"The only person you are destined to become is the person you decide to be."
Yhael POV
"Yhael."
Nakatulalang nakatitig pa rin ako sa iniihaw na isda. Ano 'yong sinabi ni Santos? Parang hindi ko yata na-gets.
"Yhael."
O na-gets ko pero nahirapan lang akong i-process?
"Yhael!"
"Aray!"
Nakangiwing napatingin ako kay Devone habang may hawak na talong at ito ang ginawang pampukpok sa ulo ko.
"Kanina pa kita tinatawag. It seems you're thinking deeply about something. You look like a fool." Nakapameywang na saad niya.
Napanguso ako. "Love naman, kailangan talagang ipukpok mo sa akin 'tong talong?" Kinuha ko ito mula sa kanya at isinalang sa grills.
Napatirik ang mga mata niya. "You're not paying attention!" Saka napahalukipkip sa tabi ko.
"Love ha? Napapadalas ang pagtirik ng mga mata mo." Tukso ko sa kanya. "Are you ready for round three -"
Hindi ko naituloy ang sinasabi dahil sinipa niya ako sa binti.
"Devone!" May pananaway sa tinig ko.
Umirap siya sa akin saka ako iniwan.
"Tignan mo 'to, lalapit-lapit saka ako iiwan." Napapalatak ako. "Haist, kaiwan-iwan ba ako?"
Nang matapos akong mag-ihaw ay lumapit ako sa kinaroroonan nilang lahat. Abala na silang naghahain sa may kahabaang lamesa.
"Attorney," Hindi yata alam ni Santos na nasa likod na niya ako habang abala ng nilalandi ang kapatid ko. "Kung ikaw ay Coco Mama ko, ako naman ang Maggi mo?"
Natawa si Huxley ng marahan. Sumenyas ako sa kanyang huwag ipahalata sa kaharap na nasa likod ako nito.
"Why?" Kunwaring game namang tugon ni Huxley habang naglalagay ng mga pinggan sa ibabaw ng lamesa.
"Kasi ang sabi sa commercial, ang nagmamahal nagma-Maggi." Kinanta pa niya ito saka ngumisi kay Huxley!
Napangiti lang si Huxley saka napailing-iling.
Eksaheradang napatikhim si Santos. "Pwede ba kitang ayaing maglakad-lakad mamaya sa tabing-dagat? Alam mo na, maganda ang ihip ng hangin ngayon, medyo malamig." Saka kunwari pang napayakap sa sarili. "Ang ganda rin ng buwan at ang dami ring bituin -"
Hindi ko na siya pinatapos pa at itinuktok sa ulo niya ang hawak na sandok.
"Lucas naman!" Nakahawak sa ulong mabilis na napaharap sa akin si Santos. "Sinisira mo naman 'yong moment namin ni attorney!"
Tumatawa lang naman ang mga kasama namin. Napameywang ako sa harapan niya gamit ang isang kamay.
"Hoy, baka nakakalimutan mo, kapatid ko 'yan!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "At wala pa akong permiso para ligawan mo!"
Bigla ba naman itong napangisi. "Wala 'pa'?" Ngising-ngising pag-uulit niya. "Ibig sabihin mayro'n na ngayon?"
Inumangan ko siya ng suntok. Mabilis siyang nagtago sa likod ni Huxley. Mas lalo ko tuloy siyang sinugod dahil yumakap pa sa balikat ng kapatid ko. Tumakbo siya patungo sa kabilang side ng lamesa.
"Tumigil na nga kayo!" Natatawang saway ni Huxley sa amin. "Ang tatanda niyo na, you're both professionals tapos ganyan pa kayo umasta." Komento niya. "Dinaig pa kayo ni Davian."