"Love is made by trust, respect, and caring."
Yhael POV
"Dr. Yhael Lucas?"
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa babaeng bumigkas sa pangalan ko habang nasa labas ng bintana ang tingin ko dito sa eroplanong kinasasakyan ko patungong Cebu.
"Yes?" Tugon ko sa Flight Attendant na lumapit sa kinauupuan ko.
Malapit na yata kaming lumapag. Nag-announce na nga kanina ang In-flight Attendant at Captain.
"I knew it!" Masayang bulalas niya. "Pwede po bang makipag-selfie kasama ka?" Parang excited nitong tanong.
Napaisip ako. "Sure?" Patanong kong sagot.
Para itong kinikiliti na ewan na nagtawag pa ng kasama. May dalawa pa siyang kasamang Flight Attendants na nakipag-picture sa akin. Nakailang shots din sila kasama ako.
"Thank you!" Aniya ng babaeng kausap ko kanina. "What you did in the last election was so brave." Sabay bumaba ang tingin nito sa pants ko saka ngumiti ng mag-angat ng tingin. "Hindi ko alam kung maganda o guwapo ang sasabihin ko, but... I think you are both!"
After fifteen minutes or so ay palabas na ako ng terminal ng Mactan Cebu International Airport. Babiyahe pa ako ng another thirty to forty minutes patungong Cebu City.
"Ma'am." Bati sa akin ng isang lalaking naka-coat and tie na uniform. Tauhan ni daddy. Ipinadala niya para sunduin ako.
Kinuha niya ang dala kong maleta at ito na ang naglagay sa trunk. Pumasok na ako sa loob ng backseat ng sasakyan. Abala akong nagta-type ng message para kay Devone ng pumasok sa loob ang driver. Ina-update ko siya para hindi siya mag-alala sa akin. Wala akong nakuhang reply mula sa kanya kaya nagpasya akong tawagan na lang siya. Nakailang rings muna bago niya ito inangat.
"Huxley!" Nagpanggap akong si Huxley ang kausap dahil napansin kong napapasulyap sa akin ang tauhan ni Daddy mula sa rearview mirror.
"What?" May pagtataka sa tinig ni Devone. "You dialed the wrong number -"
"Oo, nandito na ako sa Cebu... sis." May diing dugtong ko sa huli.
Wala ako agad nakuhang sagot mula kay Devone. "What's going on, Yhael? Are you okay? Are you with him already?" May pag-aalala sa tinig na sunod-sunod niyang tanong.
"I'm fine, sis. Update kita ulit mamaya kapag nasa bahay na ako. Huwag ka ng mag-alala. Safe akong nakarating dito." Makahulugan kong sabi. "Take care, I love you... sis." Saka ibinaba na ang tawag.
Lihim akong napapabuntong-hininga. Kailan kaya matatapos ang lahat ng 'to?
Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot habang papasok ang sasakyan sa mataas na gate, sa loob ng bakuran ng napakalaking bahay na kulay puti, dahil sa tuwing umuuwi ako dito, si mommy ang palaging naaalala ko.
Tumigil ang sasakyan sa paikot na driveway, sa harap ng ilang baitang na hagdan patungo sa front porch ng bahay. Saktong pababa na ako ng sasakyan ng palabas naman si daddy mula sa pinto, kasama nito si tita Yvette.
"Yhael, hija!" Masiglang bati ni tita Yvette ng makita ako. Agad ako nitong sinalubong ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi. "How was your flight?" Magiliw nitong tanong.
"Fine." Pinilit kong ngumiti dito.
Simula noong malaman namin ni Huxley ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Daddy ay tila agad-agad ding nawala ang amor naming magkapatid sa kanya. Hindi namin maiwasang isipin na baka buhay pa si mommy ay may relasyon na silang dalawa ni dad. Hindi ko lubos maisip kung papaano nila naatim na lokohin ang mommy ko noon, if that's the case.