Kabanata 8

1.5K 52 0
                                    

Dahil ayuko maka-istorbo sa kanila nagkulong nalang ako sa kwarto ko habang hindi pa sila lumalabas ng bahay.  Nilibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro at kung ano-ano pa.  Kung nasa real world lang ako baka naglalaro ako ngayon sa phone ko ng mobile games at nanonood ng anime or k-drama. It's kinda boring here, walang magawa kundi ang magbasa ng libro. 

At dahil subrang nabo-bored ako pumunta ako kila Dara para ayain si Dara mag-liwaliw sa labas.  Syempre pinagpaalam ko muna siya sa mga magulang niya, pumayag naman sila kaya agad kaming umalis ni Dara kasama din namin yung ibang mga bata pa.  Pumunta kami sa lugar na tinatambayan namin lagi at doon sabi ko sa kanila maglalaro kami ng habulan.  Ako taya kaya ako ang humahabol sa kanila.  Kapag nahuhuli ko sila kinikiliti ko sila sa tagiliran nila o kung saan sila may kiliti. 

Nang mapagod sila nagpahinga muna kami at isa-isa ko sila pinunasan dahil puro na pawis ang katawan nila.  Binibiro ko pa sila kapag pinupunasan ko sila sa underarms nila.  

"Ate Arian, gutom na po ako"  sabi ni Dara

"Ako din po"  sabi naman ng iba pang bata


"Ganito, ipagluluto ko kayo ng pagkain."

"Yey!!"  Sigaw nila

"Pero kailangan ko pa maghanap ng lulutuin ko, pwede niyo ba ako samahan sa paghahanap? "


"Opo!!"

"Pero bago 'yon kakain muna tayo ng sandwich para may lakas tayo sa paghahanap ng mga sangkap"

"Opo!"

Kumain muna kami ng sandwich na gawa ni aling Ara para sa amin.  Tapos na kami at handa na kaming umalis nang biglang dumating si Zian.

"Kuya prince!"  Agad na lumapit sakanya ang mga bata

"Kuya prince, sasama ka po sa amin?"

"Sama ka po! Maghahanap po kami ng pagkain"

"Oo nga po!!"

"Kids, busy ata si kuya Prince niyo" Sabi ko

Busy naman talaga siya di ba? Busy sa babae niya

"No, I'm not"

"Really? Di ba bumisita Girlfriend mo?" Sarcastic na sabi ko

"She's not my girlfriend"

Tsk! Palusot pa

"Okay, sabi mo e"  inis na sabi ko "Kids let's go"

"Ate Arian, sama po natin si kuya Prince"

"Oo nga po"

"Kuya Prince sama ka na po, please"

"Please" sabi nilang lahat

"Okay! Sasama ako"

"Yehey!!" Masayang sabi nila.  Napabuntong-hininga ako at hindi nalang siya pinansin. 

Umalis na kami para maghanap ng lulutuin ko.  Una pumunta muna kami sa farm ng village para manghingi ng mga kakailanganin kong sangkap.  After non pumunta naman kami sa malapit na ilog para mang-huli ng isda. Kaso ang problema wala kaming pamingwit.

"I'll do it"  sabi ni Zian.  Hinubad niya ang suot niyang sapatos at bigla nalang naghubad ng damit sa harap ko kaya umiwas agad ako ng tingin sakanya.    "Hawakan mo"  sabi niya sabay abot nong damit niya sa 'kin.  Inabot ko 'yon at hinagis sa kung saan.    "Bad girl"

Inirapan ko siya pero ngumisi lang siya sa 'kin kaya mas lalo ako nainis.  


"Ate Arian, pwede po kami maligo?" Tanong ni Dara

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon