chapter 43

1.4K 20 10
                                    

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 43

*Courtney's Pov*

It was Lourenz's Engagement Party that day. Engrande at pinaghandaan. Kala mo ay kasal na talaga yun. Masasabi kong masuwerte talaga si Bhest kay Ice. Ice do everything para patunayan ang pagmamahal nya para sa kaibigan ko.

Hayyy! Ang dami talagang nangyari sa nakalipas na buwan. Madaming pagbabago. Ni minsan di ko naisip na dadating sa puntong magiging ganito ako. I mean, nagbago ako. Wala na ang nerd na minsang inapi nina Ayu. Speaking of Ayu, simula nung eksena sa classroom nung nakaraan, di na sya nagpakita sa akin. Buti naman kung ganun! Akala nya ay di ko sya lalabanan matapos ng mga ginawa nya sa akin dati? Inubos nya kaya ang pasensya ko. Pasalamat sya na yun lang ang ginawa ko sa kanya. Baka nginudnod ko ng todo sa sahig ang pagmumukha nya kung di ko pinigilan ang sarili ko.

Hinawakan ko ang basong nasa mesa at pinaglaruan. Pinaikot ko dito ang index finger ko at tiningnan lang eto ng mabuti. Tiningnan ko ang likidong nandun. Gumagalaw.

Why do i have to be in this situation? Nasa party din ang dalawang lalaki. Si Blue ang kasama ko pagpunta dito, syempre di mawala si Enzo dahil party 'to ng kaibigan nya. Nagsosolo si Enzo na nakaupo sa isang mesa kalayuan sa amin at pasulyap sulyap sa aming dalawa ni Blue. Naiilang ako lalo na at nakikita kong madilim ang mukha niya. Tila di nya gustong magkasama kami ni Blue.

" Are you okey? " napaangat ako ng tingin kay Blue. Katapat ko sya sa mesa. Tumango ako sa kanya saka ngumiti. " Eh bat parang ang lalim ng iniisip mo? I know something bothering in your mind.. "

Umupo ako ng tuwid saka sumagot, " Wala 'to. Blue, may itatanong ako. " he nod na parang sinabi nyang 'Sige lang'. " Kunwari kelangan mong mamili between red rose with torn sa walang tinik na pink rose. Gusto ng mahal mo, red rose kaso may tinik. May nakita kang rose pero pink sya. Anong gagawin mo? Kukunin mo ba ang red rose na may tinik na kahit alam mong masasaktan ka kapag kinuha mo o yung pink na madaling kunin pero di naman gusto ng mahal mo? " i know its weird pero yun ang tinanong ko. Wala lang! Pumasok kasi sa mind ko. Parang inihalintulad ko sa sitwasyon ko, si Blue ang pink rose at si Enzo naman ang red rose.

" Seryoso? Yan ang tanong mo? "

" Oo, Blue. "

" Ang sagot ko, yung red rose ang pipiliin ko.. Yun ang kukunin ko kahit may tinik pa yun at masasaktan ako kapag kinuha ko. Kasi alam ko na yun ang gusto ng taong mahal ko.. Kapag yun ang kukunin ko, magiging masaya sya kahit masaktan pa ako, alam kong matutuwa sya sa ibibigay ko. Sometimes you have to be hurt para lang sa taong mahal mo para ikasiya nya yun. Ganun ang pagmamahal, Ney. Kelangan mo minsang masaktan. Kelangang magsakripisyo. Di mo kelangang maging selfish pagdating sa LOVE, dapat selfless ka. " alam mo yung parang patama ang sinasabi nya sa akin. Yun yun e! Parang alam nya ang iniisip ko at nararamdaman ko.

" Di ba parang masokista ka na nun? O di kaya martir kapag ginawa mo yun? " parang pareho ba ang tanga at martir? Yay. Tulad ng ginawa ko dati? Ewan ko.

" Hindi. Hindi kamartiran yun kundi ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Kasi kapag yung pink rose ang binigay mo, di sya masisiyahan.. " WHAT? Di ko gets. Sorry, slow ako. Iba kasi ang sinasabi ko sa mga paliwanag nya. HAHAHA. Grabe! Dinidibdib ko na talaga ang sitwasyon ko.

" Ganun ba yun? Hmmm.. " wala! Tameme na ako. Di ko alam kung ano ang mas tama.

" Tulad natin, tulad ko. Di ko ipipilit ang gusto ko, Ney. Kung mahal mo talaga si Enzo, i'm willing to give up. Kasi ayaw kong lumaban sa isang bagay na alam ko namang sa umpisa palang talo na ako.. Kung mahal mo sya, sige lang! Pero Ney, kung alam kong di ka naman talaga nya mahal. Ipaglalaban kita. "

Blue..

" Ney, pag-isipan mo.. Di naman kita minamadali eh. Kaya kong maghintay dahil mahal kita.. " hinawakan nya ang kamay ko.

Sino nga ba ang mas matimbang? Sino ang mas karapat dapat para sa akin? Ang taong minsan akong sinaktan at humihingi ng second chance o ang taong mahal ako sa umpisa palang at laging nandyan?

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may nagsalita sa harap naming lahat.

" Magandang gabi sa lahat. " si Enzo? Anong ginagawa nya dun? " Alam ko party 'to ni Ice at ng Amazong si Lourenz pero makikiepal lang po muna ako kahit saglit.. " WHAT THE HECK?! Ano na namang pakulo 'to! " Kukunin ko muna atensyon nyo para makahingi ako ng sorry sa minsang sinaktan ko. " HALA? ANSABEEE? Nakatingin pa talaga sya sa akin habang sinasabi nya yun! " Nasaktan ko sya dati at niloko pero nagsisisi na ako sa ginawa ko sa kanya. Ngayon, i'm begging for her forgiveness. I know its not easy pero kaya kong maghintay na mangyari yun. Kaya kong maghintay hanggang sa patawarin na nya ako.. Gagawin ko lahat para mawala ang galit nya sa akin.. ang mahalin nya ulit ako kagaya ng dati. Ang tanga tanga ko na pinakawalan ko sya noon. Nagawa kong saktan ang babaeng walang ginawa sa akin kundi ang mahalin ako. Natakot lang kasi akong maulit uli ang nangyari sa akin.. ang iniwan ako ng babaeng minsan kong minahal pero ngayon ayaw ko ng mangyari yun ulit dahil ipaglalaban ko na sya. Ipaglalaban ko na si Courtney Torres. "

I was freeze for a while.. as in? HELLO, si Enzo ba 'to? Seryoso talaga? Dito pa talaga sa party ni Bhest nagladlad ang manget na 'to.

Lumapit ito sa amin at napanganga na lang ako nang lumuhod sya sa harap ko. Ngayon ko lang nakitang ginawa nya yun. Oh my God! What he is doing? Nakakahiya sa mga tao! Agaw eksena na sya!

" I'm sorry. Please patawarin mo na ako.. "

May mga sumigaw ng " Patawarin mo na! ", " Say yes! " Madami pa.. pero di naman kasi ganun kadali eh. Di naman sila ang nasaktan, ako ang nasaktan. Ako ang umiyak. Ako ang naging tanga.. Madami na ang nangyari.

" Enzo.. Tumayo ka nga! Nakakahiya ka.. "

" Ayaw ko.. Ipapakita ko sayo kung gaano talaga ako kaseryosong bumalik ka sa akin, Courtney.. "

" Ano ka ba, Enzo! Wag dito! " >_< Naku naman oh!

May lumapit sa amin. Naguguluhan ako. Ano ba ang nangyayari? Akala ko ba party 'to ng kaibigan ko, bat nasingit si Enzo at ako. It was Xynelle and she was holding one stem of rose. Red rose. Symbolize of true love. Sabi nila..

" Xynelle, ano ang ibig sabihin nito? " inabot nya sa akin ang hawak nyang rose. Eeeh!

" Si Enzo. Humingi sya ng sorry sa akin at pinakiusapan nya akong ibigay 'to sayo na ibig sabihin humingi sya ng sorry sa akin at pinapatawad ko na sya. Tao lang ako kaya agad ko na syang pinatawad. Isa pa, kung di nangyaring niloko nya ako. Di ko makikilala ang lalaking mahal ko ngayon. Kaya Courtney, patawarin mo na sya. May mga dahilan kasi minsan kaya tayo dumadating sa puntong nasasaktan tayo. Siguro nangyari ang sa inyo kasi para mamulat na 'tong bugok na 'to na di laruan ang mga babae. " totoo? Ibig sabihin tinototoo nya talagang hihingi sya ng sorry sa mga babaeng minsan nyang nasaktan.. Maluwag na ba talaga ang turnilyo nya para gawin yun? Sa dami ng babaeng nasaktan nya, baka makalimutan nya ang iba dun.. " Forgive him.. " nahihiyang ngumiti na lang ako. Ano ba 'to! Ginawa nya talaga yun para mapatawad ko lang sya.

Maya maya, may lumapit sa amin. Isang babae, katulad ni Xynelle may dala din 'tong rose. Di ko kilala pero binigay nya ang rose sa akin dahil humingi din daw si Enzo sa kanya ng patawad. All in all, i have 2 dozens of rose. Madaming babae ang lumapit sa akin para magbigay lang ng rose. Nakakahiya talaga! Parang ako pa ang may party e.

Di ko alam ang mararamdaman. Matutuwa ba ako?

" Patawarin mo na ako.. " hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa mga nakapaligid sa amin. Lahat sila nakatingin sa amin at nanonood. Sobrang nakakahiya! Tumayo ako at hinila sya palabas ng hotel na yun.

" Ano ba ang gusto mo! Pinapahiya mo ba ako!! " tinulak tulak ko sya at napaatras sya.

" Hindi. Gusto ko lang ipakitang mahal talaga kita e. " hinawakan nya ang mga kamay ko. Natahimik ako bigla. " Kita mo nga, nakaya kong humingi ng sorry sa mga nasaktan ko dahil mahal talaga kita. Please, patawarin mo na ako.. "

itutuloy..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon