16

1.2K 33 5
                                    

Time skip..

JAN'S POV

One afternoon nakayayaan kami ni Yves na mag ikot ikot muna sa Mall habang naghihintay kami ng oras para training. May dalawang subject sana kami ngayong hapon pero ang last Subject namin ay hindi pumasok kaya wala kaming magawa ni Jia.

Tapos hindi ko pa maka usap ng maayos si Jia this past few days. Lagi nalang syang lutang. Pinipilit pa namin sya ni Yves na sumama sa amin  pero ayaw nya. Gagawa nalang daw sya ng plates nya.

Before we go nag Chat muna ko kay Ara para if ever man na hanapin nya ko ay alam nya kung saan ako hahanapin. Pero for sure bago matapos ang klase nila ay tapos na kami.

(Pinalitan ko na rin ng nickname nila sa messenger ahh hehe)

_________________________________________

Love💕🥰

Hey love. Labas lang po kami ng univ. Ahh?

:Sure love

:Sino kasama ko?

Si Yves po.

Pinipilit nga din namin isama si Jia kaso ayaw nya ehh

Magtatapos nalang daw sya ng plates nya.

:Sige po ingat sa pagddrive ahh see you later

I will po. Wala ka bang ipapabili?

:Ikaw na po bahala.

:Sure naman na hahanapan din kayo ng iba kabalik nyo hahah

Haha for sure.

Sige po alis na po kami. See you later🥰

:😉😉😉

_________________________________________

Pagsakay namin sa kotse ay tinanong ko muna si Yves.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko

"Kain agad? Ayaw mo mag ikot ikot muna?" Nakangiting balik tanong nya.

"Nagugutom na ko ehh. Kain muna tayo" sagot ko naman.

"Aysus, umiral nanaman pagiging matakaw nya, sige na nga. Pero Shakey's tayo ahh. Gusto ko carbonara ehh"

"Sure nag crave din ako ng Mojos ehh"

After mag decide kung saan kami kakain ay agad na pinaandar ko na ang kotse ko papuntang mall. Malapit lang din naman iyon sa Univ. Kahit na maglakad nga lang kami ay makakarating kami a
gad kaso hapon. Tirik na tirik ang araw kaya mag kotse nalang kami.

Sa loob ng mall ay agad din naming hinanap ang stall ng Shakey's. Nasa second floor yon kaya ng Escalator nalang kami. Marami din kaseng tao sa may Elevator ehh.

Like we said a while ago. We ordered some Carbonara, Mojos and Pizza of course. The best talaga ang Pizza ng Shakey's kumpara sa iba. Basta pizza ang usapan sa Shakey's ang tiwala naming walo.

We sat at the table beside the glass wall. Dulo naman yon kaya may privacy kami kahit papaano. Gusto rin kasi namin pareho na pinagmamasdan ang mga taong nagdaraan sa harap namin.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon