chapter 30

1.8K 26 4
                                    

Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 30

*Enzo's Pov*

" Uy, tol. Andito pala yung perslab mo? :D Bat di mo sinabi? Kaw ha? Balita ko nga, dito na din mag-aaral eh. Bat kaya ganun noh? Mga first love nyo, bumalik. Si Hilary kay Ice, sayo si Febbie samantalang ako, umalis. Haha. " random na tanong ni Jude sa akin nung nasa tambayan kaming dalawa. Wala si Ice, siguro nasa babae nya yun. Sinusuyo na naman marahil.. Determined talaga ang lalaking yung mapaamo ang amasona na yun. Kung ako kay Ice, di ko na lalapitan yun pagkatapos ng ginawa nya sa akin. Apo ata yun ni Lucifer eh! O di kaya may lahi yatang Yakusa sa sobrang sadista. Grabe kung manakit. Ilang araw din akong nagtiis sa ginawa nya sa akin. Bugbog na bugbog ang katawan ko pati yung pinaka-iingat ingatan ko, dinamay nya. Ang sama ng ugali. Bat kaya yun pa ang nagustuhan ni Yelo?! Baka ginayuma din sya?

" Pwede ba pinais, wala ako sa mood sa pang-aalaska mo.. Tantanan mo nga ako. Nanahimik ako rito e. "

" Naks naman Enzo.. Ikaw, wala sa mood? Teka, baka naman bumalik ang mga memories nyo ni Febuary ha? Pati feelings mo sa kanya dahil nagkita ulit kayo? " inakbayan pa ako ng mokong. Minasamaan ko nga ng tingin. Ayos mang-asar eh.

Febuary kasi ang buong name ni Febbie, Febuary Joy Bartolome. Wag nyo ng itanong kung bakit un ang name nya, obvious naman eh. -_____-

" Jude Pelaez, tigil tigilan mo nga ako dyan! Walang memories na bumalik. Matagal ko na syang kinalimutan OK. First love ko lang sya. That's all. Wag mo ng buksan ang isyu naming dalawa na matagal ng tapos.. "

" Oh? Talaga? Eh di ba nga, wala kayong pormal break up nun? Kaya nga siguro sya bumalik dito para makipag-ayos sayo. " tumayo ako at humarap sa kanya.

" Psh. Para sa akin, matagal na kaming tapos simula nung iwan nya ako.. Wala na syang babalikan pa, Jude. Wala na.. Wala na ang Enzo'ng yun. Tapos na kami. Period okey!? Ang kulit mo! "

Tumayo naman sya at namulsahan, " Hmmm, siguro dahil kay Ms. N ano? "

Ano daw?

" Ha? Anong.. " kumunot ang noo ko. Ms. N?

" Dahil kay Ms. Nerd.. Kay Courtney.. Baka dahil sa kanya kaya ayaw mo na kay Febbie. "

" What are you talking about? Paano naman nasali ang nerd na yun? Tsk. " pumunta naman ako sa may pinto at sumandal dun.

" Baka nagkakagusto ka na dun.. "

Di ko napigilan na lingunin si Jude, " kung ano ano na lang ang mga pinagsasabi mo.. Kahit kelan, di ako magkakagusto dun noh! "

" Eh di, may gusto ka pa nga kay Febbie? "

" Ang kulit mo talaga! Tapos na nga kami di ba?! "

" Di naman yun ang sagot sa tanong ko eh. "

" Eh ano aber? "

" Ang tanong ko, mahal mo pa din ba sya? Mahal mo pa ba si Febbie? Oo o hindi lang ang sagot, Enzo. "

Natahimik ako. Ewan. Pero napaisip ako. Mahal ko pa ba sya? Oo, may feelings pa ako sa kanya pero di katulad nung dati na ang tindi. Di ko agad masagot ang tanong nya, may nagsasabi sa isip ko na hindi na pero sa puso ko parang oo pa? Ang gulo. Tokneneng palaka naman talaga oh! Bat ba kelangang magtanong si Jude ng ganun? Tapos siningit pa si.. Courtney sa usapan namin. Haist.

" Tol? "

" Oh? "

" Mahal mo pa ba? Parang nag-iisip ka pa eh. "

" Aaminin ko, parang bitter pa ako hanggang ngayon sa nangyari sa aming dalawa, masakit ang ginawa nya sa akin pero parang wala na eh. Parang wala na talaga akong nararamdaman sa kanya.. Siguro dahil walang closure between us. Ewan. " Naks! Ako ba yung nagsalita? Patawa ako masyado noh? HAHAHAHAHAHAHA.. Ay naku! Sige, tawa pa! HAHAHAHAHA. Wait lang. Nahingal ako dun ah. XD Takte. Adik na ako. Pft.

