Kabanata 13

1.3K 49 1
                                    

"Zian!"

Mabilis akong lumapit kay Zian at hinawakan ang mukha niya na puno ng dugo. Hindi ko alam ang nararamdaman ko takot, kaba, at galit.

"You're finally here"

Inis akong tumingin sa lalaking nasa harapan namin.

"Welin"

"Mabuti naman at kilala mo pa ako. Tsk! Ang hirap mo hanapin"

Tumayo ako at seryoso siyang tinignan

"Ako kailangan niyo di ba? Bakit kailangan niyo pa manakit?"

"He choose it. Ayaw niya sabihin kung nasaan ka. Muntik ko na nga siyang mapatay e kaso dumating ka"

Napakuyom ako at bigla nalang nagliyab ang kamay ko.  Ganito ako kapag nagagalit, kusa nalang lumalabas ang apoy sa kamay ko and worst sa buong katawan ko. 

"Woah easy... I'm just joking. I'm not planning to kill him, it's not my mission. Pero kung hindi ka sumama sa akin then I don't have a choice but to kill him and the other villagers"

"Ate Arian!"  Napatingin ako sa gawi nila Dara.  Hawak sila ng mga tauhan ni Welin. 

"Let them go!"

"Ah ah ah!! No, not unless you come with me"

"A-Arian... No, don't.."

Napatingin ako kay Zian

"I will protect you and I promise walang mangyayari sa 'yo o sa 'kin"

Alam ko sa umpisa palang wala na siyang laban... Alam ko na hindi niya ako kayang protektahan... Pero ako, kaya ko siyang protektahan. Pero kailangan ko siyang iwan para magawa ko 'yon.

"Zian... I'm sorry"   sabi ko at tumalikod sakanya

"No... Arian please... Dito ka lang"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.  Kinuha ko ang kamay ni Welin na nakaabang sa 'kin.  He smirked at maya-maya lang biglang lumakas ang hangin at sa isang idlap nasa loob na kami ng isang palasyo.  

"Look who's back"

"The b*tch"

"Congratulations bro, you finally found her"

"Of course, ako pa ba?"

"Arian, how are you?" Tanong ni Ama

"Fine"  cold na sagot ko

Pinag-uusapan nila kung paano bugbugin ni Welin si Zian.  Habang ako pinipigilan ang sariling sunugin siya. 

"Moly ihatid mo siya sa kwarto niya" utos ni ama don sa isang babae na nakasuot ng pang-katulong na damit

"Masusunod po"

Sumunod lang ako don sa babae hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Nang makapasok ako sa kwarto bigla nalang nagsara 'yon at may tumulak sa 'kin pahiga sa kama.  Nakapatong si Welin sa 'kin habang nakangisi.

"Na-miss ko ang katawan mo, I can finally taste you again"  nakangising sabi niya at hahalikan na  sana ako pero agad ko pinalibutan ng apoy ang katawan ko kaya napalayo siya sa 'kin. "F*ck!"

Tumayo ako at parang isang kidlat na lumapit sakanya at sinakal siya sa leeg at sinandal sa pader.

"L-Let go of me!" Nahihirapang sabi niya

Naglabas ako ng apoy sa kamay ko kaya unti-unting umuusok ang leeg niya.

"F*ck!!"

Sa tuwing naaalala ko ang itsura ni Zian mas lalo ako nanggigigill na patayin siya. Malakas ko siyang tinapon sa kabilang banda ng pader. Dahil sa lakas non halos magiba yung pader ng kwarto at sumuka siya ng dugo.   Katulad kanina mabilis akong lumapit sakanya at agad siyang hinawakan ulit sa leeg at binuhat siya pataas.  Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na tinatanggal 'yon sa leeg niya. 

"Arian! Bitawan mo siya"  

Seryoso akong tumingin kay ama, mga naka-handa na silang sugurin ako.  Malakas kong tinapon si Welin sa gawi nila kaya lahat sila bukod kay ama ay tumilapon palabas ng kwarto.  

