Kabanata 2

3.1K 76 3
                                    

"What the--"

"T-Teka.. Wala akong balak mang-gulo" paliwanag ko agad sakanya

"E ano ginagawa mo dito? Unless may misyon ka na naman"

"I told you wala nga ako gagawin or anything, I'm just here to travel."

"Sigurado ka? "

"Oo nga"

"Okay, maganda na yung nagkakaliwanagan tayo"

Napabuntong-hininga ako at taka siyang tinitigan.  Is he the mayor here? Weh ba?

"Hoy! Ako ba hinuhusgahan mo sa isip mo?"

"N-No... I mean, I just can't believe na ikaw yung mayor dito. I mean, ang isang prince Ryle Dyrzen? The..."   

Tinakpan ko ang magkabilang tenga nong bata bago tinuloy ang sasabihin

"....perverted and *ssh*le like you? How I supposed to believe? Are you sure ikaw mayor dito?"

"Hoy grabe ka ha! I'm not per---"

Hindi niya natuloy sasabihin niya kasi tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa tenga nong bata. 

"I mean, I'm not like that!  Mabait kaya ako"

"Weh? Sa'n banda?"

"Para kang si Anastasia, ang sakit mo magsalita"

Natawa lang ako sa sinabi niya

"So, why are you here?"

"I told you, I'm just here to travel and discover some things na hindi ko pa nakikita"

"Sa dami ng bayan at kaharian, bakit dito pa?"

"Kasalanan ko ba kung dinala ako ng paa ko dito? At saka, hindi ba ako welcome dito? Akala ko ba welcome lahat ng pupunta dito?"

"O-Of course... It is just..."

"Saka ganyan mo ba batiin ang mga bumibisita dito?"

"Of course not..."

I smirked

"Tsk! Fine! Just do what you want, basta wag ka lang gagawa ng gulo"

Ngumiti ako sakanya at tumango

"Ryle, can I borrow a book?" 

Napatingin ako sa likuran ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yon.  Medyo nagulat din siya nong nakita ako.

"You're that girl, right?" Tanong niya

"Uh... Ouhm.. Nice to meet you again prince Zian" bati ko at bahagyang yumuko

"Feeling ko ang unfair, bakit ang galang mo sakanya tapos sa 'kin halos murahin mo 'ko"  reklamo ni prince Ryle pero hindi ko siya pinansin dahil kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

"What are you doing here?"

"Uhm... N-Napadaan lang ako, aalis na rin ako"  sabi ko at hahakbang na sana nang biglang magsalita yung bata

"Ate, Akala ko po sasamahan kita sa magandang lugar tapos bibigyan mo po ako ng pagkain"

Sh*t! Pwede bang bigyan ko nalang siya pagkain then aalis na ako?  Pero baka naman sabihin nong bata hindi ako marunong tumupad sa usapan.

"Uh... Oo nga pala! Haha.. Let's go" sabi ko at hinawakan yung bata sa kamay

"I'll go with you"

"Huh?"  Gulat na sabi ko

"Bakit? Ayaw mo?"

"H-Hindi naman, baka lang kasi may gagawin ka"

"It's fine"

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon