20

1.2K 34 0
                                    

JAN'S POV

On the parking lot here at university nagkatipon tipon kaming walo. Nagkayayaan kase sila na tumambay sa bahay at mag movie night. Pinipilit ng iba sina Cley at Jia pero gusto atang magsolo ng dalawa.

"Hindi talaga kayo sasama?" Dinig ko pang tanong ni Star sa dalawa

"Ewan ko dito kay Cley" sagot naman ni Jia

"Landi ahh. Tigilan nyo nga yan nakakaasiwa." Reklamo pa ni Yves, inakbayan kase ni Jia si Cley ehh

"Hanap ka na din kase jojowain mo hindi yung" napatingin nmn ako kay Cley ng putulin nito ang sasabihin ni Glen

"Oo nga naman Yves. Diba may sinabi ka saken? Aba dali dalian mo din baka maunahan ka pa ng iba dyan. Ikaw din baka magaya yan kay Jia"

Nanlaki naman ang mga mata ni Yves dahil sa sinabi ni Cley. Ako din ay nahihiwagahan sa mga pinagsasasabi ni Cley.

But honestly it's good na unti unti ng dumadaldal si Cley. Ganito talaga siguro ang nagagawa ng pagmamahal no?

"Hoy bakulaw bunganga mo!" Napadako naman ang tingin ko kay Yves na syang sumigaw

" Totoo naman. May nalalaman ka pang crush mo ko noon taposss dili nalang ako mag talk uyy" pang aasar pa ni Cley. Minsan nalalabas din nito pagiging bisaya accent nito.

"Mare ano yan? Spill naman dyan ohh." Tanong ni Glen

"Crush mo si Cley noon?" Gulat na tanong naman ni Ara sa tabi ko. Hindi rin siguro makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

"Noon yon no noon. Parang maglalako lang sa kalsada. Ganoon lang kabilis yon."

"Eh sino naman yung sinasabi nya na pinagbalingan mo?" Curious na tanong naman ni Shen. Hay nako naman haha. Namumula na si Yves dahil sa inosenteng tanong ng dalawa

"Haha, wala maloko lang talaga yang si Cley kung anu ano sinasabe." Pag iiba naman ni Yves sa usapan.

"Hindi ehh.. sino yon bes? Pilit pa ni Glen na lalong ikinatawa ni Cley. Loko malala na talaga tama ni Cley minsan. Hindi sya ganito noon.

"Kaasar ka Cleyy Laidenn. Bwisit kang bakulaw ka"

"Ganti ganti lang yan panda. Lakas mo mang asar ehh. Edi babalik ko sayo"

Lakas ng trip ng babaeng to grabe. Introvert pero kung mag asar dinaig pa ang isang extrovert

"Tama ka na Cley hahaha. Namumula na ang ating panda. Nag bblush din pala sila no?" Tumatawang pigil ni Ara kay Cley

"Isa ka pa Ara amin amin din pag may time"

At yun na nga po. Ano namang alam ng babaeng to tungkol sa amin? May lahi ba tong mangkukulam?

"Anong aaminin?" Simpleng tanong naman ng nasa tabi ko

Inginuso naman ni Cley ang nakasalikop na kamay naming dalawa. Ngayon ko lamg din napansin na hindi pala nagkahiwlay ang mga palad namin.

"Hoy ano yan Jan Tracy Lim??" Nanlalaking mata namang tanong ni Jia sa akin. Kinumpleto pa talaga ang pangalan ko

"Wala naman kailangan aminin. Paniwalaan nyo kung ano gusto nyong paniwalaan." Nakangiting paliwanag ni Ara

Ito na rin siguro ang tamang oras para sabihin sa kanila ang tungkol sa amin. Lalo na at ayos naman na sina Cley at Jia

"Wait wait wait. What if yung nasa isip naming lahat ay iisa lang??" Tanong din ni Shen. Nakakunot pa ang noo nito kaya napangisi nalang ako

"Edi yes ang sagot." Muling sagot naman ni Ara na nasa tabi ko. Dahil doon ay nagsisigaw naman ang mga ito pwera kay Cley na nakatingin lang sa amin at sa mga nagkakagulo naming kaibigan.

Be My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon