ARA'S POV
We had so much fun here at Jia's House. Maraming pangyayaring hindi namin inaasahan. Lahat kami naguluhan ng malaman namin na magkakilala pala ang parents nina Jia at Tj at ang lalong nagpawindang sa aming lahat ay nung malamang magbestfriend pala sila noon mga kapanahunan pa nila
Pati sila Tj at Jia ay walang ka alam alam. Para silang long lost sister's na muling natagpuan ang Isa't isa. Ang galing lang ng tadhana dahil kahit na halos twenty years na hindi nagkita sina tito pinagtagpo naman ang mga anak nila at sa hindi inaasahang pangyayari ay naging magbestfriend din ang dalawa.
Manghang mangha talaga ako simula kanina pa hanggang ngayon na nandito na kami sa Movie room nina Jia ay yun pa rin ang topic namin. Wala kaming naiintindihan sa mga pinapanood namin. Dahil nakina Jia at Tj pa rin ang mga isip namin.
Close naman silang dalawa gawa ng silang dalawa ang unang nagkasama sa audition noon at magkaklase pa sila. Hindi nga lang ganon kadikit gaya ng sa amin ni Tj at Jia and Cley na sobrang dikit sa isa't isa.
Panaka naka ay nakikigulo ako sa kanila. Pero tumatahimik din minsan
"Ang tahimik mo ahh" pansin ni Tj
"Hindi pa rin kase ako makapaniwala sa nangyayari sa inyo" sagot ko nalaang
"Ako din ehh"
"Ang galing ng destiny no? Tadhana na talaga ang gagawa ng paraan para muling magtagpo ang dalawang taong pinaglayo."
"Are you really believe in destiny huh?"
"Oo naman no. Tignan mo nga yung sa inyo ni Jia. Tadhana na ang gumawa ng way para magtagpo kayo"
"Sabagay. Pero in love do you think destiny will work?"
"Siguro?"
"Bakit siguro?"
"Kase hindi ko minamadali ehh. I'm too young for love. If may isang taong ipagkakaloob sa akin si God then go. I will wait naman ehh. Hindi mo kailangan madaliin lahat ng nangyayari sa sarili mo. Just enjoy your life to be alone, with your fam and friends" paliwanag ko
"Young ka pa ba nyan? Tita na tawag sayo eh"
Naiiling nalang ako dahil sa pang aasar nanaman nya.
"Yan ka nanaman ahh.. aasarin mo nanaman ako."
"Joke lang. Sasabay ka ba sa amin ni dad pauwi?"
"Baka hindi na muna. Nakakahiya"
"Sus. Ngayon ka pa nahiya"
"Legit nga gagi. Kay Cley nalang siguro ako sasabay"
"Okay sige sige pero bukas sunduin kita ahh"
"Ikaw bahala." Naisipan ko naman na tanungin si Cley "ahmm Cley sayo nalang ako sasabay pauwi ah"
"Sure." Mabilis namang tugon ni Cley
"Bakit parang kaninang umaga ka pa hindi sumasabay dyan kay Jan ate Ara?" Tanong naman ni Glen
Heto nanaman sila. Machichismis jusme. Lahat nalang nyan bini-big deal
"Halerrr. Kasama nya si tito. Nakakahiya naman na kung sa kanila pa ko sasabay kung pwede naman sa inyo hindi ba?"
"Wala naman kayong samaan ng loob?" Tanong naman ni Star
"Wala. Kanina pa kami naguusap dito na dalawa ngayon nyo pa talaga naisipan yan?" Naiiling na saad ko
Ilang oras pa ang hinintay namin ng magaya na si tito na umuwi na. Lalo na at lumalalim na ang gabi.
"Oh paano mauuna na kami ahh?" Paalam pa ni tito sa pamilya Robles
BINABASA MO ANG
Be My Last
Teen FictionPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong paghanga sa kanya.