ARA'S POV
Walking alone in the hallway. Medyo late na ko sa training dahil katatapos lang ng last Subject namin. Kapag ganito naman ay understandable naman lalo na graduating student kame.
I'm Ara Arceta from Business Administration department. 24 years old and currently 4th year student. Kabilang sa Music Club dito sa Don Mercado State University. As an older to my group ako bale ang tumatayong leader. Sa akin inihahabilin lahat ni Coach ang nga kailangan naming gawin.
I have a Circle of friends at kabilang dito sina Cley at Glen na nakilala ko noong senior high school palang kame. Transferee kase ako that time then si Glen ang una kong naka close dahil sa bubly personality nya. Tapos ipinakilala nya ko kay Cley na friend din nya. Salungat sa ugali ni Glen si Cley ay medyo tahimik. Hindi ko nga alam noon kung bakit sila naging magkaibigan kase salungat ang ugali nila hanggang sa mapalapit ako sa kanila at nanoticed kung gaano kaalaga ni Cley pagdating sa mga kaibigan nya. Kung gaano sya ka protective.
Noong enrollment na for college napagdesisyunan namin na same Course nalang ang kuhanin namen. At first akala ko ayus lang, sabi ko sa sarili ko kakayanin ko ang pagiging Civil Engineer but wala talaga dun ang puso ko ehhh that's why I give up. Since then kase mas gusto ko talaga is business. Hindi ko nakikita ang sarili ko na nakakulong sa isang kwarto habang gumuguhit ng kung anu ano kaya as much as I can nag shift ako.
Luckily madali ako nakapag adjust dahil nga ito ang hilig ko. Masaya ako at wala akong pinagsisisihan sa lahat ng desisyon na ginawa ko.
"Katatapos lang ng klase mo ate Ara?" Tanong ni Jan pag kaupo ko sa tabi nya. Ito nalang din kase ang bakanteng upuan sa team namin.
Kabilang ako sa team himig na may pitong katao kabilang na ko doon. Ako, Cley at Glen. Kami ang nauna sa grupong ito at ngayon kaming tatlo na ang pinaka senior dahil nga graduating na din. Tapos napabilang sa amin sina Jia, Jan at Yves.
Magkaklase sina Jan at Jia bilang mga Architecture students then si Yves naman ng galing sa Restaurant Management department bilang isang HRM student. Tapos ang huling napabilang sa amin at si Star. Madali din syang naging Close sa amin dahil medyo swak din ang personality nya sa iba pa naming kasama.
Marami talaga kami sa team na ito sadyang ginawa nalang kaming isang grupo dahil kami kami din daw ang magkakasama. kumbaga sa isang team may different group pa. Ang gulo diba hahaha.
"Oo ehhh. Alam mo naman kapag Major na ang usapan" bulong ko dahil nag uumpisa ng mag discuss ang coach namin.
"Medyo. Pero mas naniniwala ako na ninety percent ng lesson talambuhay ng proff"
Napahagikgik ako sa sinabi nya. Dahil totoo naman kase. Halos lahat ng subject namin ganoon. Nahuhuli kame lagi sa lesson dahil lagi nilang isinisingit ang mga talambuhay nila noong sila daw yung nasa sitwasyon namin
"Hahaha gagi ka. Pero tama ka naman din. Kanina pa ba nag start si Coach?"
"Hindi naman halos kasstart nya lang din may vocalization pa kaseng ginawa ehh"
"Goods lang pala"
Gaya ko ay 4th year narin sina Jan, Jia at Yves. Sa aming pito ako ang pinaka matanda at si Jia ang pinakabata. Twenty four ako at twenty one naman sya.
"Ate Ara kaya pa?" Tanong naman ni Glen na nasa harapan ko
"Oo naman bakit?"
"Wala lamg kase baka sa Schedule mo baka maisipan mo nanamang magshift ng course ehh" sabi nya tyaka ng peace sign
"Isa ka pa hahaha. Goods na ko. Ito talaga ang gusto ko kaya hindi ko na bibitawan pa. Look at me ohhh nasa lasta year na ko. Meaning nakaya ko" sagot ko
BINABASA MO ANG
Be My Last
Teen FictionPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong paghanga sa kanya.