Kabanata 11

1.4K 50 0
                                    

Zian's POV

Naihatid ko na ang kasama niya sa tapat ng bahay nito kaya ngayon siya nalang ang nasa loob ng karwahe. I feel awkward, I've never felt this before when I'm with other girls. I want to talk to her pero baka maghinala lang siya so tumahimik nalang ako.

"Kuya, hindi ikaw yung nagpapatakbo nito kanina hindi ba?" Biglang tanong niya

Kuya?

" Uhm...yes ma'am. Anak po ako nong nagpapatakbo nito kanina, may emergency kaya ako na daw po ang maghatid sa inyo"

" Ahh..okay"

Tumahimik na ulit ako hanggang sa pinahinto na niya ang karwahe. Kumunot ang noo ko nang mapansin na malayo pa dito ang base nila.

"Here"

May inabot siyang tatlong pirasong gold coin then naglakad na siya paalis. Hinintay ko muna siyang mawala sa paningin ko bago ako umalis pabalik sa palasyo namin.

" Prince Zian, saan niyo po nakuha ang karwaheng iyan?" Tanong nong taga-bantay sa labas ng palasyo

" Itapon mo na 'yan" utos ko sakanya

" S-Sige po"

Pumasok na ako sa loob ng palasyo at dumeretso sa opisina ko at pinatawag si Elzi.

"Prince Zian, pinatawag niyo daw po ako"

"Yeah, I have an assignment for you"

"Ano po 'yon?"

"Hire someone para subaybayan si Arian. I want to make sure she's safe and gusto ko imbestigahan mo ulit ang nangyari seven years ago"

" Masusunod po"

Months later I focused on my works and my training to become the next king in this kingdom. Actually, ayuko maging hari gusto ko lang ng normal na buhay pero wala naman ako magagawa e. Ako panganay at hindi ko naman pwede ipasa 'yon kay Zyren dahil isa din siyang prinsepe at magiging hari din sa mga lahi ng bampira. Tapos matagal ko pa gagampanan ang pagiging hari hanggang sa lumaki pa si Zamriel. Hayst!

May sinabi si Elzi sa 'kin tungkol sa plano nila Zyren. Hindi ko alam sa kapatid ko na 'yon kung bakit kailangan niya pang sugurin yung base nila Arian. Hayst! Pag-ibig nga naman.

"What are you doing here?" My brother asked

Nasa palasyo nila ako ngayon at ito agad bungad niya sa 'kin. Sino ba naman kasi hindi magagalit kung yung bagong fiance ng babaeng mahal mo ay binibisita siya. Well, hindi ko naman ginusto 'yon disesyon 'yon ng parents ni princess Anastasia at ng parents namin.

"I'm here to make a deal"

"Deal?"

"I'll help you with your plan"

Seryoso siyang tumingin sa 'kin. Alam ko na alam niya ang ibig kong sabihin. Hindi na siguro siya nagtataka kung bakit alam ko ang tungkol sa plano niya.

"Anong kapalit?"

"Uhm...sasama ako sainyo sa pag-sugod sa base ng kalaban niyo. Pero syempre hindi ako sasali sa gulo, gusto ko lang manood"

"Anong tingin mo sa gagawin namin, laro lang?"

"Well, I'm just really bored. But of course kapag kailangan niyo ng tulong ko, I can help you"

Hindi siya nakasagot

"Zyren, just think of it. Tutulungan kita makapasok sa palasyo nila princess Anastasia at hahayaan mo lang ako na manood sa inyo. Lugi nga ako don kasi 'yon lang ang hinihingi kong kapalit"

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon