14th Fall

63 4 1
                                    


FAYE's POV

April 28.

"Baby girl, sigurado ka bang hindi mo sasamahan si Kuya na kuhanin ang toga niya? Okay ka lang ba talaga dito?" Muling tanong ni Kuya Fiel nang bumalik siya sa kwarto ko sa ikalawang beses.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa malaking teddy bear na nasa tabi ko. Naramdaman kong umupo sa kama ko si Kuya.

"You know, we could go somewhere else after kong makuha yung toga. Kumain tayo sa mall tapos mamili tayo ng bago mong gamit."

Hanggang ngayon pinag aalala ko pa rin sila. Bakit kahit anong gawin ko, sa paningin nila nasasaktan at nahihirapan pa rin ako?

Umayos ako ng upo at ngumiti ako na para bang wala akong dinadala.

"Kuya Fiel, hanggang ngayon ba nag aalala ka pa rin sa'kin? I'm fine. Tinatamad lang talaga akong magkikilos. Ngayon ko lang nafeel na summer na kaya bumabawi ako ng tulog. Don't worry about me, okay?"

Kuya Fiel smiled at me and as I expected, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka niya ko hinalikan sa noo.

"You're such a strong girl, I know that. Pero hindi na ko iba sa karaniwan, diba? I'm and I will always be your big brother. In sadness and in happiness, I will never leave your side. It's okay to cry. Feel the pain until it's gone." Tinap pa niya ang bunbunan ko na parang sinasabing good girl ako.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko na kaagad ko namang pinunasan. Pinilit ko ulit ngumiti ng wagas.

"Ang drama mo, Kuya. Umalis ka na nga," biro ko pa.

Ginusut muna niya ang buhok ko bago siya tumayo. "I'll be back soon. Mag-uuwi na lang ako ng paborito mong food for our dinner at sana pag uwi ko, wala ka na dyan sa kama mo."

Bago pa siya tuluyang lumabas ng kwarto ko ay muli ko siyang tinawag.

Sobrang swerte ko dahil may isang Kuya akong kagaya niya.

"Thanks. Thanks for everything."

Pagkaalis na pagkaalis ni Kuya ay inayos ko na ang kama ko. Bagay na hindi ko na nagawa simula nang bumalik kami mula sa townhouse ni Rosemary.

It's been two weeks.

2 weeks na rin akong nagmumukmok sa kwarto. Pinipilit kong magpakatatag pero nilalamon lang ako ng lungkot at pangungulila mula sa isang kaluluwang hindi ko naman kilala pero hinayaan kong maging parte ng buhay ko.

Nagpunta ako sa banyo at naligo. Kailangan kong maging masigla. Kailangan bumalik yung dating ako. Hindi ko pwedeng sirain ang buhay ko nang dahil lang sa isang multong makasarili.

Pagkatapos kong magsuklay sa harap ng salamin, sinampal ko ang magkabila kong pisngi.

"You're still the same. Ikaw pa rin si Faye Policarpio. Kaya mo yan!" Sabi ko sa sarili ko.

Hinawi ko ang kurtina ng kwarto ko. Binuksan ko na rin ang mga bintana pati na rin ang glass door sa veranda dahilan para makalanghap na ulit ako ng sariwang hangin.

"Faye, papayag ka bang sumanib ako sa'yo?"  Pagtatanong naman ni Raze na nasa tabi ko lang.

"Ha?" Pagtataka ko.

"Sanay akong bumaba sa ganitong paraan. Kapag sumanib ako sa'yo, makocontrol ko ang katawan mo. Makakababa ka na dyan."

Muli akong tumingin sa baba ng veranda. Ang taas talagaaaaa.

Fallen SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon