Time skip
ARA'S POV
The days has past. We are currently here pa rin sa US. Ang lahat ay nag eenjoy. But one day happened. Tj is confessing her personality awhile ago. We all in shocked but we accepted her with love and support. Happy pa nga ako dahil nasabi nya sa amin kung ano talaga sya.
Pero bigla syang naging ilap sa amin. Naging masaya pa naman kaming nakipaglaro sa mga bata na nasa park. Ipinakilala nya pa kami isa isa sa kanila. Pero pagsapit namin sa bahay nila naging tahimik nalang sya bigla. Hindi nya kami kinikibo ilang araw na rin.
Para tuloy may kulang kapag lilibot kami. Sama sama nga kame pero nananahimik naman siya sa isang sulok. Gusto ko man syang kausapin pero baka naman hindi nya ko bet kausap diba?
Last day na namin dito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakakausap. Baka isipin nya hindi namin sya tanggap kaya ganito sya sa amin.
Hindi bale gagawa ako ng paraan para magka usap kameng dalawa bago kami lumipad pabalik ng Pilipinas
JAN'S POV
I'm here alone at the basement. Huling araw na namin dito pero hindi pa ko nakakapag impake ng mga gamit ko.
Simula ng umamin ako sa kanila ay hindi ko maiwasang mag isip ng mga bagay bagay. Maraming what if ang gumugulo sa isip ko. At hindi ko lahat yon mabigyan ng sagot.
Ito lang ang tanging paraan ko para maibsan itong nararamdaman ko. Kita ko naman kung paano sila gumagawa ng paraan para makausap lang ako. Hindi nila pinapa feel sa akin na kakaiba ako. Na ako pa rin ang Jan na nakilala nila noon.
Sa pagmumuni muni ko sa loob ng basement ay nakarinig ako ng mga yabag. Papalakas ito ng papalakas kaya marahil ay papasok ito ng basement kung nasaan ako ngayon.
"Ja can I talk to you?" Bungad ni Jia. Sya kase ang natanawan kong pababa ng handan
Nginitian ko sya pero bahagya lang "sure what is it?"
Umupo naman sya sa tabi ko at hindi mawari kung kakausapin ba nya ko o hindi. Narinig ko pa syang bumuntang hininga bago tuluyang bumitaw ng mga salita
"Paalis na tayo dito. May bumabagabag pa rin ba dyan sa loob mo?" Saan nya
"Natatakot ako" sagot ko
Napakunot noo naman sya dahil sa sinabi ko
"Saan?, Na pagbalik natin ng Pilipinas magbago tingin namin sayo? Na baka iwasan ka ni ate Ara dahil sa nalaman nya? Or dahil baka malaman ng ibang tao about sa personality mo?"
Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya at napayuko. Lumapit naman sya ng husto sa akin at inakbayan ako.
"What if sa nalaman ni ate Ara pagbalik natin ng bansa iwasan na nya ko. What if inakikitunguhan nyo lang ako ngayon ng ganito dahil nandito kayo sa pamamahay namin what if.." garalgal na boses na saad ko. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko
"Husshhhh, you don't need to worry. Erase all the what if in your mind. Mahal ka namin. Kaibigan ka namin. Bakit ka namin iiwasan? It was you. At hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para sa amin. Nakilala ka namin ng ikaw. Maangas na may pagkamakulit, sweet at clingy. Saksi ako kase ako ang naging unang kaibigan mo sa aming lahat. Kilala kita mula ulo hanggang paa. Kaya huwag mong iisipin ang sinasabi ng ibang tao. Dahil at first hindi ka naman nabuhay para sa kanila. Hindi sila ang didikta sa buhay mo. Hindi sila ang magdedesisyon kung maging ano ka man. Be who you are Ja. I'm so proud of you dahil nasabi mo sa amin yang nilalaman ng puso mo. If nag woworry ka kay ate Ara. Talk to her. Para malaman mo rin yung limitation mo if ayaw nya. But I think open naman din si Ate Ara sa mga sitwasyon na ganyan. Andami kaya nababading sa kanya no. Lalo na kapag rarampa na sya sa stage." Paliwanag nya na medyo ikinagaan ng loob ko. Makulit at maingay si Jia pero aaminin kong isa sya sa pinaka ma advice na taong nakilala ko.
BINABASA MO ANG
Be My Last
Teen FictionPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong paghanga sa kanya.