FIEL'S POV
Papunta na ko ngayon sa pinagparkingan ko ng sasakyan para mapuntahan ko na ang kapatid ko. Ano bang pinagsasabi niya? May nabaril daw sa harapan niya at ngayon ay nag aagaw buhay. Naniniwala ako sa kanya dahil kahit ako ay may narinig na putok ng baril mula sa kabilang linya.
I keep on running dahil medyo malayo nga ang parking lot. Nang matanaw ko na yung sasakyan ko, nakita ko rin si Russel na nakatayo sa tabi nito. Anong ginagawa niya dun?
"Russel," tawag ko sa kanya at mukhang nagulat siya nang makita niya ko. "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinahanap ng kapatid ko. Aist! Mamaya na nga tayo mag usap. Just get inside the car."
Binuksan ko kaagad ang pintuan ng sasakyan ko para makapasok na si Russel. Kahit na halata sa mukha niya na ayaw niyang sumama, pinilit ko pa rin siya.
Pinatakbo ko nang mabilis ang sasakyan dahil baka hindi ko na maabutan ng buhay ang lalaking sinasabi ng kapatid ko. Mabuti nga at nakapagsalita pa si Faye after niyang masaksihan ang insidenteng yon.
When we got there, nakita kong nanginginig na ang kapatid ko habang tinitignan ang duguang katawan ng lalaking nakahiga sa harapan niya.
Bwisit! Masyado pa siyang bata para masaksihan ang ganitong pangyayari. Kaagad akong bumaba ng sasakyan. Nilapitan ko siya at saka ko siya niyakap sandali.
"Anong nangyari, Faye? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Sabi ko habang pinupunasan ang luha niya. Iyak pa rin siya ng iyak.
Lumapit sa amin si Russel at tinignan niya kung may pulso pa yung lalaking nabaril.
"Buhay pa siya, Faye." Sabi niya.
"K-kuya. Tulungan natin siya." Pagmamakaawa sa'kin ng kapatid ko.
Kahit ako, naaawa sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Hindi na ko nagdalawang isip pa. Binuhat ko ang lalaki at isinakay namin siya sa sasakyan. Si Faye ang pumwesto katabi ng lalaki at si Russel naman ang katabi ko.
Binilisan ko ang pagdadrive at umabot [a nga sa speed limit. My little sister keep on crying. Si Russel naman, nababasa ko sa mukha niya na nag aalala rin siya.
Pagdating namin sa ospital, kaagad inasikaso ng mga doctor ang pasyenteng dinala namin. Habang nasa emergency room 'to, naiwan kaming tatlo sa waiting area. Nakatayo ako habang si Russel ay nakaupo sa tabi ng kapatid ko at inaalalayan 'to.
"Faye, kumalma ka lang. Mabubuhay siya." Narinig kong sinabi ni Russel.
"R-russel. P-paano kung hindi? Paano kung nahuli na tayo? Paano kung... kung mamatay siya?" patuloy pa rin sa pag iyak ang kapatid ko.
"Faye, hindi mo kasalanan kung mamamatay siya. Huwag ka nang umiyak. Magpray na lang tayo para sa safety niya."
"Russel. N-nakita ko. Nakita ko, bago pa siya mabaril, duguan na siya." Pagkekwento ng kapatid ko. Balisang balisa na siya.
Kaagad akong lumapit sa kanila para malaman ang nangyari.
"Tapos... m-may dalawang nakamotor ang huminto sa kabilang kalye. B-binaril nila yung lalake. Russel, binaril nila yung lalake." Napahawak na nang mahigpit si Faye sa braso ni Russel. "Kuya, binaril nila ng dalawang beses."
Gusto kong suntukin yung pader dahil kung hindi ko lang sana pinayagan si Faye na manood ng karera, hindi sana mangyayari 'to sa kanya pero imbis na sumuntok ako, kaagad kong niyakap ang kapatid ko. Ito lang ang magagawa ko para medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Ilang sandali pa lumabas na rin yung doctor kasama ang isang nurse.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong sa amin ng doctor.
BINABASA MO ANG
Fallen Spirit
Teen FictionI never believe in ghost until I saw him. How he was shot right in front of me and died. How he begged for help and how he asked for me to stay. He only have 150 days to fix everything out. The question is, how can I manage to fall in love with some...