" Hmmm, pakiramdam ko. May nararamdaman ka pa nga sa kanya. Mga konti lang siguro.. Tol, why don't you try na makipag-ayos sa kanya? Baka tumino ka na? "

" Ulol! Matino ako noh! Anong akala mo sa akin, baliw ako? Pshh. "

" HAHA. What i mean is baka bumalik ang dating ikaw.. *turn to serious face* Yung dating Enzo. Stick to one. Tahimik at walang ibang ginagawa kundi hawakan lang ang psp. "

" Nagpapatawa ka talaga Jude. Kahit kelan, di babalik ang dating Enzo na yun. Matagal na syang patay. Saka, nakakaenjoy ang kung ano ako ngayon. I love what i'm doing right now, Jude. Walang problema. Free to do anything na alam kong di ako masasaktan. "

" Bitter nga. :p Sabagay, mahirap naman talagang kalimutan ang ginawa sayo ni Febbie. Minahal mo sya pero iniwan ka lang nya basta basta na walang pasabi. Bahala ka na nga kung ano ang gawin mo pero may hangganan din yan. Darating din ang panahon na marerealize mo kung ano ang tama at mali sa mga ginawa mo. Maling pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae tol. Wag mong idamay ang ibang babae sa ginawa ni Febbie sayo.. Di mo naman lahat naging gf eh. Ang hirap kasi ng karma pag tumama sayo. Di ko nga kinaya eh baka yung sayo malala pa kasi chickboy ka. :DD Dami mong pinaiyak at pinaglaruan eh. :p "

Tong lalaking to! Di ko alam kung ano ang kinain nya para pagsabihan nya ako ng ganun. " Nakakatawa ka.. Thanks sa sinabi mo pre. HAHAHA. Pero karma? Duh? HAHA. Di ata ako tinatablan nun eh? Saka okey, okey ikaw na ang good boy. :D "

" Haist. Seryoso kaya ang sinasabi ko sayo. *tapik balikat* Oh sya, its up to you kung ititake mo yun o hindi. Payong kaibigan lang naman yun e.. Basta andito lang ako sa likod mo para suportahan ka.. "

**

The next day, nalaman ko ngang totoo ang sinabi ni Jude sa akin tungkol kay Febbie. Dito na nga sya magpapatuloy ng pag-aaral sa Westbridge. Pakiramdam ko, lumiit ata ang mundo naming dalawa. Lagi kasi kaming nagkikita sa hallway o di kaya nagkakasalubong sa cafeteria na iniiwasan ko naman palagi. Sinusubukan nya akong kausapin pero iwas lang ako ng iwas sa kanya.

Bahala sya. Mapapagod lang sya sa kakahabol sa akin at paglapit kasi di ko sya papansinin. Asa syang kakausapin ko pa sya.. >.<

Ang sama ko, OO! Matagal ko ng alam yun..

Tapos na kami. Di ba nya maintindihan yun? Manhid ba sya o tanga para ipagpilitan pa nya ang sarili nya sa akin?

-.-

" Enzo! " speaking of the devil. Andyan na naman sya. Nagmadali ako sa paglalakad pero naabutan nya ako at hinawakan sa braso.

" Ano ba Febbie?! Kelan mo ba ako tatantanan?! "

" Kausapin mo naman kasi ako! Ilang araw na kitang nilalapitan pero iniiwasan mo lang ako. Pakinggan mo naman kasi mga paliwanag ko sayo bago ka sa akin magalit ng husto, Enzo. :( " tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at hinawakan sya sa magkabilang balikat.

" Ayaw ko ng marinig pa ang mga paliwanag mo kaya kung ako sayo, titigilan mo na ako. "

" Enzo, please. Mahal na mahal kita. Don't do this to me! Please.. Please let's fix this. " bigla nya naman akong niyakap ng mahigpit.

" Sana naisip mo yan nung iniwan mo ako.. Alam mo bang pinagmukha mo akong gago at tanga?! Wala kang alam kung ano ang mga ginawa ko para lang makalimutan kita, Febbie. WALA KANG ALAM! KAYA BAGO PA AKO MAGALIT NG TULUYAN SAYO! TIGILAN MO NA AKO! " wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao sa pagsigaw. Yung pakiramdam ko ng mga oras na yun, para akong bulkan na sasabog sa sobrang galit ko sa kanya. Binitawan nya ako at tiningnan sa mata. Nagulat sya but i don't care. Tinulak ko sya at iniwan dun. Nakita ko pa ngang umiyak sya pero wala pa din akong pakialam.

**

Aw! Grabe ginawa ni Enzo. Ang rude pero naintindihan ko naman sya.. Naks! Haha. Adik. Magcomment ba sa sariling gawa? XD Anyway, papatakamin ko muna kayo sa pov ni Ney kaya kay Enzo ang inupdate ko ngayon.

Kekeke ~

Itutuloy..

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon