Kabanata 17

1K 29 0
                                    

Dumaan ang mga araw na puro kami landian ni Zian, pero hindi namin pinapahalata sa mga tao na may relasyon kami. Sabi ko kasi hindi namin pwede ipahalata dahil sigurado akong may spy si ama sa school na 'to.  Every break time sa rooftop kami tumatambay at doon naglalandian, minsan naman sa office ni kuya Archy. Minsan nga namamalayan nalang namin na may bumabato na sa amin ng mga kung ano-anong bagay. 

Tapos pag gabi na sa inn niya ako umuuwi and you know what happen next. Parang doon na nga ako nakatira kasi may mga gamit na ako doon.  Umuuwi lang ako sa inn ko kapag may kailangan akong kunin na ibang gamit. 

Nasa room ako ngayon naghihintay sa first teacher namin which is kuya Archy.  Nagbabasa lang ako ng libro.

"Good morning class" bati ni kuya Archy   "Today you will having a new classmates, guys please come in" 

Napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Welin at Aren. Nang nakita ako ni Welin agad siyang ngumisi. 

"Introduce yourself guys"   sabi ni kuya Archy

"Hi, I'm Aren Garven it's nice to meet you all" mahinhin na sabi ni Aren at yumuko

"Welin Rusty, nice to meet you"  mayabang na sabi ni Welin

The h*ll are they doing here?

"Okay, you may now take your sit"

Naglakad na sila at sa pangalawang row sa dulo sila umupo since 'yon ang bakanteng upuan, at dahil nasa dulo din ako parang katabi ko na rin sila.  Nakangising tumingin si Welin sa 'kin habang normal na ngiti lang ang ginawad sa 'kin ni Aren. 

Aren is being nice to me since the day na sinama ko siya noon sa pamimili. He always greet me and talk to me nicely at laging pinagtatanggol kay Welin kapag nag-aaway kami . Pero kahit ganyan ang trato niya sa 'kin I still don't trust him.  While Welin, walang nagbago he still an *ssh*le ang pinagbago lang hindi na niya ako pinapasok sa kwarto at hindi na siya nagbabalak ng masama sa 'kin, 'cause he know what will happen to him kapag ginawa niya 'yon. 

Hinayaan ko lang sila at hindi pinansin buong klase ni kuya Archy, nag-focus lang ako sa pagtuturo ni kuya Archy  hanggang sa matapos.  Next na subject namin si Zian na nagpakaba sa 'kin.  Kilala ni Welin si Zian dahil sa nangyari a year ago at syempre mag-iisip na naman ng kung ano-ano 'yan. 

Pag-pasok ni Zian agad siyang tumingin sa 'kin at sa pwesto nila Welin at Aren.  Mukhang alam na niya na nandito sila dahil hindi manlang siya nagulat. 

"The new students can you introduce yourself to me?"  Seryosong sabi ni Zian.

Tumayo si Aren at nagpakilala ulit at ganun din si Welin. 

"Okay class, you have five minutes to change your uniform. Go!"

Nagbihis kami at pumunta na sa field. Tulad dati mga naka-hilera kami habang siya ay nasa harap namin. 

"Okay, since may bago tayong kasama can you guys show us what you got?"

Sh*t! Kinakabahan ako, alam ko kung saan papunta 'to. Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon? Alam naman niya ang ability ni Welin. Ipapahamak niya ba ang sarili niya?

"Ano pong gagawin teacher?" Tanong ni Aren

"One on one with--"

"With me" putol ko sa sinabi ni Zian at humakbang palapit sa kanila  

"Arian" seryosong tawag sa 'kin ni Zian

"Sir di ba po ako pinakamagaling sa klase?  So okay lang kung ako makakalaban nila"

Tinitigan lang ako ni Zian tapos maya-maya bumuntong-hininga siya.

"Okay fine"

Bahagya akong ngumiti at naglakad papunta kung nasaan yung mga wooden sword.  Ganun din ginawa ni Welin, siya yung una kong makakalaban.  Bumalik na kami sa gitna ng field, mayabang niyang winawasiwas yung wooden sword at ngumisi sa 'kin.

"Sayang, gusto ko sana na si teacher ang makakalaban ko. But since you insisted, pagbibigyan kita"  sabi niya

Seryoso ko lang siyang tinignan. Alam ko may masama siyang binabalak kay Zian kaya agad akong nag-volunteer na ako na ang makikipaglaban sa kanila. Alam niya na mangyayari 'to.  

"What's the rule?" Tanong niya

"No magic---"

"Unang sumuko talo. No other rules" putol ko ulit sa sinabi ni Zian. 

"Arian.."

"That's the rule, right sir?"  Seryoso kong tinignan si Zian at alam kong alam niya ang gusto kong sabihin sakanya. 

"Yes"  sagot niya   "Are you guys ready?" 

"Yes" sagot ni Welin habang ako seryoso lang na nakatingin sakanya.  Tinaas ni Zian ang kamay niya at nang ibaba niya 'yon wala sa amin ang gumalaw. Nang makalayo na sa amin si Zian agad kong nilagyan ng barrier ang buong field.  Hindi nila maririnig ang pag-uusapan namin, hindi sila makakapasok, hindi nila kami makikita pero nakikita namin sila at hindi sila matatamaan ng mga posebleng atake namin.  Malaya akong gawin lahat ng gusto kong gawin kay Welin.

"Are you not going to attack?" Tanong niya

"What are you doing here?"  Seryosong tanong ko sakanya

He smirked

"What do you think?"

"Hindi ako manghuhula Welin"

Though alam ko na kung ano 'yon

"Gusto ni ama na bantayan ka namin, that's all"

"And you suggested that to him?"

"Akala ko ba hindi ka manghuhula?"

"Anong binabalak mo? Alam ko hindi lang 'yon ang dahilan"

"Masyado kang matalino at nakakairita 'yon"  sabi niya at pinatong ang wooden sword sa balikat niya    "Well, you're right. I'm here to kill your boyfriend"

Dahil sa sinabi niya mabilis akong nagliyab sa galit. Binitawan ko ang espadang hawak ko at mabilis siyang inatake, dahil mas mabilis ako sakanya hindi agad siya nakadepensa.  Hawak ko ang leeg niya at inangat siya sa ere, dahil nagliliyab ang kamay ko unti-unting umuusok ang leeg niya. Hawak niya ang kamay ko at pilit na tinatanggal 'yon.

"Subukan mong gawin 'yon, pati sa empy*rno susundan kita" nanggigigil na sabi ko but he just smirked

"You think kaya mo kami? Hindi lang ako ang kalaban mo dito Arian, the whole dark moon is your enemy. Even ama want to kill him and you"  

Ngumisi siya at nabitawan ko siya dahil biglang sumakit ang braso ko.  He's using his ability. Kung sino man ang mahawakan niya he/she can feel pain even animals or any living creatures.  Napahawak ako sa braso ko at inis siyang tinignan.

"Ano bang laban mo sa amin? You're just the third member of dark moon. I'm still the leader, I'm still in the top at mas malakas pa din ako sa 'yo"

"Really?"  

I smirked and heal my self.  Maya-maya lang may lumabas na madaming fire ball sa itaas niya. Habang nagyayabang siya kanina at nagkukunwaring nanghihina ako palihim akong nagbigkas ng spell.  He is strong at hindi ko ikakaila 'yon but he is a fool. Madali siyang malinlang.

"Try to dodge this"   sabi ko at tinaas ang kamay ko. Gulat siyang napatingin sa taas at balak pa niyang mag-teleport pero hindi niya magagawa 'yon dahil may barrier.  Binaba ko ang kamay ko at sabay non ang pag-bagsak ng mga fireball, mabilis siyang kumilos at naiilagan niya lahat ng atake ko pero hindi ako papayag na hindi ko siya mapatay ngayon.  Iisa-isahin ko sila I swear. 

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon