Chapter 34 Look What You Made Me Do

4.6K 345 255
                                    

"Love isn't finding someone to live with. It's finding someone you can't live without."


Devone POV


Second morning I woke up without Yhael next to me since she came home here in Matalinhaga. I can't explain the emptiness I feel. It feels different when you wake up without the one you love next to you. Tinatamad tuloy ang mga kilos na bumangon ako sa kama at nagtungo sa loob ng banyo.

"Good morning." Pilit ang siglang bati ko kina Dom at Huxley na naabutan kong nagkakape sa kusina pagkababa ko.

"Good morning." They greeted me in unison.

They're busy preparing our breakfast. Ito ang isa sa mga benefits ng may mga kasama sa bahay. Bukod sa hindi na masyadong tahimik, masaya na at may kasama na ako sa mga gawaing bahay.

"Good morning."

Napatingin ako sa pinto ng kusina. Papasok ang noo'y nagkukusot pa ng mga matang si Davian. Naghihikab na naglakad siya palapit sa akin. Nagpakandong.

"Good morning, love." Bati ko sa kanya ng matapos siyang batiin nina Huxley at Dom.

"I miss Baba." Malungkot niyang sabi niya.

"For sure she misses you too, love." Tugon ko sabay hinalikan siya sa sentido. "She will be home before you know it."

"That's what she said." He replied.

"Trust her, okay?" At niyakap siya ng mahigpit.

He nodded in response.

Natigilan kami ng makarinig ng busina mula sa labas. Nagkatinginan kaming lahat dahil iba 'yong tunog ng busina. Kung si Mang Gener 'yon ay alam namin tiyak ang tunog ng busina ng motor niya.

"I'll get it." Presenta ko ng makitang lalabas na sana si Huxley para puntahan ito.

I placed Davian down on the other seat temporarily before standing up and went to see whoever was outside the gate. But my forehead creased when I saw Mang Gener standing outside the gate, holding a paper bag that for sure contained pandesal.

"Mang Gener." May ngiting bati ko habang naglalakad sa driveway patungo sa gate.

"Magandang umaga, ma'am Devone." Ngiting-ngiting bati niya.

I noticed his motorcycle was new. Not only that, it's a three-wheeled motorcycle. But it's not a tricycle. I don't know the name of this type of motorcycle.

"Bago po yata ang sasakyan ninyo." Masayang sabi ko.

"E, oho ma'am." Parang nahihiyang tugon niya. "Nagulat na nga lang po ako ng i-deliver ito sa akin kahapon sa bahay." Kwento niya. "Binayaran daw po ni Dr. Yhael para sa akin."

"Oh, really?" I'm a bit surprised.

Alam kong nangako noon si Yhael sa sarili na bibigyan si Mang Gener ng bagong motor pero tutuparin daw niya iyon kapag may pera na siya. Hindi ko lang alam na ngayon na pala niya iyon tinupad.

"Nakakahiya naman po kay Dr. Yhael. Alam ko kung gaano ito kamahal." Nahihiya ngang sabi pa niya.

"Mang Gener," Bigkas ko. "Kaligayahan ni Yhael na mabigyan niya po kayo ng ganyang klase ng sasakyan. Honestly, noon pa sana kaso nag-aaral pa lang daw siya at wala pang trabaho. At ngayon may work na siya, gusto niya hong tuparin ang ipinangako niya sa sarili niya noon na ibibili niya kayo ng bagong motor. Kaya sana huwag niyo po 'yang tatanggihan." Paliwanag ko.

Malumanay siyang napangiti. "Hindi ko po tatanggihan itong grasya, ma'am Devone kahit hiyang-hiya po ako sa totoo lang." Saad niya. "Napakabuti niyo pong mag-asawa."

Destined to be Yours Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon