13

1.3K 45 0
                                    

JAN'S POV

One afternoon walang training dahil may meeting lahat ng faculty staff kaya 3:30 palang ay pinalabas na kami.

Napagdesisyunan naming walo na tumambay muna sa bahay nina Shen. Sa kanila na kase kami madalas ngayon dahil nga bagong kasama at napalapit na rin kami kina Amma na todo rin ng pag aasikaso sa amin sa tuwing nandito kami.

While playing board games ay kumakain din kami ng mga ipinahanda ni Amma. May dala naman din kaming foods pero mapilit din kase si Amma ehh. Kaya hindi na ko magtataka kung kanino nagmana ng kakulitan si Shen. Joke lang.

Nang magsawa na kaming maglaro ng board games ay uno card naman ang pinagdiskitahan namin. Laging nananalo si Yves.

"Oy nakakadami ka na Bes ahh" sita dito ni Glen

"Aba kasalanan ko ba na nauuto ko kayo?" Tatawa tawang sagot nya.

"Dapat ban na yan dito ehh.. hindi man lang ako pinapanalo" segunda naman ni Star

Silang tatlo nanaman nangunguna ng kaingayan. Tapos dadagdag pa si Jia at Shen kaya lalong iingay.

"Oo nga Ves, magpapanalo ka naman ohh. Ako ata unang biktima nyong lahat ehhh" reklamo pa ni Jia

"Oyy huwag ako sisihin mo. Yang katabi mo. Trip ka ata laging tanggalin ehh"

"Halata naman ehh, laging tapon kay Jia puro plus 2 plus 4" saad din ni Ara sa pagitan ng pagtawa.

Ako naman ay pinagmamasdan lang ng maganda nyang mukha. Paanong hindi ako mahuhulog sa taong to? Kung sa ngiti palang nya taob na ko agad.

Napagawi naman ang tingin ko kay Jia na nagmamaktol at nakikipagbardahan nanaman kay Cley

"Lagi namang competitive tong panget na to ehh. Kapag ganitong game na lagi akong talo sa kanya." Reklamo nya

Si Cley naman ay tamang smirk lang na tila ba inaasar pa si Jia.

"Atleast hindi naman sya ang laging nananalo" sabat naman ni Glen

"Oo nga. Bakit ba ako pinag iinitan mo? Dapat si Yves ehh" depensa naman ni Cley sa sarili nya.

"Bebe is right kaya dapat manlibre si ate Yves" singit din ni Shen

"Ay naku po, hindi pa kayo busog sa lagay na yan? Kanina pa tayo laklak ng laklak mga day"

"Ate gusto ko Ice cream baka naman" pagpupumilit pa nya

"Ako din ate Yves" saad din ni Star

"Oy Star matigil tigilan mo ko dyan sa kaka Ate mo ahh? Hindi bagay beh"

Napapailing nalang ako dahil sa kakulitan nilang lahat

"Ako na magpapa Ice cream sa inyo. Request ng bunso ehh" sabat ko naman sa usapan nila.

"Totoo Jan?" Gulat na tanong nya

"Gulat na gulat?" Pagbibiro ko pa " ice cream lang naman yon. Pang dessert ba. "

"Yeheyyy" pumapalakpak pang sabi Ni Shen para syang bata. Sya naman kase pinaka bata ehh.

5:15 na Ng magpasya kaming maghiwa hiwalay. May mga gagawin pa din kase ang iba kaya hindi kami pwedeng magbabad sa iisang bahay na walang ginagawa.

"Oh paano see your tomorrow nalang ahhh. Huwag nyo ko masyadong mamiss. Tatalunin ko pa ulit kayo sa uno cards game" paalam ni Yves

"Ehh dami sinasabi. Babawi ako" saad din ni Jia

"Sus!, Nauuna ka ngang natatanggal ehh" sa sinabing iyon ni Shen ay napabusangot ulit sya kaya ikinatawa naman ng isa.

"Ewan ko sayo, bye na nga"

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon