Kabanata 19

1.1K 30 0
                                    

"Teka... Kung wala kayong balak na patayin ako, anong sinasabi ni Welin na hu-huntingin ako ni ama? Na buong dark moon ay kalaban ko?"

"Welin really hates you, it's his own plan to kill you. Nagseselos siya sa 'yo dahil buong atensyon ni ama na sa 'yo."

"Huh?"

"Mahalaga ka kay ama, kaya ayaw ka niyang isali sa mga mahihirap na mission namin dahil ayaw niya na may mangyari sa 'yong masama.  Hindi mo ba napapansin na ang lagi mo lang assignment ay ang magbantay at manmanan ang mga target namin"

Hindi ko naman pinapansin kasi akala ko 'yon talaga rule ko sa grupo. Akala ko kanya-kanya kaming assignment.

"Kamukhang-kamukha mo daw ang mommy mo kaya subrang iniingatan ka niya. Masaya siya sa tuwing nakikita ka niya kasi pakiramdam daw niya kasama niya pa din si Queen Aurine"

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti sa sinabi niya. Na-touch lang ako, he really loves my mother--I mean Arian's mother. 

"So what's your plan?" Tanong ni Zian   "Papakawalan ba natin siya?"

"Arian, it's your decision" sabi ni kuya

Bumuntong-hininga ako at humarap kay Aren, seryoso ko siyang tinignan.

"Aren, for telling you the truth I still don't trust you.  Naniniwala naman ako sa mga sinabi mo but I still not sure kung mapagkakatiwalaan kita.  For now, pakakawalan kita at gusto ko na sabihin mo kay ama lahat ng nangyari and tell him na hindi na ako babalik sakanya"

"W-What? Hindi ka na babalik?"

"Bakit pa ako babalik? Pagkatapos ng nangyari?  I don't trust any of you, even ama. Kung wala talaga kayong balak na masama sa 'kin then patunayan niyo"  seryosong sabi ko

"P-Pero..."

"Remember this Aren, kapag may nangyaring masama kay Zian at sa mga kapatid ko maaga niyong makikita si Welin sa empy*rno" madiin na sabi ko at tinalikuran siya.

Naglakad ako papunta kay Zian at niyakap siya.  Na-i-stress kasi ako kailangan ko ng vitamin Z as in Zian. 

"Are you tired?"

"Ouhm..."

"Let's go home"

"Ouhm.."

Nag-teleport kami papunta sa inn niya.  Naligo muna ako dahil namumuo na ang dugo sa kamay ko at pati ang uniform ko ay may dugo na rin.  Nagbihis lang ako tapos nagpatuyo ng buhok bago ako nahiga sa kama.  Si Zian naman ngayon ang naliligo habang ako ay nakatulog na dahil sa pagod.  

Kinabukasan nagising ako dahil naramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nag-mulat at nakita si Zian na nakangiti habang nakatitig sa 'kin.

"Good morning" bati niya at hinalikan ako sa noo ko

"Good morning" bati ko din at bumangon na

"Are you hungry?"

"Ouhm.."

"Nagpahanda na ako ng almusal natin, maglinis ka na ng katawan mo then hintayin nalang kita sa baba"

"Okay"

Pumasok na ako sa banyo at naglinis ng katawan.  Nagbihis lang ako ng white oversized shirt tapos maong shorts. Nakalugay lang din ang buhok ko tapos naglagay lang ng lip balm. Bumaba na ako at naabutan ko sila Zian kasama sila kuya Archy, at Axel. 

"Good morning kuya, Good morning Axel" bati ko sa kanila at naupo na sa tabi ni Zian

"Good morning ate" bati ni Axel habang si kuya ay tumango lang.  Dahil may nakahanda ng pagkain, nag-umpisa na kaming kumain. Walang pasok ngayon, so we decided na maglibot-libot nalang sa buong kingdom. 

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon