Kabanata 6

1.6K 59 1
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto kong ipagluto ng almusal si Zian. Feeling ko kasi galit siya sa 'kin, hindi niya ako pinansin mag-hapon kahapon. 

Nagluto ako ng pagkain na galing sa mundo ko so I'm sure hindi pa siya nakakakain nito.  I made a fried rice, fried fish, and fried chicken egg. Nag-luluto sila ng chicken egg dito pero hindi sila naglalagay ng mga kung ano-anong ingredients, just egg.  Then I also made him a coffee.

Napangiti ako nang makita ang mga nakahandang pagkain sa mesa.  Umakyat na ako papunta sa kwarto niya, I knocked three times before calling his name.

"Zian, gising ka na?"

"What do you need?"

"I made you a breakfast..."

Hindi agad siya sumagot

"I'm not hungry"

"Pero..."

"I'm not hungry Arian"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at bagsak ang balikat ko

"O-Okay"

Bumaba ako ng hagdan at tinitigan yung mga pagkain. Masasayang lang lahat 'to, hindi ko naman mauubos lahat kaya nilagay ko 'yon sa bento box para ibigay nalang kay Ryle.  Pumunta ako sa bahay ni Ryle at kumatok nang nasa tapat na ako.

"Good morning" bati ko sakanya at pilit na ngumiti. 

"Ang aga mo ha" sabi niya habang nagkukusot pa ng mata, mukhang kagigising lang niya

"I just want to give you this"   sabi ko sabay about sakanya nong bento box

"Wow, thank you. Nag-abala ka pa"  sabi niya at kinuha sa 'kin yung bento box

"Uhm... Actually para sana kay Zian 'yan, kaso hindi pa daw siya gutom so sa 'yo nalang kaysa masayang"  nakangusong sabi ko

"May problema ba kayo ni Zian?"

"Wala naman... E-Ewan.."

"Huh?"

"Kahapon pa niya ako hindi pinapansin. Feeling ko may nagawa akong hindi niya nagustohan"

May sinabi siya pero hindi ko naintindihan kasi ang hina ng pagkasabi niya

"Ha?"

"Uh nothing. Baka pagod lang 'yon, papansinin ka din non"

"Hope so"

"Gusto mo pumasok muna?"

"Hindi na, may pupuntahan pa ako"

"Saan ka naman pupunta? "

"Basta! Sige na ha, bye!!"

Umalis na ako at naglakad-lakad na, binabati ako ng mga tao kaya binabati ko din sila hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan ako dinala noon ni Dara at Zian.  Naupo ako sa ilalim ng puno at napatingin sa kabuohan ng village.  Napabuntong-hininga ako.

I will miss this place lalo na ang mga tao dito. They're so nice to me.  I will miss Dara and her mother and father, they treat me like I'm part of their family. Si Ryle, he accept me and welcome me even he knew I'm a villain and their enemy.   And Zian. He's kind to me and welcomed me in his house. 

But I'm still thinking kung may nagawa ba akong mali or may nasabi sakanya na kinagalit niya.  Wait... Nagsisisi na ba siya na pinatira niya ako sa bahay niya and this is his way para kusa na akong umalis? Pero hindi naman siguro... Sana.

Dahil bored ako pumunta ako sa gubat para maghanap ng mga wild animal.  Gusto ko magpa-pawis.  It's been a while since I used my abilities.  Kakapasok ko palang ng gubat may sumalubong na agad sa 'kin na dalawang boar.  Sakto, pang-warm up.  

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon