ARA'S POV
Ilang araw na bang walang paramdam si Tj? Mag iisang linggo na ata. Hindi ko na mabilang kung ilang araw na.
Maayos naman kami nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ito biglang nawala. Ni mag update man lang ay hindi na nya magawa.
Ganoon na ba talaga sya ka busy or sadyang may kakaiba sa ikinikilos nya? Ayaw ko man mag pa apekto pero hindi ko maiwasang hindi mag tampo.
Also Jia is always missing in action. Sobrang busy ba talaga nilang dalawa at talagang Sabay pa silang nawala? Kaya ayaw ko namang idamay pa si Cley sa problema ko dahil alam kong sya din ay problemado.
"Wala pa rin bang paramdam sayo si Jaja?" Tanong sa akin ni Yves pagkatapos nyang inilapag sa harap ko ang isang juice at sandwich.
Dito kase sa Canteen ko naisipang tumambay dahil sa lahat ng madadaanan ko ay na aalala ko lang si Tj. Every part of this university, it's reminds me of her.
"Uyy. Earth to ate Ara halerrr" muling saad ni Yves
"Ayy sorry sorry. Ano nga yon?"
"I'm asking if wala pa rin bang paramdam sayo yung kaibigan ko"
Tanging iling lang ang naisagot ko dahil parang ang tamad tamad kong makipag communicate ngayon.
"Sorry ate ahh"
"Bakit ka naman nagsosorry?" Takang tanong ko
"Kase kaibigan ko yung dalawang yun pero wala din akong makuhang sagot galing sa kanila."
"Ano ka ba, wala ka namang kasalanan sa mga nangyayari ngayon no. Baka sadyang busy lang talaga sila kaya hindi nila magawang magparamdam man lang pati ba kay Jia wala paring balita si Cley?"
"Like you ganyan na ganyan din si Cley. Hindi na nga malaman ni Glen kung sinong haharapin nya sa inyong dalawa si Cley ehh. Kaya we decided na si Cley na muna kakamustahin nya at ako naman ang pinapunta nya sayo."
"Ako pala ang dapat na humingi ng sorry sa inyo ehh??"
"At bakit?"
"Kase yung dapat na gala nyo ni Glen ay kami ang inaalala nyo. Nagliligawan na kayo kaya dapat na mas mahaba ng oras na dapat inilalagi nyo sa isa't isa. Pero nasaan kayo? Nandito kayo sa tabi namin"
"Kaya nga tayo magkakaibigan ehh. Nahulog man tayo sa taong dapat ay kaibigan lang pero hindi pa rin mawawala yung tatlong taon na pinagsamahan naten. Kaya tayo tayo din ang magdadamayan sa problemang meron ang bawat isa."
"Thankyou kase lagi kayong nandyan ni Glen. Even Shen and Star, you guys never failed to make me laugh kahit na alam nyong may problema "
Pumulupot naman ng mga kamay nya paikot sa katawan ko. Dahil naka side sya hindi ko na nagawang gumanti pa ng yakap sa kanya dahil ipit ang dalawang kamay ko
"Lagi lang kaming nandito ate. And gagawa ako ng paraan para maka usap ko yung dalawang yun. Hindi ba nila alam na may naghihintay sa kanila? Ni pati ako na nauna nilang nakasama eh hindi nila sinabihan na mawawala sila bigla?"
"No need na Ves, baka lalo lang tayong makadagdag sa Stress nila."
(A/n: ahm mga mamser hindi po ito same day nung nakita ni Cley sina Jan at Jia sa Japanese restaurant sa chapter 53 ng MTB ahh. Baka malito po kayo hahaha. Ibang araw na po ito)
Sinamahan ako ni Yves hanggang sa matapos ang Class hours namin. Tambay nalang talaga kami sa university ngayon dahil malapit na ang graduation. Bali pumapasok nalang talaga kami para sa attendance. While Shen at Star are busy to their last requirements. And also Shen is extra busy today dahil sya ng inihalal ng mga Mercadians bilang bagong SSC president kaya bihira na din namin syang makasama.
BINABASA MO ANG
Be My Last
Teen FictionPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong paghanga sa kanya.