " sagot ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa Westbridge College at nagpapa-enroll. isang private school at lehitimong me may kaya lang ang maaring pumasok. Maaari ding pumasok ang hindi kaso dapat makapasa ka sa test at standard ng school. Pasalamat akong anak mayaman ako pero kung hindi, im sure bagsak ako sa standard pa lang..
" Oh tara? Ipasa na natin dun sa Admin para makauwi na tayo. "
Hinila nya ako patayo sa kinauupuan ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod ako sa kanya.
Habang pumipila kami, di ko maiwasang di mailang kasi pinagtitingnan kami ni Lourenz ng mga estudyanteng naroon. Hindi ko alam kung bakit napaka-Big Deal sa kanila ang makakita ng isang Nerd na katulad namin ni Lou. Isang nerd din kasi si Lourenz kaya siguro magkasundo kami sa lahat ng bagay.
" Alam mo sis, naglilipana na talaga ang mga Nerdy dito sa Westbridge College. Nakakasira ng paligid. " narinig kong sabi ng isang babae sa katabi nya. Di ko alam kung sinasadya nila yun na iparinig sa amin. Nasa unahang bahagi sila ng pila pero nakaharap sa amin.
" Yah your right! " She rolled her eyes when she knew im looking at them.
Sanay na ako sa mga ganun. Sanay na akong iniinsulto at binubully ng mga mean na student sa mga school na pinapasukan ko dati dahil sa pagiging Nerd ko.
Di ko naman kasalanang ganun ako.. I'm just.. I'm just comfortable of being who i am atleast hindi ako plastik at mean.
" Hindi ko alam kung bat nakapasok pa ang mga yan dito eh.. " i feel irritation in her voice nang sinabi nya yun. " Akala ko ba me standard ang school na to.. Psshh! Nagpapasok ng mga estudyanteng basura.. " sabi nya ulit with cross arms.
BINABASA MO ANG
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794