Kabanata 15

1.1K 37 2
                                    

Nagdaan na naman ang mga araw na wala akong balita sakanya.  Nakakatampo na!!

"Arian, I have a new assignment for you" sabi ni ama after niya ako ipatawag sa office room niya. Nagmumuni-muni ako sa kwarto ko at nag-i-emote dahil kay Zian nang ipatawag niya ako kay Moly.

Mga istorbo!!

"Ano po 'yon?"

"Papasok ka sa school"

"Po?"

"Ang bagong target natin ay nag-aaral sa school na 'yon. He's a vampire and he is special kaya kailangan natin siya"

"Ahh... Okay"

"Here's your uniform, your school supplies and your allowance"

Pinatong niya sa lamesa yung naka-balot pang uniform at black backpack at yung pouch na may lamang pera. 

"I already enrolled you in that school, papasok ka na bukas"

"Okay po"

"Okay, you may now go"

Umalis na ako dala yung bag, uniform, at pera. Kaya kinabukasan maaga ako nagising at nag-ayos ng  sarili.  Ang uniform namin ay white long sleeve with blue necktie and blue blazer and blue skirt na hanggang kalahati ng hita ang haba.  White long socks and black high heels shoes. Tinali ko pataas ang buhok ko at kahapon pala naisipan ko maglagay ng bangs, it's a curtain wispy bangs  kaya tinali ko buhok ko para mas maganda siyang tignan.   I put some light make up, hindi masyadong mapula yung lipstick sakto lang then perfume. 

"Perfect!"

Kinuha ko na yung bag ko at sinabit na 'yon sa kaliwang balikat ko tapos ready na akong umalis.  Paglabas ko ng palasyo may nakahanda ng karwahe kaya agad akong sumakay don. 

Habang nasa byahe kami papunta sa school nagbabasa ako ng libro, wala naman ibang pwedeng gawin bukod sa magbasa.  Halos tatlong oras ang byenahe namin bago kami nakarating sa school.  Halos matapos ko na nga yung buong libro e. 

"Miss Arian, ako na po bahala sa mga gamit niyo. Dumeretso na po kayo sa room niyo"  sabi nong nagpapatakbo nong karwahe

"Sige"

Dahil malayo nga ang school na 'to ama decided na sa isang inn ako tumuloy habang ginagawa ko ang mission ko.  Kaya subrang tuwa ko nang sabihin 'yon ni ama, hindi ko makikita ang pagmumukha ni Welin. 

Naglakad na ako sa hallway ng school habang hinahanap ang room ko.  Sabi sa section B daw ako ng third building kaya doon ako pumunta.  Sa lawak nitong school sa paglalakad palang nakakapagod na, tapos aakyat pa! Kaya nong dumating ako sa tapat ng room na hinahanap ko hingal ako pero syempre maganda pa din ako.   Huminga ako ng malalim at kumatok, nakasara kasi ang pinto.  Maya-maya lang bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin ang gwapo at matangkad na lalaki, saglit pa ako natulala.

"Yes?"

Oh sh*t! Ang sexy ng boses

"Uhm... Is this section B?"

"Yes, what do you need in my class?"

Oh.. He's a teacher! Gwapo mo naman po ser!

"Uhm... Ako po yung new student"  sagot ko

"Ah..yeah, I remember. Come in"

Tumango ako at dahan-dahan na pumasok sa loob, lahat sila nakatingin sa 'kin kaya medyo kinabahan ako. But I'm still confident!

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon