chapter 12

2.2K 35 3
  • Dedicated kay Jovie Ann Callao Panagsagan
                                    

* Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible ?

C H A P T E R 12

" Pasok ka muna.. " sabi nya nung nakarating na kami ng bahay nila. Nagpatianod na lang ako nang hilahin nya ako papasok sa bahay nila.

" Kaw lang ba nakatira dito? Tahimik kasi eh.. " puna ko.

" Parang ganun na rin.. Solong anak lang kasi ako tapos wala halos mga parents ko dito. Busy sa business nila kaya parang ako rin ang tao dito pero me kasama naman ako eh, kasambahay namin.. " nakita kong bigla syang nalungkot nang sinabi nya yun. Ewan pero nakaramdam ako ng awa. She has everything she wants dahil mayaman naman sila pero di naman nya palaging kasama ang mga magulang nya. Well, thats life.. Its unfair sometimes and im lucky that i have my happy and complete family.

" Cheer up! Wag mo ng isipin yun.. Ang mahalaga nandito na ako. Lagi mo ng makakasama. " i mean it. I really mean it.

Ngumiti sya sa akin. " Wait lang ha magbibihis muna ako. " pagkatapos nun ay umakyat na siya sa kwarto nya. Ako naman ay inikot ang paningin sa mga larawang nakalagay sa isang sulok.

' Hmmm, magaganda yung chicks dito ah! ' sabi ko sa aking isip habang hawak ang isang frame. Group picture yun..

" Mga pinsan ko ang mga kasama ko dyan.. " biglang nagsalita si Courtney. Di ko namalayang nasa tabi ko na pala sya at matagal ko ng tinititigan ang larawan.

" Ha? Pinsan mo? Parang wala ka naman dito eh! " tapos inilapit ko pa sa kanya ang frame.

Ngumiti sya ulit. " Di mo pala ako kilala pag di ako nakasalamin.. Ako yan oh! " sabay turo ng isang babaeng nakatayo dun sa litrato.

" Ako eto, tapos eto naman sina Natasha, Kenny at Kuya Merck tapos mga kaibigan namin yung iba na yan.. Taken yan nung first year high school pa ako. Nakakatawa nga eh! Di halata dyan na mga bata pa kami sa picture na yan.. "

Wooh! Tiningnan kong mabuti ang tinuro nyang babae sa akin. Di ko alam na sya pala eto kasi di halata. Ang ganda nya dito. Wala pa syang makapal na salamin. Kahit sinabi nyang first year high school pa lang sya sa larawang yun, di maikakaila ang gandang meron sya. Para nga syang Manila College Girl sa ayos nya.

" Ang ganda mo dito.. At wala ka pang salamin. Nuh nangyari at me salamin ka na ngayon? "

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon