RUSSEL's POV
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ni Patrice. Hindi ko rin alam kung bakit mainit ang dugo ko sa kanya. Siguro dahil ang pangit ng pakikitungo niya sa amin.
Bagay na bagay sa kanya ang bahay niya. Weird din kagaya niya.
Weird din naman ako pero hindi naman over kagaya niya na pati bahay kapareho ng character niya. Ngayon lang ako nakakita ng bahay na itim ang kulay ng bubong. As in itim na itim talaga.
"American house?" Usisa naman ni Kuya Fiel na nililibot ang kanyang paningin sa harap ng bahay.
Nabaling naman ang atensyon ko sa bintana sa may ikalawang palapag. Nakita ko ang isang babae na may mahabang buhok at nakasuot ng puting bistida. Hindi kaya siya napansin ni Kuya Fiel?
"Yeah. My father designs this house just for me." Sagot naman ni Patrice. "Welcome to my home."
Isang matandang babae ang nagbukas ng tarangkahan para sa'min. Binati niya lang kami at nang mabaling sa'kin ang mga mata niya, biglang nag iba ang pakiramdam ko.
Bigla akong nakaramdam na parang ayoko nang tumuloy sa bahay ni Patrice pero naalala ko rin naman si Faye. Hindi lang ako ang may kakayahan na makakita ng mga multo. Posibleng hindi lang si Raze ang makita niya at ni Kuya Fiel. Maaaring kagaya ko na rin sila. Hindi ko sila pwedeng pabayaan na lang dahil hindi pa sila sanay kagaya ko.
Hindi ko napansin na nauna na pala silang pumasok sa bahay. Hindi ko kasi maalis ang atensyon ko sa babaeng nasa bintana.
"Russel, okay ka lang? Anong tinitignan mo dyan?" Nagbalik lang ako sa realidad nang lumapit sa akin si Faye.
Muli kong tinignan ang bintana pero wala na ang babae. "W-wala naman. Tara. Pumasok na tayo." Yaya ko at nauna na kong pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto ay iba na ang naramdaman ko.
Hindi lang si Patrice at yung matandang babae ang nakatira sa bahay na 'to.
Pinilit kong kumalma. Sana mali ang kutob ko. Sana normal na bahay lang talaga 'to.
Nagpaalam muna sa amin si Patrice na may kukuhanin lang siya sa kwarto niya. Yung matandang babae naman na nagbukas sa'min kanina ay dinalhan kami ng juice at meryenda.
Muli na namang nagtama ang paningin namin at parang alam niya na kung ano ang iniisip ko.
Nang muli niya kaming dinalhan ng juice, nagtanong na si Faye sa kanya.
"A-ano, manang. Excuse me po. Kayo lang po ba ang katulong dito?"
Tinignan muna kami ni manang isa isa at parang lalong sumama ang pakiramdam ko nang tumingin na naman siya sa'kin.
"Oo, hija. Hindi kasi pwedeng maraming tao sa pamamahay na 'to." Malumanay niyang sagot bago siya bumalik sa kusina.
Kung ganoon, tama ang hinala ko. Hindi sila nag iisa sa bahay na 'to.
"Grabe ha. Nakakakilabot sa bahay na 'to." Narinig kong sabi ni Rosemary.
"Sino kaya ang nagyayang pumunta dito?" Narinig ko namang sabi ni Raze.
"Okay ka lang, Russel?" Usisa naman ni Kuya Fiel na nakaupo sa tabi ko.
Nanlalamig na ko. Nararamdaman ko na sila. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Namumutla siya," Muli kong narinig ang boses ni Rosemary.
"I'm... I'm fine. I can handle myself." Sinubukan kong magsalita para hindi na sila mag alala pa pero pinagpapawisan na rin ako.
BINABASA MO ANG
Fallen Spirit
Teen FictionI never believe in ghost until I saw him. How he was shot right in front of me and died. How he begged for help and how he asked for me to stay. He only have 150 days to fix everything out. The question is, how can I manage to fall in love with some...