Mr. NERD meets Ms. NERD
- are they compatible?
Written by Purple Raindrops
C H A P T E R 05
*Blue Hiro's Pov*
Di mawala sa isip ko ang narinig ko kanina sa sirang kwartong nadaanan ko sa university.
Ang sama naman ng lalaking yun dahil balak nyang paglaruan si.. sino ba yun? Ah! Si Courtney! Oo.. Courtney nga yung pangalan ng babaeng nabanggit.
Pinagpupustahan kasi nila yung babae na bago magtapos ang June magiging gf na nya eto at iiwan pag alam na nyang inlove na ang babae sa kanya..
Di ko maiwasan wag mag-alala at maging concern sa babae. Kaso.. wala naman akong magawa.. Ni hindi ko nga kilala yung girl na tinutukoy nila eh at pati yung mga nag-uusap kanina sa lumang kwarto.
Boses lang ang narinig ko at dahil curious ako kung ano pinag-uusapan nila.. pinagkinggan ko at yun nga ang narinig ko.
Tss.
" Blue, nasa harap ka na naman ng Laptop mo! Jusko naman! Hangout with your friends naman! Hindi yung computer ka ng computer dyan! " nagbunganga na naman si Mama nang makita nya ako sa sala na nakaupo at nakaharap sa aking laptop.
" Mama naman! Tinatamad ako. " i reason out.
Hang out with my friends? Eh wala nga akong kakilala sa school maliban ke Frex eh! Aisst!
" Tsk. Minsan iniisip kong baka ano ka eh.. " sabi ni Mama tapos tiningnan ako ng mapanuring tingin.
" MA! "
" HAHA! I'm just kidding lang naman Blue.. Akin lang eh, lagi ka na lang dito sa bahay paano mo magagawa ang mga karaniwang ginagawa ng teenager kung ganyan ka na lang tapos ni wala ka pang girlfriend na pinapakilala sa akin. "
I close my laptop and stood up.
" Ok ok! Gagawin ko na gusto mo Ma. Makikipag-socialize ako sa mga new classmate ko para wag ka na mag-isip na kung ano ano. :) " nasabi ko na lang para matapos na.
Di naman sa tinatamad ako na pinagsasabihan. Medyo ayaw ko lang na pati personal kong buhay eh didiktahan pa nya o pinapakialamanan.
Ang hirap talaga pag solong anak. Lahat sayo ang atensyon. Well, but i love the most for being only child is yung nabibigay ang lahat ng gusto ko pero di naman ako spoiled.
" At sana naman, bago magend ang year eh me gf ka ng ipapakilala sa akin. "
" Mama naman eh! Wala pa sa vocabulary ko ang ganyan. "
Lumapit sya sa akin at ginulo ang buhok ko tapos tinanggal nya ang suot kong salamin.
" Ma! " i protested.
" Alam mo anak, gwapo ka naman pag wala kang salamin kaya lang di ka bilib sa sarili mo at walang tiwala. Madaming babaeng magkakagusto sayo kung puporma ka lang. Ilabas mo ang kagwapuhan mo.. " mahaba nyang lintaniya.
" Ma, kung mamahalin lang ako ng babae dahil nakita nyang gwapo ako sa likod ng salamin kong makapal mas mabuti pang wag na ako magka-girlfriend. " sabi ko naman sabay bawi ng salamin ko sa kanya na hawak nya.
Umiling lang sya at tumalikod then umalis.
Ako naman ay umaakyat na rin sa kwarto ko.
Mali ba ang sinabi ko kay Mama? Yung pinopoint ko lang, ayaw kong mahalin ako ng isang babae dahil sa gwapo ako o dahil sa panlabas kong anyo.. Gusto ko yung mamahalin nya ako kung ano ba talaga ako. :/ Na kahit Nerd ako at badoy pumorma, mahal nya pa rin ako.. Hindi yung habulin ako ng babae, gwapo, maporma at may dating..
BINABASA MO ANG
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomansaIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794