"There is nothing that love cannot achieve. And there is nothing that love cannot sacrifice."
Devone POV
"Dr. Devone."
Mabilis akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko. It's Sofie. I can't recall when she started calling me Dr. Devone.
"Yes, Sofie?" Tanong ko ng tumigil ako sa paglalakad pabalik sana sa office ko.
"May dumating po na sulat." Saka iniaabot sa akin ang isang kulay brown catalog size envelope.
Hindi ko ito agad tinanggap at natitigilang nakatingin ako sa envelope. "Who sent it?" Tanong ko. May kung anong kaba sa dibdib ko. Kilala ko kasi ang gamit nitong envelope dahil may mga nauna na akong natanggap na ganito.
"Hindi ko po alam, Doc." Sagot niya. "Wala pong return address." Sabay sipat sa hawak saka ulit ito iniaabot sa akin.
"Thanks, Sofie." Tugon ko ng tanggapin ko ito mula sa kanya.
Bumalik na siya sa kanyang office pagkatapos. Katabi ng akin. Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pinto. Natigilan ako ng pipihitin ko na sana ang doorknob at malamang naka-locked ito.
"Davian, open the door." Tawag ko mula sa labas ng pinto sabay muling pinipihit ang doorknob. "Come on, Davian." Sabay katok.
Idinikit ko ang tainga sa pinto to hear if he's inside. Wala akong marinig na anumang kaluskos.
"Davian Hale, this isn't funny." Nagsisimula na akong kabahan. "Lucas, come on. Mommy's not happy anymore."
Napapalatak ako bago nagmamadaling tinungo ang office ni Sofie. Kumatok ako sa pinto niya na agad naman niyang binuksan.
"May I borrow the spare key to my office?" Pakiusap ko.
"Wait lang po, Doc." Tugon niya saka mabilis na bumalik sa kanyang mesa para kuhanin ang spare key niya sa room ko.
"Thank you." Sabi ko bago nagmamadaling tinungo ang pinto ko.
Mabilis kong binuksan ang pinto ng ma-unlocked ko ito.
"Davian?" Tawag ko pero walang sumasagot.
Nakita ko 'yong iPad niya sa ibabaw ng mesa. Wala siya sa loob ng banyo o sa spare room kung saan nagsisilbing pahingahan ko. Napapikit akong napapalatak.
Inilapag ko muna sa ibabaw ng lamesa ang bigay na envelope ni Sofie kanina bago dinampot ang sariling susi at lumabas ng pinto. Idinaan ko muna ang spare key kay Sofie.
"Have you seen my son?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan siya. "Hindi po e." Sagot niya. "Gusto niyo po samahan ko kayong maghanap kay Hale?"
"No, it's okay, Sofie. Just go back to your work. Thank you." I replied.
Ayoko namang mang-abala ng ibang tao. Besides, hindi ko siya dinala dito para may alagaan sila.
Haist... mahirap maging single mom... but I never complained. He's the best thing that ever happened to me. Kung may uulitin man ako sa buhay ko, siya 'yon.
Hinanap ko si Davian sa canteen, baka kako nagutom. Napapatingin din ako sa mga classrooms baka nagtungo na doon. Anyways, hindi naman niya ugaling basta-basta na lang pumapasok sa mga classrooms dahil binilin ko siyang huwag istorbohin ang mga nagka-klase. At alam ko din na hindi siya basta-basta aalis ng school ground dahil may bantay naman sa gate. Sasabihan naman ako ng mga guards kung sakali.