8

1.2K 28 14
                                    

JAN'S POV

Nagmamadali na kami ni dad papuntang Airport dahil ngayong araw ay ang flight namin papuntang US.

Hindi naman kami napuyat. Sadyang nagka emergency lang si Dad sa office kaya kinailangan pa naming dumaan ng office para maasikaso ang dapat nyang asikasuhin. Hindi naman din kami late. Sakto lang kami sa oras ngunit kami na ang pinakahuling dumating.

Hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa makarating kami ng Airport. Kumpleto na silang lahat at kami na nga lang talaga ang hinihintay nila.

Saglit pang nakapag kwentuhan at habilinan ang mga parents namin nag magpasya na kaming pumasok. Ngunit kinailangan ko munang gumamit ng Cr dahil hindi ko nagawa yon ng nasa office kame kaya agad kong nagpaalam sa kanila. Sumama naman sa akin si Jia.

"Hmm dad can I go to the comfort room first. I just need to do some stuff lang po" paalam ko kay dad

"Okay you may go na anak. Hintayin ka nalang namin sa loob"  sagot nya na agad kong tinanguan

"Samahan na kita Ja" suggest naman ni Jia

"Tara Ji. Iwan po muna namin kayo ah?" Muling sabi ko tyaka na ko bumeso sa mga matatandang kasama namin. Dahil baka hindi na namin sila maabutan

Nagmamasid lang ako sa paligid. Marami rami na rin ang mga taong bumabyahe.

"Are you happy?" Biglang tanong ni Jia

Umangat ang tingin ko sa kanya tyaka ngumiti ng malapad

"Super happy. Finally makikita at makakasama ko sina mom ng mas mahaba"

" But do you think mas okay kase kasama mo kame?"

"Of course naman. Ilang beses mo naitanong yan sakin ehh hahah. For years lagi tayong nag iikot sa bahay ng isa't isa. Now it's time naman na kayo naman ang ilibot ko diba? Alam naman na ni mommy na marami tayo doon and sakto na may maraming room ang house namin doon kaya kasyang kasya tayo." Paliwanag ko. Excited na talaga ako ehh

"I'm glad that you're happy you deserve this Jaja. I know it's hard na malayo ka sa family mo lalong lalo na sa mommy mo but you did it. You grow up a strong woman and I witness all of that" pinapaiyak ba ko ng babaeng to? Bihira lang din kase kami mag usap na dalawa. Lagi kase sina ate Ara at Cley ang kasama naming pareho. Kapag magkakasama namang kaming tatlo ehh lagi kaming nag aasaran. Medyo maluha luha na rin ako dahil sa sinabi nya

"Thankyou Jiji. Bakit ka ba nag papaiyak? Hahaha" saad ko pa

"Hey hindi kita pinaiiyak ahh baka isipin ng mga tao dito inaaway kita" pagbibiro nya "Happy ako na we found each other nga ehh. Akalain mo yun. Yung father ng first bestfriend ko ay bestfriend din ng parents ko."

"Ako din nga hindi makapaniwala ehh. Destined talaga tayo sa isa't isa no?" Pagbibiro ko nalang para kahit papaano ay mawala yung emotional sa pagitan namin

"Hoyy hindi tayo talo ahhh iba crush ko" sagot naman nya

"Sira, hindi din kita type no. And teka nga bakit parang wala kang nababanggit na may crush ka pala. Crush mo si Cley no?" Tukso ko pa. Biro lang naman dahil alam ko naman din kung ano talaga sila.

"Huy kilabutan ka nga. Porke crush si Cley agad? Tyaka mas Straight pa yun sa ruler no. Kahit ganoon manamit" sagot pa nya

"Sus. Paano mo nasabe? Sinabi na ba nya na nagkaka crush sa guy? Kahit kailan ba nakita mo na syang nagka boyfriend?" Pangungulit ko pa. Gusto ko lang talaga syang pagtripan

"Hindi pa. Pero ganun na rin yon. Bakit ikaw siguro may crush ka kay ate Ara no?"

Ayun bumalik sa akin ang tukso. Pero totoo naman ehh ililihim ko pa ba sa kanya?

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon