Chapter 23 Don't Blame Me

5.7K 374 261K
                                    

"There is a strong wall about me to protect me. It is built of the words you have said to me... and that's I love you."


Yhael POV


Magaan at maingat ang mga hakbang na naglakad ako sa hallway. Madilim na ang buong bahay at ang tanging liwanag ko ay ang ilaw na sumisilip mula sa lamp posts sa labas. Napakatahimik na ng paligid, at for sure, tulog na ang lahat.

Mabagal at maingat akong lumuhod sa tapat ng doorknob. Inilabas ko ang cellphone ko para magsilbing flashlight ko sa pag-forge ng lock. Nakaipit ang cellphone sa bibig habang inilalabas ko mula sa bulsa ng suot na jogger sleep pants ang pin na nakuha ko kanina sa kuwarto ni Huxley na siyang gagamitin ko para mabuksan ang pinto.

Napakamot ako sa kilay ng mabitawan ko ang pin sa sahig. Kandahirap-hirap ko tuloy itong hinanap. Nakatuon ang buong konsentrasyon ko sa pag-forge ng lock ng walang ano-ano ay mag-meow si Red sa tabi ko.

"Shit!" Mahinang mura ko nang mabitawan ko ang cellphone at nahulog ito sa hita ko hanggang sa mahulog ito sa sahig.

Muling humuni si Red sabay ikinikiskis sa gilid ko ang katawan niya. Sa laki niya, 'yong buntot niya ay isinasayaw-sayaw na niya sa mukha ko.

"Red." May pagbabanta sa tinig ko. "Doon ka!" Mahinang taboy ko sa kanya. "Pag ako nahuli ng amo mo lagot ka sa akin."

Pero parang nananadyang mas lalo nitong ikiniskis ang katawan sa akin. Muntik ko na ngang maisubo ang dulo ng buntot niyang pumapaypay sa mukha ko. Nakangiwing inilayo ko ang buntot niya sa mukha ko saka muling inipit ang cellphone at ipinagpatuloy ang pag-forge sa lock ng pinto ng kuwarto namin ni Devone.

Paano... ayaw niya akong papasukin dahil doon sa aksidenteng halik kanina ni Doc Shannon. Tsk. Simula kanina hindi na niya ako kinakausap. Basta ibinato na lang niya sa akin kanina ang unan ko at tinignan ng makahulugan. Kung di lang ako takot sa kanya... hmp!

Pero hindi ako under! Sadyang love ko lang talaga siya kaya sinusunod ko siya... argh!

Narinig ko ang pag-click ng lock mula sa loob. Napangiti ako dahilan ng muling pagkahulog ng cellphone ko sa sahig. Siya ding pagbukas ng pinto at bumungad sa paningin ko ang mapuputing legs ni Devone.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin hanggang sa makita ko ang seryosong mukha niyang nakatunghay sa akin. Napatingin siya sa hawak kong pin. Pinaningkit niya ang singkit na niyang mga mata saka marahas na napabuga ng hininga.

Isasara na sana niya ulit ang pinto pero mabilis akong humarang. Shit! Napapikit ako sa sakit ng maipit ang paa ko. Ano bang klaseng buhay 'to?!

"Love, 'wag ka na kasing magalit!" Suyo ko sa kanya habang hinaharangan ang itinutulak niyang pasarang pinto. Hindi ko naman ito maitulak dahil baka madamay siya at masaktan pa.

"Hmp!" Naiinis niyang sabi saka hinayaan na akong makapasok. Napagod na rin siguro sa kakatulak sa pinto pasara.

Napangiwi ako ng inihakbang ko ang paa kong naipit. Isinara ko na ang pinto ng makapasok ako sa loob. Nahiga na siya sa kama patalikod sa puwesto ko. Nasa living room ang unan ko. Ayoko ng bumalik doon baka mamaya naka-locked na naman itong pinto pag lumabas ako.

Okay lang kahit walang unan basta may katabing asawa.

Maingat akong sumampa ng kama at nahiga sa tabi niya. Nakabukas ang lampshade sa tabi niya kaya may ilaw kami sa loob ng kuwarto. Nakaunan ang isang braso ko sa ulo habang nasa tiyan ko naman ang isa. Napapa-drums dito. Nakikiramdam ako sa kanya habang nakatitig sa kisame.

"Love, sorry na." Malungkot na sabi ko kapagkuwan. "Wala namang may gusto no'ng nangyari. Nagulat nga din si Doc Shannon e. Please huwag ka ng magalit sa akin."

Destined to be Yours Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon