Kabanata 5

1.8K 63 0
                                    

Days passed, I stay in Carazon Village and I can't say anything but I'm thankful that I met them. This village is full of happiness, para silang isang pamilya. Tulong-tulong sila sa mga gawain dito like pag-gawa ng bahay, pagtatanim ng kung ano-anong gulay at prutas at kapag may problema ang isang pamilya tulong-tulong sila lulutasin ang problemang 'yon. 

I wish I could stay here for a long time, but I can't.  Gustohin ko man but I really can't, I don't want to be burden to them, I need to work for my self and live without relying to someone. At saka, nalaman ko na hinahanap ako nila ama.  Nalaman ko 'yon dahil sa ability ko na telepathy, kahit ayaw nila ako isama sa usapan nila maririnig ko parin sila using my ability at hindi rin nila malalaman na nakikinig ako. 

I can't believe na buhay pa din sila after ng malalakas na sabog na 'yon at sa dami ng army na dala ni prince Zyren at yung ability pa nila ng mga kaibigan niya, walang mabubuhay sa ganun unless you are not normal.  Now I believe in their strength and ability.  

Kaya ngayon palang nag-iisip na ako ng plano if ever na mahanap nila ako.  I need to be prepared. 

"Arian"

Napatingin ako kay Ryle, nasa office niya ako ngayon. Nagbabasa kasi ako ng libro at sa subrang pag-iingat niya sa mga libro niya ayaw niya ipadala sa 'kin sa labas o sa bahay ni Zian.  Kaya ito ako ngayon sa may sofa niya habang nagbabasa ng libro. 

"Can I asked you a favor? Hindi ka naman busy di ba?"

"Ano 'yon?"

"May kailangan kasi akong bilhin sa bayan, pwede mo ba ako samahan?"

"Ouhm... Sige, may bibilhin din ako"

Actually, may gusto lang ako kausapin. Ginawa ko lang palusot 'yon para hindi siya magtaka at magtanong pa. 

"That's good, alis tayo mamaya may tatapusin lang ako"

"Sige, magbibihis lang ako"

Umuwi ako sa bahay ni Zian at dumeretso sa kwarto ko para mag-bihis ng damit. I'm wearing a black sleeveless crop top and black pants with brown leather boots.  I carry my cape before leaving my room. 

"Where are you going?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Zian.  Nakasandal siya sa pader, naka-crossed arms habang seryosong nakatingin sa 'kin. 

"Uh... I'm going with Ryle, nagpapasama siya sa bayan"

Tinitigan niya ako bago siya umayos ng tayo at tumango bago umalis na walang sabi.  Taka ko siyang sinundan ng tingin pa-pasok don sa private room niya.

Anyare don?

Hinayaan ko nalang siya at umalis na, sakto hinihintay na ako ni Ryle sa labas ng bahay.  Sumakay kami sa karwahe, may nagpapatakbo sa karwahe habang kami nasa loob. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas. 

"Arian"

"Hmm?" Napatingin ako kay Ryle

"Are you planning to stay sa village?" Seryosong tanong niya   "Don't get me wrong, okay?  Naisip ko lang kasi na malulungkot ang mga tao doon kapag umalis ka lalo na si Dara."

Hindi agad ako nakasagot sakanya

"Uhm... To be honest, gusto kong manatili sa village na 'yon but I really can't.  I know you know what I mean"

"Ayaw mo sila mapahamak"

Tumango lang ako sakanya at tumingin na ulit sa labas.  I already told him na buhay pa sila ama pero hindi ko sinabi sa kanila ang plano nila.  Sinabi ko lang na may posibilidad na hanapin nila ako.

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon