Chapter 28 Crazier

5.2K 374 320
                                    

"A perfect relationship takes a lot of practice to work. A lot of sacrifices, pain, regret, and honesty. Most of all, it takes a lot of respect."


Yhael POV


"Pa-gas lang muna ako." Sabi ko sa mga kasama nang nasa bandang TPLEX na kami.

Napansin kong sumunod din si Santos at tumigil sa bandang likuran ng sasakyan namin. Nagtanggal muna ako ng seatbelt.

"Magandang umaga ho." Bati ng gasoline boy ng ibaba ko ang salamin ng bintana sa tapat ko.

"Good morning." Tugon ko. "Diesel, sagad." Tugon ko dito.

"Sige ho." Saka inulit kung anong klase ng gas ang ipapakarga ko.

"Love, may gusto ka bang ipabili?" Tanong ko kay Devone.

Saglit lang akong napasulyap sa orasan. Mag-aalas otso na pala ng umaga.

"Kumain na lang tayo ng breakfast sa resto. Malapit na 'yon dito." Tugon niya.

"Okay sige." Napalingon ako sa likod. "Kayo?" Tanong ko kina Huxley at Dr. Shannon na ilang oras ng walang imik. Si Hale ang sarap pa rin ng tulog.

"Do they have a washroom here?" Tanong ni Huxley.

Napasilip ako sa labas. "Mayro'n yata." Tugon ko.

Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Napansin kong bumaba din si Santos at nag-inat saka naghikab. Sinamahan ko si Huxley hanggang sa labas ng restroom.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng makalabas siya ng washroom pagkaraan ng ilang minuto.

"Yeah." Tugon niya habang nag-ispray ng sanitizer sa kamay. "Why wouldn't I?"

Napabuntong-hininga ako. "Hindi na ba talaga kayo pwedeng mag-usap ng malumanay ni Dr. Shannon?"

Napaikot ang kanyang mga mata. "To be honest, wala sa akin ang problema. Nasa kanya." Saka ako iniwan at naglakad papalapit sa sasakyan.

"Huxley." Tawag ko sa kanya saka hinabol ito.

"Anong nangyari?" Kunot-noong tanong ni Santos na lumapit na rin kay Huxley.

"Nothing to worry about, lamb chop." Malambing na tugon ni Huxley sa kanya na ikinakunot-noo ko. "Just had a skirmish with her senior about how irresistible I am."

Napaawang ang labi ko ng nilapitan niya si Santos at ginawaran ng magaang halik sa pisngi. Sa mismong harapan ko! Tipong may tunog pa?!

Nagkunwari namang matutumba na si Santos sa halik sa kanya ni Huxley habang ako nakaawang ang labing nakamasid sa kanilang dalawa.

"Drive safely." Saka ngumiti pa si Huxley sa kanya bago pumasok sa loob ng sasakyan. May kasama pang flying kiss bago isinara ang pinto?!

Napahilamos ako sa mukha ng ilang sandali akong nakatanga lang.

"What just happened?" Parang namamalignong tanong ko kay Santos.

Napangisi si Santos. "Lucas... tapos na ang maliligayang araw mo." Saka ako tinapik-tapik sa balikat. "Magiging mag-sister in law na tayo." Saka tumawa ng 'hehe' sa dulo. Ang creepy!

"No!" Kunwaring hysterical na kontra ko. "What did you do to my sister?!"

"Yhael." Hindi ko alam na nakababa na pala ng sasakyan si Devone. May dala siyang pouch bag. "What's going on?" Nalilitong tanong niya sa amin ni Santos.

"Ma'am, magiging mag-bilas na tayo." Nakangising sagot ni Santos. "Pakihanda ang kuwarto sa west wing ng mansiyon natin!" Dagdag pa niyang wika.

"Oh my God!" Eksaherada kong bulalas sabay kunwaring napahawak sa ulo ko na parang problemado. "Magugunaw na ang mundo!"

Destined to be Yours Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon