6th Fall

138 7 1
                                    

FAYE's POV

Pag uwi ko sa bahay, pinuntahan ko si Kuya sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nag aaral. Finals na nga pala namin sa Monday. After that week, bakasyon na.

Kailangan na naming harapin ni Russel ang gulong pinasok namin.

Pero sobrang nagiguilty ako. Parang niloko ko na rin si Kuya Fiel.

"Baby girl?" Nagulat na lang ako nang tawagin ako ni Kuya. Napansin na pala niya ko.

"H-hello, Kuya."

"Nandyan ka na pala. Kamusta ang bonding niyo ni Russel?" Usisa niya nang muling niyang ibalik ang atensyon niya sa mga librong nasa harapan niya.

Umupo ako sa kama niya tsaka ko pinaglaruan ang bola ng basketball.

"Masaya naman, Kuya. Namiss kong makipagbonding sa kanya." Sagot ko.

Bigla siyang humarap sa'kin. "May problema ba, baby girl? Bakit parang hindi ka ganoon kasaya?"

Itinigil ko ang paglalaro sa bola. "Kuya, what if may magawa akong kasalanan sa'yo? Will you still forgive me?"

"Huh?" Pagtataka niya. "Oo naman, baby girl. Siguro, magagalit ako sa'yo pero pipilitin kong intindihin ka. Bakit mo natanong? May nagawa ka bang kasalanan sa'kin?"

Inagaw niya sa'kin ang bola at dinribble naman niya 'to.

Hindi ko ba nasabi sa inyo? Ace player din si Kuya sa University.

"W-wala naman, Kuya. Naisip ko lang." Tumayo na ko at lumapit na sa pinto. "Nga pala, Kuya. Huwag mong masyadong ipahalata ang feelings mo sa kaibigan ko kung wala kang balak umamin ha?" Biro ko pa sa kanya.

Hindi ko mapigilang matawa dahil biglang namula na naman ang tenga niya. Hahahaha.

"Hoy, baby girl! Nagkakamali ka nang iniisip mo ha!"

Kaagad na kong lumabas dahil sigurado akong hindi titigil si Kuya sa pagdedefend sa sarili niya.

Sana nga lang talaga maintindihan niya ko.

Pagbalik ko ng kwarto ko, naabutan ko si Raze na nakaupo sa may bintana. Meroon kasing mauupuan na space bago ang bintana sa kwarto ko.

Mukhang malalim ang iniisip niya.

Umupo ako sa tabi niya. "What are you thinking?"

"Kung magagawan pa ba natin ng paraan ang bagay na 'to." Sagot niya pero nakatitig pa rin siya sa labas ng bintana.

"I know we can do it." Sabi ko dahilan para mapatingin siya sa'kin. "Gagawin natin ang lahat para mapigilan ang binabalak nila."

"How about your brother? Maaari kayong mapahamak ni Russel."

Napabuntong hininga ako. "I already take the risk, Raze. Ngayon pa ba ako aatras? Tsaka mahal ko si Kuya pero alam kong maiintindihan niya kung bakit ko mas piniling tulungan ka."

"Sa totoo lang, hindi ko ineexpect na tutulungan mo ko. Maswerte na lang ako dahil nakakakita na talaga ng multo ang kaibigan mo kaya natulungan niya kong makausap ka."

"Can I ask you something?"

"Oo naman. Ngayon pa ba ko aangal e tinutulungan niyo na nga ako." Nakangiti niyang sabi.

Shemay. Killer smile!

Relax, Faye. Relax.

"B-bakit mag isa ka lang sa bahay mo? Nasaan ang family mo?"

Biglang nawala yung ngiti sa mukha niya. "Gaya nang iniisip mo, I was a rebel. Sakal na sakal na ko sa mga magulang ko kaya mas pinili kong maglayas. Tinulungan ako ng Lola ko na magkaroon ng sariling bahay at yun nga ang pinuntahan niyo. Pagkatapos kong maglayas, wala na kong balita sa kanila. Sabi ni Lola, sa sobrang galit ng ama ko, itinakwil niya na ko."

Fallen SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon