Kabanata 9

1.4K 52 0
                                    

Nang nagsidatingan na ang mga tao sinimulan na namin ang pag-kain. Nagkaroon ng unexpected feast, akala ko magkakainan lang kami pero may isa kasing kapit-bahay namin na nagdala ng alak at naglabas pa si Ryle.  Nagpaluto pa ulit sila kaya busy din ako sa pagluluto.

Nong tuloy-tuloy na ang kasiyahan naging chill na ang lahat, inuman at kwentohan nalang ang nangyari.

"Ate Arian, kanta ka po" sabi ni Dara

"Huh? Naku nakakahiya"

"Sige na po ate Arian!"

Wala na akong nagawa nong inabot na sa 'kin ni Dara yung gitara. Habang iniisip ko kung anong kanta ang kakantahin ko bigla ako napatingin sa pwesto nila Zian.  Masaya silang nag-uusap nong babae.  Then naalala ko yung isang kanta.

I started strumming the guitar and take a heavy breath before I start singing.

"Mula ng aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan..."

Subrang nakaka-relate talaga ako sa kantang 'to.  Simula nong nakita ko siya sa kagubatan na 'yon lagi ko nalang siya naaalala at minsan pa nga napapanaginipan ko yung pagkikita namin. 

Pagkatapos kong kantahin ang chorus tumingin ako sakanya sakto nakatingin din siya sa 'kin. 

"Masaya ka ba pag siya ang kasama
Di mo na ba ako naaalala
Mukha mo ay bakit di ko malimot limot pa
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan... "

"Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo
Ay may mahal na ngang iba
Ayaw ng paawat nang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa"

Yung lyrics na 'yon parang sinasabi ko sakanya. Masaya ba siya kapag kasama niya ang babaeng 'yan?  Parang hindi na niya ako naalala dahil sa abala siya sa babaeng 'yan.  Simula nong umuwi kami hindi na ulit kami nagkausap at lagi nakadikit ang babaeng 'yan sakanya. 

"Sa pag-ibig mo nama'y
Nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo
Na minamahal kita.."

Gusto kong sabihin 'yan sakanya...gusto kong malaman niya na mahal ko siya hindi dahil mate ko siya or what.  I love him but now, knowing that he have a girlfriend... I don't think masasabi ko pa. 

Pagtapos ko kumanta huminga ako ng malalim at bahagyang ngumiti.  Parang maiiyak ako pero buti nalang nagpalakpakam yung mga tao kahit papa'no napigilan ko ang luha ko. 

"Ang ganda naman pala ng boses"

"Oo nga"

"Pero nakakaiyak ang kantang iyon"

"Sinabi mo pa, masakit talaga kapag yung taong mahal mo ay may mahal na iba"

"Nagmahal ka na ba iha tapos may mahal na iba yung lalaking mahal mo?"

"Uh... O-Opo.."

"Alam ba niya? "

"Hindi po"

"Bakit hindi mo sabihin sakanya?"

"Ayuko pong masaktan pa lalo"

"Tama ka naman diyan iha"

"Pero hindi ba mas maganda kung sabihin mo sakanya ang nararamdaman mo.  Hindi ka man niya sagutin ang mahalaga nasabi mo sakanya."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni lolo. Natahimik ako at pilit na ngumiti.  Nang mag-iba na sila ng topic palihim akong umalis at pumunta sa paborito kong lugar. Naupo ako sa gilid ng puno at niyakap ang tuhod at doon binuhos ang kanina ko pang pinipigilan na luha.  

Reincarnated as a Villain (Isekai Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon