Sweet Sixteen

1.6K 168 21
                                    

Chapter Eight

"UY, pancit!"

Muntik ng mabitiwan ni Jeralden ang hawak na bandehado ng umuusok pang pancit nang may magsalita bigla sa likuran niya. Na walang iba kundi ang buskador na si Scythe. Muntik  na siyang mapapadyak sa inis dahil ang buong akala niya ay wala ito roon. May dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang singing contest. Iyon din ang huling araw na nakita niya ito.

Birthday niya. Wala naman siyang balak maghanda kasi nga nagtitipid sila. Pero mapilit ang Lola Aida niya. Tutal naman daw ay meron silang sangkap, maghahanda sila maski kaunti. At iyon nga, nagluto ito ng pancit at kaunting lumpiang shanghai. Bibili pa sana ito ng cake dahil marami pa naman daw natira sa premyong napanalunan niya sa singing contest. Ngunit umiling na siya dahil ayos na iyong kaunting handa nila. Ang balak niya nga ay magsimba lang sana. Kaso nahiya naman siya sa nakikitang pagkaaligaga ng nuno kaya hinayaan niya na lang. At pagkaluto nga ay kaagad siya nitong sinabihang hatiran sa bahay nina Lola Dolores. Sa pag-aakalang wala roon ang asungot na si Scythe ay kaagad siyang sumunod sa utos.

"Wah, sino ang may birthday?" nakangising tanong nito.

Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at bumungad si Lola Dolores.

"Aba, heto na pala ang aming magandang selebrant," kaytamis ng ngiting bungad ni Lola Dolores.

"Celebrant? Birtday mo?" maang na tanong ni Scythe.

"Oo, bertdey ni Jeraldina. Parine ka muna, ineng, sa loob at may ibibigay ako sa'yo."

"Akina na 'yang dala mo," ani Scythe sabay kuha sa bandehado ng pancit. "Wow, amoy palang mukhang masarap na."

Napilitan siyang pumasok sa loob ng bahay dahil na rin sa imbitasyon ni Lola Dolores.

"Happy birthday, Kulotsky," kaylapad ng ngising bati ni Scythe. "Utang muna 'yong gift, ha? Hindi ko kasi alam na birthday mo."

"Okay na sana 'yong bati mong happy birthday. Kaya lang may kasama pang pang-aasar," nakasimangot na sagot niya.

"'To naman. Pet name ang tawag ro'n, hindi pang-aasar."

"Mukha ba akong pet?"

"Hindi. Mukha kang poodle."

Inambaan niya ito ng suntok. Sarap burahin ng kamao niya ang pagkakangisi nito, eh. Nakakaasar talaga!

"Lambing lang, ikaw naman. Masyadong magagalitin. Lalo kang makukulot n'yan."

"Ano ba ang issue mo sa buhok ko? Naiinggit ka ba? Magpakulot ka rin."

"Ayoko nga. Hindi bagay sa akin. Sa'yo lang 'yon bagay."

"Kasi mukha akong poodle?"

"Hindi, ah. Mukha kang cute na poodle."

Biglang napasingasing ang ilong niya. Kulang na lang ay magtayuan ang mga hibla ng kanyang buhok at suwagin ito.

"O, o. Ang pikon talo."

"Scythe, tigilan mo na 'yan. Bertdey na bertdey ni Jeraldina, inaasar mo na naman," saway ni Lola Aida.

Binelatan ito ni Jeralden atsaka inismiran. Ipinasya niyang dedmahin na lang ito. Dahil tama naman ito, ang pikon ay talo. At hindi siya magpapatalo rito. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang trip nito sa buhay at tila tuwang-tuwa na laging asarin siya.

"Heto, o. Ipinabili ko ito sa dalaga ko, hindi kasi ako sigurado kung ano ang magugustuhan ng mga tinedyer na nasa edad mo. Kaya sabi ko siya na ang bahalang pumili ng babagay sa'yo."

Nakita ni Jeralden ang dalawang shopping bag sa ibabaw ng sofa. Rag&Bone at... Gucci?

Hindi naman siguro sila mga original? saloob-loob niya.

The Untouchables Series Book 5 Scythe de AsisWhere stories live. Discover now