FIEL'S POV
Chineck ko ang hallway. Pati na ang likod ng pinto. Isinama ko na ang banyo at ang cabinet. Nagsindi na rin ako ng mga insenso.
"Kuya Fiel, nahihilo na ko sa kakapaikot ikot mo. Puno na rin ng usok ang kwarto oh," pagrereklamo ni Russel dahilan para tignan ko siya.
Nakahiga na siya sa kama at balot na balot na rin siya ng kumot dahil airconditioned naman ang kwarto. Yun nga lang, nasamahan ng usok dahil sa insenso.
Itinayo ko sa isang vase ang mga insenso na hawak ko.
"S-sorry. Hindi ka ba makatulog?" Usisa ko.
Gusto ko lang naman i-check at masigurado na walang multong makakapasok sa kwarto namin. Gusto kong makatulog ng maayos si Russel.
Pagkatapos kong maalala ang kalagayan niya kanina noong nakita niya ang mga multong 'yon, parang mas nadagdagan ang dahilan ko para alagaan at protektahan ko siya.
Bumangon siya. "Masyado nang mausok kaya nahihirapan na rin akong makahinga."
Tumayo siya at lumapit sa malaking glass door na papunta sa veranda.
"Russel, huwag mong bubuksan. Baka pumasok ulit yung mga multo kanina." Paalala ko sa kanya nang lapitan ko siya.
Biglang may gumuhit na ngiti sa labi niya. "It's okay, Kuya Fiel."
Wala akong nagawa dahil bigla akong natameme.
Binuksan niya ang glass door dahilan para lumabas at sumingaw ang lamig at usok na nagmumula sa kwarto. Lumabas siya sa veranda at nakangiti siyang tumingin sa kalangitan.
Mabilis kong kinuha ang jacket ko at ibinalot ko 'to sa balikat niya.
"Ang sweet mo talaga, Kuya Fiel. Pakiramdam ko Kuya na rin talaga kita." Natatawa pa niyang sabi.
Pakiramdam ko Kuya na rin talaga kita.
Pakiramdam ko Kuya na rin talaga kita.
Pakiramdam ko Kuya na rin talaga kita.
KUYA ZONED.
Ito na ba ang katapusan ko?
"Alam mo, Kuya Fiel. Napakaswerte ni Faye sa'yo." Sabi pa niya dahilan para muli akong mapatingin sa kanya.
Nakangiti siya sa'kin pero puno ng lungkot ang mga mata niya.
"May isa siyang Kuya Fiel na sobrang minamahal siya, handa siyang alagaan at protektahan no matter what." Muli siyang tumingin sa buwan.
"Hindi kagaya ko. Pinabayaan na nga ng mga magulang, wala pang kapatid na nagmamalasakit. Sabagay, sino nga ba naman ang magkakaroon ng malasakit sa isang kagaya ko na ang tingin ng lahat e marumi? Papalit palit ng boyfriend. Malandi. At kung ano ano pa." Biro pa niya na may kasamang pilit na tawa.
Hindi ko alam kung ano nga ba 'tong nararamdaman ko para kay Russel pero isa lang din ang gusto kong iparamdam sa kanya.
"I could treat you the way I treat Faye. Kung hahayaan mo lang ako."
Kitang kita ko kung paano magbago ang reaksyon ng mukha niya. Biglang nawala yung ngiti na kanina ko pa tinititigan.
"N-no, Kuya Fiel. You don't have to." Bumalik na siya sa kwarto pero napatigil siya nang magsalita ako.
"Why? Anong problema? Kailangan mo ng pagmamahal, diba? Ng aruga?"
Pagharap niya sa'kin, umiiyak na siya. Pinaiyak ko na naman siya.
BINABASA MO ANG
Fallen Spirit
Teen FictionI never believe in ghost until I saw him. How he was shot right in front of me and died. How he begged for help and how he asked for me to stay. He only have 150 days to fix everything out. The question is, how can I manage to fall in love with some...