"Fix my room"  sabi ko don sa katulong. Tumingin siya kay ama na parang nagtatanong. Tumango lang si ama kaya agad na yumuko yung katulong sakanya at umalis na

"Arian, we have a meeting tonight.  Prepare yourself"

Kakabalik ko lang dito meeting agad? Tumango nalang ako at nahiga nalang sa kama.  Nang maramdaman ko na wala na sila doon ko binuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.   Dahil sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog ako.  Nagising ako ng gabi at buti umabot pa ako sa meeting namin. Masama ang tingin ni Welin sa 'kin pero hindi ko siya pinansin at naupo nalang sa bakanteng upuan. 

Hindi ko alam kung sino ang kalaban nila this time, hindi sila princess Anastasia dahil wala naman nabanggit na pangalan niya o ng mga taong nasa paligid niya. There's a girl who have curse by the evil gods, ang sabi bilang nalang daw ang mga araw niya. At ang mission nila ama dito ay experimentohan ang katawan nong babae. Hindi ko alam kung ano mapapala nila kapag ginawa nila 'yon.  O gusto lang talaga nila ng gulo?

Pagtapos ng meeting hindi muna ako bumalik sa kwarto ko, nilibot ko muna ang buong palasyo.  Hindi ko alam kung kaninong palasyo 'to pero sigurado ako ninakaw lang nila 'to. Naglibot-libot lang ako, napunta ako sa garden, sa library, sa throne room, at kung saan saan pa hanggang sa napunta ako sa harap ng isang pinto. Naka-lock 'yon pero dahil matigas ang ulo ko, pumasok pa rin ako.  But I need key. 

Napaatras ako at nagtago sa isang tagong lugar nang maramdaman na may darating na tao.  Nakita ko yung katulong na binubuksan 'yung pinto at pumasok siya sa loob. 

Ano naman gagawin niya diyan?  Kwarto niya?

Dahil curious ang ferson, papasok ako.  Naglakad ako papunta sa harap nong pinto at dahan-dahan na binuksan 'yon. Hinanda ko ang sarili ko bago ako pumasok sa loob.

"Anong ginagawa mo?"

May hinahanap siya nong pumasok ako. Kita ko ang gulat niya at ramdam ko ang kaba niya. Nilibot ko ang paningin sa paligid, lahat ng gamit dito puro sira. Mga painting, mga gamit at display sa palasyo at mukhang mga mamahalin.  Sinara ko ang pinto at ni-lock. 

"Miss Arian... P-Pasensya na po. Wag niyo po ako isusumbong kay ama" takot na sabi niya

"Hindi kita isusumbong kung sasabihin mo sa 'kin kung anong ginagawa mo dito at ano ang kwartong ito?"

"T-Tambakan po ito ng mga sirang gamit. At wala po akong balak na magnakaw"

"I'm not saying magnanakaw ka, I just want to know kung anong ginagawa mo dito?"

"W-Wala po"

"Pero may hinahanap ka kanina"

Hindi siya nakasagot, Kita ko ang pangangatog ng katawan niya at ramdam ko na subrang kinakabahan siya. 

"Whatever"   sabi ko nalang   " Hanapin mo na ang gusto mong hanapin, just don't mind me" 

Naglakad-lakad ako at tinignan ang mga gamit na nandito. May mga lumang weapon at mga painting.  Nabaling ang atensyon ko sa isang malaking frame, ang laki niya at halos kasing laki ko na siya tapos malapad pa. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at pinagpagan dahil puro alikabok na.  Nang medyo mawala na ang mga alikabok lumabas ang isang litrato ng isang pamilya.  Isang lalaki na nakatayo habang nakapatong ang kamay sa balikat ng isang babaeng naka-upo sa magarang silya habang kalong ang isang baby.  Kita ang saya sa mukha nilang dalawa na kahit ako napapangiti. 

"Ang saya po ng family mo diyan" biglang sabi nong katulong

"Huh?"

Taka akong tumingin sakanya

"Family ko?"

"Opo... Alam niyo po ba na ilang beses inulit ng mang-guguhit ang litratong iyan dahil umiiyak po kayo ng araw na 'yan at hindi po kayo mapatahan ng reyna"

"What are you saying?"

"Po? Hindi po ba kayo si princess Arian? Sila po ang mga magulang niyo, si King Vizente Azrael at si Queen Aurine Azrael at kayo po ang baby na nasa litrato."

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala naman kasi sinasabi si Arian tungkol sa pagkatao niya dati bago siya naging villain. 





Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon