ARA'S POV
Basa man ay nagmaneho pa rin si Tj papuntang Condo ko. Malakas ang resistensya ko at lagi din naman akong naliligo ng ulan noon. Hindi ko lang sure sa kasama ko ngayon.
Dadaan sana kami ulit sa bahay nina Shen kaso ayaw nya. Kaya naman daw nya. Perp ako nag aalangan. Dahil heto sya ngayon at kanina pa bahing ng bahing.
"Ang tigas kase ng ulo ehhh" sita ko katapos nyang bumahing. Huminto na rin kahit papaano ang ulan.
"Mukhang sisipunin ata ako ahh" sabi nya sabay pahid ng manggas ng kanyang hoodie sa kanyang ilong
"Talagang sisipunin ka sa lagay na yan. Or worst lagnatin ka pa. Ang kulit kase sabi nang daan na tayo kina Shen ehh. Malalamigan yang likod mo tapos naka bukas pa Aircon ng kotse mo" panenermon ko pa sa kanya.
Napapansin ko na ring medyo bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata gawa na rin ng kakabahing.
Pag park ng Kotse nya da Building namin ay pinatuloy ko muna sya sa loob.
"Bumaba ka muna dyan at ng makaligo ka agad."
"Hindi na"
"Jan Tracy Lim!? No buts. Lumabas ka dyan at pumasok ka doon" panenermon ko. Kase kung hindi ko gagawin to magpupumilit lang sya ng mag pupumilit na uuwi na.
"Ito na nga po, wait lang po" wala na syang nagawa kundi sumunod sa akin.
Pagkakita palang ni manong Guard sa amin ay nasita na agad kami.
"Ma'am mukhang nabasa po kayo ng ulan ahh?"
"Hindi po kuya. Sadya po yan. Kaso makulit lang po talaga tong kaibigan ko. Akala siguro kasing tatag ng resistensya nya yung resistensya ko ayan mukhang masama na po ako pakiramdam"
"Need po ba ng gamot ma'am?"
"No need na po manong meron naman po akong first aid kit sa Condo. Salamat po. Una na po kami ahh"
Sa tagal ko na dito sa building na to ay naka close ko na rin ang ibang trabahador dito. Ang iba sa kanila ay ka biruan ko na din gaya ni manong Philip
Pag pasok namin sa Condo ko ay agad ko na syang pinaligo para makapag palit na sya ng damit.
Ako naman ay dumiretcho sa aking kwarto para mahanapan sya ng maisusuot. At dahil masama din ang pakiramdam nya ay hoodie na rin ang linabas ko tutal mahilig naman din sya sa mga ganito. Then kumuha ako ng jogging pants. Mas mainam kase yon kaysa sa pajamas.
Mabuti nalang din at nag sstock ako ng mga undies dito kaya kumuha na rin ako at dali dali kong inabot iyon kay Tj. Kumatok muna ko ng tatlong beses. Nang buksan nya ng bahagya iyon ay hindi ko maiwasang mailang.
"A-ahm ito nga pala. Isuot mo tong mga to"
Kinuha naman nya ang mga iyon pero ng makita nya ang mga undies na kasama ay tunignan nya ko ng makahulugan tyaka mgumisi. Utak talaga oo
"Hoy! Bago yang mga yan ahh yung damit lang ang hindi pero yang undies bago yan. Hindi ko pa yan na susuot."
Feeling ko namumula na ko, dahil ramdam ko ang pag iinit ng buong sistema ko
"Wala naman akong sinasabi ahh" depensa nya pa
"Wala nga pero yang titig ko. Alam ko galawan mo Jan Tracy Lim"
"Hilig mo talagang kompletuhin pangalan ko no?"
"Heh, maligo ka na"
"Opo ito na po"
Pagsara ng pinto ay nagtungo naman ako sa kusina para maghanap ng mailuluto. Sakto namang meron ako ditong Crab and Corn Soup. Papakuluan lang naman ito. Mamaya na ko babawi ng luto. Ito na muna pansamantala para malamnan lang ang sikmura ni Tj at makainom na ng paunang gamot. Mas ayos ng aagapan agad bago pa ito lumala.
BINABASA MO ANG
Be My Last
Teen FictionPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong paghanga sa kanya.