UHS: Chapter 5

19 1 1
                                    

"Alice, wake up"

Nagising ako na parang may humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong minumulat ang mga mata ko para makita kung sino iyon. Pero pagdilat ko ay nakita ko si Calvin na nakatingin lang sa akin at blanko ang mukha. At the back of my mind, nagtataka ako kung ano yung naramdaman ko na nagpagising sa akin. Hindi ko nalang pinansin iyon at tumingin nalang sa labas ng sasakyan.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako at nakarating na pala kami ni Calvin sa bahay. Wala kasi kaming imikan. Tahimik lang kami buong biyahe. Walang gustong magsalita sa amin dalawa. Dahil na rin siguro sa pagod kaya ay nakatulog ako.

"Nandito na pala tayo. Teka, bababa na ako"

Agad kong inayos ang mga gamit ko para makababa na ng sasakyan niya dahil naalala ko ay may pupuntahan pa pala itong si Calvin. Habang nag-aayos ng gamit, pakiramdam ko ay parang may nakatingin sa akin kaya bigla akong napalingon sa kanya pero nakatingin lang siya sa labas.

I just shrugged it off at bumaba na ng sasakyan. Bago ko isara ang pinto.

"S-Salamat sa paghatid, Calvin. Ingat ka." Sabi ko at hinintay na sumagot ito ngunit wala akong response na nakuha sa kanya. Napatiim nalang ang labi ko at dahang-dahanag isinara ang pinto.

Agad naman kumaripas ng takbo ang sasakyan ni Calvin paalis sa bahay. Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na sa loob.

Naabutan ko si Mama at Papa na kumakain ng tanghalian. Mukhang kakauwi lang ni Papa galing sa trabaho. Pinagmasdan ko sila, ang saya saya nilang kumakain at nagkukuwentuhan.

Bakit kaya ganu'n? Ang simple lang ng buhay namin pero masaya sa isa't-isa ang mga magulang ko. Maybe that's what they called True Love. No matter what happens or what's your status in life, as long as you have someone to love, kuntento ka na sa buhay.

"Oh, Alice, anak? Napaaga ata ang uwi mo?" Nagulat ako ng tawagin ako ni Mama. Napansin na pala nila akong tulala dito.

Inilapag ko ang mga gamit ko at nilapitan sila Mama para mag-mano.

"Ay, opo, Ma. Pinauwi po kasi ako ng clinic namin."

"Bakit? Anong nangyari sa'yo? Ok ka lang ba?" Sabi naman ni Mama at tinititigan ako. Si Papa ay nagtataka din ang mukha.

"Ok lang naman po, Ma. Medyo masakit lang ang ulo ko dahil po sa puyat." Dahilan ko na lang.

Sasang-ayon na sana si Mama ng bigla itong napatingin sa tuhod ko na may bandage. Nanlaki ang mga mata nito.

"Oh?! Anong nangyari sa binti mo bata ka??"

Bigla naman akong nataranta at napatago ng tuhod. "Ay, wala po ito. Nadulas lang po ako."

"Sigurado ka? Eh bakit parang ang laki naman?"

Lalapit na sana si Mama para tignan pero bigla akong umiwas at kinuha ang mga gamit ko.

"Opo. Wala 'to. Sige po, Ma and Pa. Papasok na po ako sa kwarto ko para magpahinga."

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko, pumasok sa kwarto at sinara ang pinto. Napabuntong-hininga nalang ako sa likod ng pinto.

Haynako, Alice. Ano na ba nangyayari sayo? Bulong ko sa sarili ko.

Ibinaba ko ang mga gamit ko sa lamesa at pabatong ibinagsak ang katawan sa sarili. I put my arms above ng forehead and closed my eyes. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Naalala ko nanaman 'yung bagay na humaplos sa pisngi ko kanina. Totoo ba talaga 'yun or guni-guni ko lang? Si Calvin ba ang gumawa nu'n? Parang imposible naman. Or pwede din? Dahil tulog naman ako, 'di ko na alam.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon