JAN'S POV
Paglapag ng eroplano namin sa Airport ng US ay mas lalo akong na excite dahil ano mang oras makikita ko na sina Mommy.
Mas mauuna ko nga lang makikita si Kuya kase sya ang susundo sa amin dito. Alam naman din nila na kasama ko ang mga kaibigan ko kaya paniguradong nag reready na rin sila.
Pagbaba ng gamit namin ay agad na kaming pumasok sa loob. Pinagmamasdan ko lahat ng taong naririto baka makita ko na kase si Kuya.
Parang ang tagal naming hindi nagkita ahh. Matagal din naman ang ilang buwan ehh. Nagpakaburo kami sa pag aaral at pagtatrabaho kaya dapat lang na mamiss namin ang Isa't isa.
Kay kuya kase ay mas spoiled ako kumpara kay ate. Eh medyo magkakalapit lang ang edad naming dalawa kaya mas close ako sa kanya.
"Bunsooo!" Sigaw ng kung sino.
Nang hanapin ko kung saan nanggagaling ng tinig na iyon ay nakita ko si kuya na kumakaway sa gawi namin. Ako naman ay agad na binutawan ang trolly na hawak ko at patakbong pumunta kay kuya.
Yumakap ako sa kanya ng napkahigpit.
"Kuyaaaa!! Namiss kita"
"Namiss din kita bunso. Buti nalang napaaga kayo ngayon. Medyo matagal kita makakasama." Sabi pa nya
Pagkalapit sa amin nina daddy ay yumakap din si kuya sa kanya. Si daddy na rin ang naghila ng trolly na naiwan ko kanina.
"Hmmm Jaja pwede mo muna ba ko samahan sa Cr?" Tanong ni Yves
"Sure tara, wala na ba mag babanyo sa inyo? Para bago tayo umalis ehh ayus na?"
"Ako Jan sama din ako" sagot naman ni Star tinignan ko naman sila para malaman kung anong say nila. Huli kong tinignan si ate Ara. Nakatingin din sya sa akin tyaka nakangiting umiiling. Tumango naman ako at niyaya na ang dalawa
Sigurado din kaseng walang alam dito sina Yves tapos ibang lengguwahe pa ang mga tao dito. Though marunong naman din mag English ang dalawa pero baka mailang lang din sila sa mga tao dito.
"We're finally here" sabi ni Star na halatang excited din.
"Oo nga grabe. First time ko bumyahe" segunda naman ni Yves
"Let's enjoy our staycation here i guess?"
"Oo naman no. Nandito na tayo ehh. Hindi pa ba natin lulubus lubusin?" Sagot ulit ni Star
"Mapapagastos ako ng malala dito"
"Ay naku day hindi lang ikaw. Tayong lahat panigurado."
Naiiling nalang ako sa kanilang dalawa dahil sa sobrang hyper nila. Lahat ng taong nakakasalubong namin tinitignan kame tapos mga nakakunot ang mga noo.
Pasensya na mga pare ganito talaga sila ehh. Hindi naman din nila naiintindihan kaya ayos lang.
ARA'S POV
Habang hinihintay naming makabalik sina Tj ay pinagmamasdan ko lang ang mga taong dumaraan dito sa harap namin.
Sina tito at kuya Enzo ay nag uusap ng kung anu anong bagay. Katabi ko si Glen na busy din kakamatyag ng mga tao. Maski sya din ay amazed na nandito na kami sa US.
Samantalang sina Jia, Cley at Shen naman ay naririnig kong nag aasaran nanaman. Tabi tabi silang tatlo sa may gilid. Nakapagitna pa sa kanila si Shen akala ko nga ehh walang bardagulan na mangyayare pero mas malala pa pala kapag kasama nila si Shen. Napapa iling ka nalang talaga sa kakulitan nila.
"Siguro pagbalik ko ng Pinas wala na king dugo" biglang sabi ni Glen na nasa tabi ko. Agad naman akong napatingin sa kanya. Seryoso ang itchura nya habang nakamasid sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Be My Last
Teen FictionPaano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ka sa dapat ay kaibigan lang? you call her ate all the time para ikubli yung nararamdaman mong paghanga sa kanya.