Time skip....
JAN'S POV
Hindi mapuknat ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sobrang saya ko.
Kasama ko si Ate Ara dahil nagpatulong sya sa akin mag pa print ng papers na gagamitin nya ng biglang may tumawag sa akin.
Ayus na daw yung ticket na puna reserve ko at pwede ko na daw kunin ang mga iyon ngayong araw.
Isang araw kase habang pabalik kame ni Jia galing sa isang Japanese restaurant malapit sa university na pinapasukan namin ay may natanaw akong mga batang naglalaro habang papasok sa eskwelahan. Ang saya saya nila tignan kaya napa isip ako.
Ano kaya feeling ng may bunso pang kapatid?
Natanong ko yan sa aking sarili. Bunso kase ako. Sa states may mga bata naman akong kalaro. Sa tuwing umuuwi ako ay lagi akong nasa park para makipaglaro sa kanila. Pero iba pa rin kase kapag sarili mong kamag anak ehh.
Iniwan kase ako ulit ni Jia sa kinatatayuan ko. Eh madami na ring tao sa loob kaya hindi ko na sya sinundan pa pagbalik nya ay humingi pa sya ng pasensya. Yun pala nakalimutan nya yung bag nya kay Cley.
Napag kwentuhan namin tungkol ang pagka miss ko sa pamilya kong nasa State. Dahil limitado lang yung time na nakakasama ko sila at laking gulat ko ng sabihin nya sasamahan nya kong Umuwi ng State.
Nang sabihin namin ito sa mga kaibigan namin todo ang kaba ko dahil baka hindi sila sumama. Gusto ko din naman silang dalhin sa US pero nauunahan ako lagi ng takot na baka hindi sila pumayag lalo na ibang bansa ang pupuntahan namin.
Pero ng sabihin pa nilang nagbabalak talaga silang sumama lalo na si Yves? Hindi ko na alam kung anong maffeel ko. Ang saya ko kase makakasama ko na ng sabay yung mga taong mahal ko sa buhay.
"Ate pagkatapos natin dito ko naman ang samahan mo ah?" Sabi ko sa kanya
"Ang lapad ng ngiti ahh. Saan ba?"
"Sa Mall lang. Saglit lang naman tayo kung kukuhanin lang ako"
"Ako kinakabahan dyan sa mga ngiti mo ahhh. Bak anong kalokohan nanaman yan. Humanda ka talaga sakin Jan Tracy Lim "
"Ito naman laging binubuo pangalan ko. Walang kalokohan to ate trust me"
"Okay sige sasamahan kita after this."
Habang hinihintay namin na matapos lahat ng pinapaprint nya ay nag scroll muna ko sa socmed ko
Pagkatapos ay dumiretcho na kami sa Mall. Na chat na dun ng kausap ko kung saang location kami magkikita kaya madali lang na hanapin sya pagdating namin.
"Ma'am nandito na po lahat sa envelope lahat ng kailangan nyo."
"Sige thanks ahh."
"Your welcome ma'am, mauuna na rin po ako at may nex appointment pa po ako"
"Sige po. Thankyou po ulit"
Pag alis nya ay agad naman akong tinanong ni ate Ara
"Ano yang mga yan?"
"Tickets"
"Ticket for what?" Nanlaki pa ang kanyang mga mata ng parang nahuhulaan na nya kung anong ticket ang hawak ko. "Don't tell meee?"
"Yup, a tickets pa US." Masiglang sagot ko habang nilalabas ang mga tickets sa loob ng envelope.
"Gagi ka hindi naman na kailangan yan. We have our own money to buy a ticket for ourselves. You don't need to do that"
"But I do it na po. Kaya you don't have to worry about this."
"Babayaran namin yan"
"Nope. Isipin nyo naman early gift ko na to sa inyo. Besides ticket lang naman to ehh."
BINABASA MO ANG
Be My Last
Teen FictionPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong paghanga sa kanya.