"True love isn't found. It's built."
Yhael POV
"Come in."
Narinig kong bigkas ng malaki at malalim na tinig mula sa loob ng saradong pinto na may nakalagay na nameplate sa harapan na, CHIEF SURGEON RICHARD F. CORTEZ, M. D., F.A.C.S. may nakasulat pa dito kung saang fellow siya kabilang.
Tsk, magkakaroon din ako niyan after my residency. Three more years...
Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan itong itinulak pabukas. Agad na bumungad sa akin ang may katandaan ng lalake na puro puti na ang buhok, maging ang balbas nito na nakaupo sa likuran ng hindi naman kalakihang lamesa. Nakasuot siya ng eyeglasses habang abalang nakayuko at nagsusulat. Nakasuot ito ng white coat na may naka-embroided na pangalan niya sa bandang kaliwang dibdib at pangalan naman ng hospital sa kanang bahagi nito.
"Good morning -" Agaw ko sa pansin nito. "Dr. Cortez."
Awtomatiko itong nag-angat ng tingin. "Oh!" Mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan at inilahad sa akin ang kamay. "Good morning, Doctor... ?"
Ngumiti ako. "Lucas." Saka tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Yhael Lucas."
"Ah, yes!" Napapatango-tangong sambit niya. "You look familiar!" Sambit niya. "Please have a seat." Sabay mosyon sa silyang nasa harapan niya.
"Thank you." Bigkas ko bago naupo. "How did you know I'm a doctor?"
Pinagsiklop niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa at itinuon ang buong atensyon sa akin. "Dr. Veralde told me earlier when you brought a patient here from Matalinhaga High School." Sagot niya. "Only a licensed and well-trained doctor can perfectly administer first aid to a ventricular tachycardiac arrest patient." Ngumiti siya sa akin.
Ngumiti ako ng tipid dito.
"You look young." Komento niya. "May I know how old you are?"
"Twenty-six." Sagot ko. "Turning twenty-seven actually." Pagtatama ko.
Muli siyang napatango-tango. "M.D. or MBBS?"
"Medicine and surgery." Sagot ko.
"In what medical school?" Para ako nitong ini-interview na pumasok sa trabaho.
"University of London in St. George." Sagot ko. "I had my pre-med for three years at the University of Birmingham, also in London."
"Wow." Tila na-impressed ito sa sinabi ko.
"But I was not registered with their GMC and never started my Foundation Programme with them." Patuloy ko.
"Why is that?" Curious nitong tanong.
"Because I want to have my residency here in the Philippines." Sagot ko.
"In what field of specialization if I may ask?" Interesado niyang usisa.
"Pediatrics." Simpleng sagot ko.
Ilang sandali siyang hindi nakakibo. "Didiretsahin na kita, Dr. Lucas." Bigkas niya. "Kinukulang kami sa magagaling na doctors dito sa Matalinhaga General Hospital. And if you are not currently affiliated with any hospitals yet, I would like to offer you to do your residency here."
Lihim akong natuwa sa narinig.
"I believed that your school is clinically focused and patient-centered, which equipped you with essential knowledge, understanding, skills, and attitudes to practice medicine competently and professionally." Patuloy niya.