"Even if a relationship is breakable and fragile and full of anxiety, it doesn't mean that it isn't worthwhile, exciting, beautiful, and all the things that we look for." - Taylor Swift
Yhael POV
Agad na nag-message ako kay Devone nang magkaroon ako ng break.
Hindi niya agad nabasa ang huling message ko sa kanya. Siguro ay busy din sa school.
Gano'n naman ang ginagawa ko kapag may free time ako. Nag-aupdate ako sa kanya kahit hindi niya sinasabi. Tsaka para maramdaman niya na kahit nasa work ako ay iniisip ko pa rin siya.
"Out for lunch?"
Awtomatiko akong nag-angat ng tingin sa babaeng bigla na lang sumusulpot sa tabi ko. Nakasuot na lang siya ng blue scrubsuit.
"Yes." Sagot ko habang inilalagay ko sa bulsa ng suot ding blue scrubsuit ang cellphone.
"I'm coming with you." Sabi niya.
Sabay na kaming lumabas ng hospital at nagtungo sa canteen. Naiilang tuloy ako sa mga tinging ipinupukol nila sa aming dalawa... I think, lalo na sa kasama ko.
Sa apat na araw na nakilala ko si Dr. Amber Shannon ay napansin ko agad ang atmosphere sa tuwing nasa room siya. Hindi naman sa ayaw nila sa kanya, mas pa nga 'yong parang gusto nilang makasama ito. Siya lang ang ilag at parang ayaw nakikihalubilo sa iba after work or tuwing break, pwera lang talaga sa bestfriend niyang si Dr. Russel.
Kaya rin siguro napapatingin sila sa amin dahil for the first time ay sumabay itong makipag-lunch sa isang resident na gaya ko.
"Earth to Dr. Lucas!" Sabay snap ng fingers niya sa mukha ko ng may katagalan siguro akong nakatayo lang sa bandang likuran niya.
"Ha?" Parang wala pa sa sariling reaksyon ko.
Napaikot ang kanyang mga mata. "Your turn." Sabay mosyon sa counter. "What's going on with you?" Tanong niya habang hinihintay akong makapagbayad ng kinuha kong pagkain. "You're spacing out."
Dala ang kanya-kanyang tray ng pagkain ay naglakad kami patungo sa pinakamalapit na libreng lamesa at naupo sa magkatapat na upuan.
Kakaupo ko pa lang nang tumunog ang cellphone ko. Notification mula kay Devone. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng mabasa ang reply niya na, 'I love you too.'
Haist, I feel like I'm slowly melting inside every time she tells me this. Parang noong una ko lang ding narinig ang mga katagang ito mula sa kanya. It always feels like that.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli kong nawewerduhang nakatitig sa akin si Dr. Shannon.
"You're smiling like a fool." Komento niya habang pinupunasan ang kutsara at tinidor na gagamitin.