FAYE's POV
It's already 7:30AM nang magising ako. Wala na rin si Russel sa higaan niya. I fixed myself at kaagad na rin akong bumaba sa may kusina. Nadatnan ko sila Rosemary at Russel na nagluluto ng breakfast.
"Good morning," bati ko sa kanila.
"Good morning, Faye," sabay naman nilang bati sa'kin.
"Maids are off today so we need to prepare our breakfast ourselves." Sabi ni Rosemary habang nag aayos ng lamesa.
"Need some help?" Tanong ko naman.
"We're almost done. Pakitawag na lang sila Kuya Fiel. I think nasa may pool side siya." Sagot naman ni Russel.
As she said, nagpunta ako sa may pool side. Nakita kong nagbabasa ng dyaryo si Kuya while drinking a cup of coffee. Mas lalo niya tuloy nakakamukha si Daddy.
"Good morning, baby girl." Nakangiti niyang bati sa'kin nang mapansin niya ko.
"Good morning, Kuya."
I walk towards him at umupo ako sa tabi niya.
Mabuti na lang at nagkaayos na kami since last night. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kesa kahapon. Pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko.
Based sa mga nalaman ko kagabi, nakasalalay ang buhay ng bawat isa sa amin.
FLASHBACK
"Guys, calm down!" I shouted dahilan para matahimik silang lahat. "Walang mangyayari sa pag uusap na 'to kung magpapanic tayong lahat. Hayaan nating makapagsalita ang bawat isa para magkaintindihan tayo."
Medyo lumayo sa amin si Rosemary at nagpalakad lakad siya sa sala habang kami ay kalmado nang nakaupo. Halata pa rin sa mukha niya ang pagkabalisa.
"Okay. Let's make it clear. So, nagpapakita sa inyo ang kaluluwa ni Raze. Tama ba?"Paniniguro pa niya.
Tumango ako.
"Oh God. Paano nangyari 'yon? Totoo ang mga multo?"
"Yeah. Totoo sila, Rosemary. Maniwala ka man o hindi. But that's not the point. Raze need our help." Russel answered.
Natigilan sa paglalakad si Rosemary. "What do you mean? He's already dead kaya bakit niya pa kailangan ang tulong natin?"
Dahil sa sinabi niya, bigla akong nagtaka.
"Rosemary, huwag mong sabihing hindi mo alam ang tungkol sa grupong sinalihan ni Raze?" Pagtatanong ko.
"Grupo?"Pagtataka pa niya.
Napatingin ako kay Raze. "She doesn't know anything."
"Kung wala siyang alam, bakit sa kanya mo kami pinapunta?" Pagtatanong ko.
"This is bullshit. Pinaglalaruan mo lang ang kapatid ko." Nakikita kong nauubos na ang pasensya ni Kuya.
"As I said, you need to tell her everything. Ang alam lang niya ay may pumatay sa akin. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa grupong sinalihan ko dahil sigurado akong madadamay lang siya just like what happened to Yul." Pagpapaliwanag ni Raze.
"Ano pang saysay ng pagpoprotekta mo sa kanya noon kung idadamay mo lang din siya ngayon?" Tanong naman ni Patrice.
"She has everything we need. Protection and contacts. Mas madali tayong makakagawa ng plano sa tulong niya."
"Guys, hindi ko kayo maintindihan. Anong sinasabi ni Raze?" Usisa naman ni Rosemary.
Pinakalma muna namin siya bago namin kinwento ang tungkol sa grupong sinalihan ni Raze.
BINABASA MO ANG
Fallen Spirit
Teen FictionI never believe in ghost until I saw him. How he was shot right in front of me and died. How he begged for help and how he asked for me to stay. He only have 150 days to fix everything out. The question is, how can I manage to fall in love with some...