1st Fall

378 9 2
                                    

"Faye! Sumabay ka sa'min kumain ng lunch!"

"Faye! Sa'min ka na lang sumabay."

"Hindi, Faye. Sa'min na lang!"

"Hephephep!" sigaw ko. "Ganito na lang. Sabay sabay na tayong kumain."

"Aaaaa... You're so sweet talaga, Faye." sabi naman noong isa kong classmate.

"So, where do you guys want to eat?" sabay tayo ko.

Nagtinginan silang lahat sabay sabing, "GIRL'S RESTO!"

At heto nga, kasama ko ang lahat ng girl classmate ko, papunta na kami sa not as in girl's resto pero natawag lang namin yung place na yun na ganoon dahil halos ininvade na namin yung whole place. Nasa kabilang building din kasi 'to.

At kahit sa corridor or school grounds may bumabati sa'kin.

"Hello, Faye."

"Faye! Hello!"

"Hi, Faye."

Lagi na lang ganito ang routine ng buhay ko. Walang araw na walang bumabati sa'kin. Nga pala, ako si Faye Policarpio. 2nd year college and taking BS Psychology in a well-known university. Kahit saang colleges sa university namin ay may nakakakilala sa'kin. Siguro dahil na rin sa mga nakekwento ako ng iba kong kaibigan sa iba rin nilang friends. Member din ako ng ilang clubs gaya ng theater arts and blogger din ako. Lagi pang lead role ang napupunta sa'kin  kapag may school play dahil na nga daw beauty and brain ako. Masyado lang siguro akong love ni Lord kaya niya ko biniyayaaan ng maraming talent. HAHAHA.

Pagdating namin sa resto, umupo na kami kaagad. Pinagdikit din namin yung dalawang table para magkakasama ang lahat.

"Mga magagandang dilag, anong order niyo?" tanong ni Tita Monica, ang pinakakilalang waiter sa university. Alam niya rin na suki kami kaya siya na mismo ang lumalapit sa amin para kunin ang mga order. Sinabi namin kaagad sa kanya kung anong mga order namin.

"Girls, nabalitaan niyo na ba yung hot guy?" sabi noong isa sa mga classmate ko, si Lyka.

"Hindi. Sinong hot guy?" tanong naman ni Steph, isa sa mga lagi kong kasama.

"Duuuh. Yung isa sa mga sikat na racer dyan sa plaza."

"Lyka, bakit ba ang hilig mo sa motor race? Nagtataka tuloy kami kung girl ka pa ba or what." pabirong sabi noong isa pa naming classmate na si Hannah dahilan para magtawanan kaming lahat. 

Madalas kasing pumupunta si Lyka sa plaza para manood ng karera kaya minsan nagtataka ang mga kaklase ko kung babae ba talaga siya.

"Girls, listen. Hindi naman yung karera ang pinupuntahan ko doon e." sagot naman ni Lyka.

"E anong pinupuntahan mo doon? Yung mga motor? Boyish..." pang-aasar pa ni Hannah.

"Hannah, malapit na kong mapuno sa'yo a." Mukhang napipikon na si Lyka. I have to do something.

"Guys, nandito tayo para kumain at hindi mag-away, diba? So, sana walang masyadong harsh words and something na magiging root ng away. Can we do that?"

"Yes, Faye." sabay sabay nilang sagot.

"Good. Lyka, continue what you're talking about." Isa pa sa trabaho ko ay ang mag-awat ng mga mag-aaway at nag-aaway. Another good deed na ginagawa ko kaya marami ring nagsasabi na role model daw ako ng school.

"Ok. I'll continue. Ang pinupuntahan ko sa plaza is not the race but the hot guys na nakikipagkarera. Kung sasama lang kayo sa'kin I can prove to all of you kung gaano sila kagagwapo. Mygooosh." Si Lyka na kilig na kilig sa pagkekwento.

Fallen SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon