5th Fall

120 7 1
                                    

FAYE's POV

"Diba, sabi ko sayo, huwag mo siyang tatakutin?"

"Oo nga. Nagpakita lang naman ako sa kanya. Siya talaga 'tong magugulatin."

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko nang may narinig akong nag uusap.

Hindi naman talaga ko hinimatay. Dahil sa sobrang takot ko, napahiga ako at napapikit na lang.

"Faye, are you alright?" Pag aalala ni Russel nang bumabangon na ko.

As I open my eyes, nakita ko na siya. Pinilit kong lunukin ang takot ko.

Nakaupo sa gilid ng kama ko si Russel habang ang multo namang 'to ay nakatayo sa tabi niya.

"Relax, Faye. He won't hurt you." Paalala ni Russel.

Tinignan kong mabuti ang mukha ng multong 'to. Malayong malayo ang itsura niya sa mga multong nakikita ko sa horror movies. Maamo at maaliwalas ang mukha niya. Walang sugat o bahid ng dugo man lang.

"H-hi," nakangiti niyang bati sa'kin.

"H-hello. I'm Faye." Kinakabahan kong pagpapakilala sa kanya.

"I know. You can call me Raze."

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Russel. "Ghost can talk?"

Nakangiti siyang tumango. "They can really talk. At may gusto siyang ipakiusap sa'yo, Faye. Kaya sana makinig kang mabuti sa kanya."

Hindi na ko muling nagsalita. Pinakinggan ko na lang muna ang mga sasabihin ni Raze.

"Faye, ikaw lang ang makakatulong sa'kin. Nakita mo kung sino ang mga bumaril sa'kin, diba? Gusto kong sabihin mo yun sa taong pinagkakatiwalaan ko. Huwag kang magsusumbong sa mga pulis dahil siguradong ikakapahamak mo 'yun."

"Kaninong tao ako lalapit?" Pagtatanong ko.

"Kailangan mong pumunta ulit sa bahay ko. Pumunta ka sa kwarto ko at sa likod ng cabinet ko, may vault doon. Buksan mo yun at kunin mo ang kahon na makikita mo. Nasa loob ng kahon na 'yun ang isang kwaderno na naglalaman ng mga contacts ko sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Hanapin mo ang pangalan ni Rosemary. Pumunta ka sa kanya at sabihin mo na ikaw ang nakawitness sa pagkamatay ko."

"Rosemary? Pero teka, ano nga ba talagang nangyari sa'yo? At totoo ba ang nabalitaan namin na kasali ka sa isang grupo?" Pag uusisa ko.

"That's true. Nalaman ko kasi ang pinakatatagong lihim ng grupong sinalihan ko at noong nalaman nila na may alam na ko, ginawa nila ang lahat para mapatay ako."

"So, nasaan na ang mga pumatay sa'yo? At sino sila?" Pagtatanong naman ni Russel.

"Malaya pa rin silang nagpapagala gala. At gusto ko sana na bago sila mahuli, malaman ko muna ang buong sikreto nila. Meroong tatlong namumuno sa samahang 'yon at ang isa sa kanila ay ang nangunguna sa motor race. Tinatawag siyang Fast Rider."

Nako naman. Ano ba 'tong napasok naming gulo ni Russel? Naloloka ako sa mga nalalaman ko.

Natahimik si Raze at parang may iniisip siyang mabuti.

"Kailangan niyo ring makuha sa kaibigan ko ang isang pen recorder. Doon ko nirecord ang lahat ng nalaman ko. Sa kanya ko ipinagkatiwala ang bagay na 'yun." Sabi niya pa.

"What if hindi namin magawa kaagad ang lahat ng sinabi mo? Anong mangyayari?" Tanong ko. Hindi naman siguro ganoon kadelikado, diba?

"Maraming malalagay sa alanganin, Faye. Hindi lang ang pamilya ko, kung hindi pati na rin ang lahat ng tao rito. Yung sikretong nalaman ko ay tungkol sa isang gamot na hindi ko maintindihan kung anong klase. Pero narinig ko mula sa kanila na once na mainom mo 'to, mawawala ka na lang bigla sa sarili. Unti unti kang mapaparalisa at doon ka na nila sisimulang kontrolin."

Fallen SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon