7th Fall

106 7 2
                                    

FAYE's POV

Simula nang makilala ko si Raze, hindi na natahimik ang utak ko. Lagi na lang akong napapaisip tungkol sa mga bagay bagay na nauugnay sa kanya. Ganito ba talaga kapag nagsosolve ng mga mystery? Mystery nga ba 'to o crime? Aist! I can't figure it out myself!

It's almost 9 o'clock in the evening. Pumunta ako sa dressing room ko para kumuha ng mga damit na dadalhin ko sa townhouse ng kaibigan ni Raze.

Mamayang madaling araw na ang alis namin at kung hindi pa pinaalala sa'kin ni Kuya Fiel, hindi ko pa maiisipang mag impake.

Napapansin din ni Kuya na lagi akong tulala and I'm not surprised about that dahil aminado ako. Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Russel about kay Patrice.

Anong ginagawa ni Patrice sa liblib  na lugar na 'yon at sa alanganin pang oras? I don't wanna judge her pero there's something in me na nagsasabing parang may mali.

Napatigil ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa maleta nang biglang humangin ng malakas. He's already here.

Ilang araw din siyang hindi nagpakita sa'kin. Doon kasi siya nagstay sa bahay ni Russel. Well, okay lang naman sa'kin dahil maliwanag na sa'kin ang lahat kung bakit niya ginagawa 'yun.

And maybe, Russel is right. Naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko. I'm just jumping to conclusions na baka nagkakagusto na ko kay Raze which is so impossible dahil nga ilang araw pa lang kaming magkasama. Siguro nga, attracted lang ako sa looks niya, in short crush ko lang siya.

"You're overthinking again?" Usisa niya habang ako pinagpatuloy ko ang pag iimpake.

"How did you know?"

Minsan, hindi ko maiwasang matakot sa kakayahan ni Raze. Sa bawat araw na lumilipas, may nadidiscover siyang mga ability na nagagawa ng isang multong kagaya niya.

"Hindi 'to dahil sa kakayahan ko. Halata kasi sa'yo na may iniisip ka. Konting konti na lang magbubuhol na yang kilay mo." He chuckled.

Bigla akong napaayos ng tayo. Huminga ako ng malalim at pinilit kong kalmahin ang utak ko.

"I'm not." Pagsisinungaling ako.

Gusto ko ring magsorry sa kanya for being so rude last time na nandito siya. Hindi ko naman ginustong magpaka childish. Naunahan lang talaga ko ng selos? No, no. I think, hindi selos 'yun. Nasanay lang siguro talaga ako sa presence niya.

At dahil multo siya, mabilis siyang nakapwesto sa kama. Umupo siya sa tabi mismo ng maleta ko dahilan para magkatapat kami.

"You can't deny it, Faye. Noong nagrereview tayo, laging nakakunot ang noo mo so it means, nag iisip ka."  Panggigipit pa niya.

"Fine. I'm thinking about you and Patrice." Sinara ko na ang maleta ko at buong lakas ko 'yung binaba sa kama. Mukhang naparami ata ang dala ko.

"Are you jealous?" Out of the blue niyang tanong dahilan para mapatingin ako ng diretso sa kanya.

I was surprised dahil hindi na kagaya ng dati na ang dali daling magreact ng magkabila kong pisngi kapag inaasar niya ko. Siguro dahil na rin malinaw na sa'kin na infatuation lang ang naramdaman ko last time.

Umiling ako. "Stop joking, Raze. What I mean is I'm thinking about the reason why she's there in the first place."

I feel exhausted so I decided to lay down in my bed.

"Sa ilang oras na kasama ko siya, wala akong nakuhang impormasyon kung bakit siya naroon sa lugar na 'yon. I bet she's smarter than we think."

Fallen SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon