PATRICE'S POV
Kitang kita ko kung paano umiyak si Faye right after niyang sumbatan si Raze. I can't blame her. You almost give your all to some freaking ghost tapos malalaman mo na lang pala na niloko ka lang niya? That's devastating.
Mukhang balak sundan ni Russel si Faye kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso. "Let her be. She needs to be alone."
"She needs me." Oh God. Ano ba ang hindi niya maintindihan sa sinabi ko?
"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? If I were her, I don't want anybody to interrupt me when I want to cry every single pain I feel."
Edi natigilan siya. Hays. Ewan ko ba. That's what I don't understand. Simpleng bagay pero ang daming hindi nakakaintindi.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Raze. Kung hindi pa siya nilapitan ni Kuya Fiel, malamang hanggang mamayang gabi siya tulala at bangag. I can't blame him, either. Ginawa niya lang 'yon para sa mas ikabubuti ni Faye. How unbelievable? Nakakaramdam pa pala ang mga multo bukod sa emptiness. Akala ko lungkot at pangungulila lang ang nararamdaman nila pero itong kaso ni Raze? Ibang iba.
Sa dinami dami ng nakasalamuha kong multo, si Raze lang ang pinaka kakaiba sa lahat. The powers, his movements, the way he talks and even the way he feels. Mukhang hindi lang siya basta basta multo.
Kinabukasan, maaga naming inihanda ang lahat. Simple lang naman ang plano. Kailangan naming mapasok ang bahay ng walang nakakaalam. Isa isa naming papatumbahin gamit ang mga pampatulog na nakalagay sa mga binili naming injection ang mga taong 'yon. Naghanda na rin kami ng isa pang van kung saan namin sila isasakay at dito mismo sa loob ng bahay ni Rosemary sila ikukulong.
Maybe we could conclude that we're going to kidnapped them. Hmm, does kidnapping bad people is also considered as a crime?
Nagising ako nang maramdaman kong huminto na ang sasakyan namin sa tapat ng isang magarang bahay ilang metro lamang sa bahay ni Raze. Mabuti na raw na pumarada malayo sa mismong target para malayo itong pagtakahan.
"So, me, Russel and Raze will go inside the house. Patrice, Rosemary and Faye, stay here. Magmatyag kayo and wait for our signal. Yul will still be the driver of the van at kapag sinabi na naming okay na, papuntahin niyo siya kaagad sa tapat ng bahay. Understood?" Muling pagpapaliwag ni Kuya Fiel. Urgh. It's been the nth time since he explained that.
"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama sa loob? I know how to defend myself." Isa pa 'tong si Faye. Ilang beses na rin niyang ipinagpipilitan ang sarili niya. How pathetic. I know I'm rude but this is me. Obviously, sinasabi niya lang na kaya niyang protektahan ang sarili niya pero I know that she's still weak at sinasabi niya lang 'yon dahil ayaw niyang mag isa ang best friend niya sa loob.
"Faye, ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi pwede. Delikado sa loob. Mas mabuting nandito na lang kayo nila Patrice," sagot naman ni Kuya Fiel.
Nasa driver seat si Kuya Fiel habang si Raze ay nasa passenger seat. Kaming mga babae ang nasa likod ng sasakyan. Si Yul naman ang nandoon sa kabilang van at siya ang naging driver namin doon kasama ang ilan pang tauhan ni Rosemary na tutulong sa misyong 'to.
"Faye, I can handle this. Nakalimutan mo na bang nag taekwondo ako dati? Kayang kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Stay calm, okay? Kailangan mong gawin 'yon para maging successful ang plano na 'to." Pagbebabysit naman ni Russel sa best friend niya.
Too dramatic.
Matapos ang napakahabang diskusyunan, isa isang bumaba ng sasakyan sila Raze, Kuya Fiel at Russel. Lahat sila nakamask at hoody. It's almost 11 in the morning at ito ang napili nilang oras para gawin ang plano. Ang dahilan nila ay siguradong hindi alerto ang mga taong nasa loob dahil oras ng pananghalian.
BINABASA MO ANG
Fallen Spirit
Teen FictionI never believe in ghost until I saw him. How he was shot right in front of me and died. How he begged for help and how he asked for me to stay. He only have 150 days to fix everything out. The question is, how can I manage to fall in love with some...