UHS: Chapter 1

330 8 0
                                    

"Sigurado ka ba dito, anak?"

Tinignan ni Ate si Mama at nginitian niya ito. Nalipat naman ang tingin ko kay Mama at may pag-aalala sa mukha niya.

"Opo, Ma. Atsaka gusto ko po bigyan ng magandang edukasyon ang kapatid ko."

"Pero paano ang pag-aaral mo? Napaka-mahal ng matrikula dito. Baka hindi magkasya sa pang-araw-araw nating gastusin."

"Ano ka ba naman, Ma. Kakayanin po natin iyan."

Nalipat ang tingin sa akin ni Ate at bumaba ito para magpantay kami ng tingin. Hinawakan niya yung mga kamay ko at tinignan ako sa mga mata.

"At isa pa, may scholarship naman ang Phoenix University. Alam ko namang kayang-kayang ipasa ni Alice 'yun. 'Di ba, bunso?"

Napatitig ako kay Ate. Kita ko sa mga mata niya na may tiwala siya sa akin. May tiwala siya na kayang-kaya kong makapasok sa isa sa mga prehisteryosong eskuwelahan sa Pilipinas. Nginitian ko ito.

"S'yempre, Ate! Para po sa inyo ni Mama gagalingan ko!" Masayang sabi ko dito.

Nakita ko namang nag-ningning ang mga mata ng Ate ko. Ginulo niya ang buhok ko.

"Iyan ang gusto ko sa'yo, bunso!"

Tumayo na si Ate at kinausap muli si Mama. Nalibot ang tingin ko kung nasaan kami nila Mama ngayon. Ang gaganda ng mga nandito. Malaki at saka malawak 'yung lupain dito. Para akong nasa palasyo! Naisip ko 'yung mga palasyo na ikinukwento sa akin ng Ate ko bago ako matulog. Hindi ko akalain na meron palang mga ganitong lugar.

"Tara na, Ma. Pasok na po tayo sa Registrar."

Naramdaman ko nalang na naglalakad na kami nila Mama at sinusundan si Ate na pumasok sa isang pinto pero napahinto kami sa paglalakad ni Mama, tinignan niya ako.

"Alice, dito ka muna sa labas, ha? Hintayin mo kami ng Ate Eunica mo. Wag kang aalis dito, ah?"

Kahit nagtataka ako ay sinunod ko si Mama at pinaupo niya ako sa labas ng pintuan na pinasukan ni Ate kanina pagkatapos ay sumunod na siya sa loob.

Habang naghihintay sa labas ang batang si Alice ay hindi niya maiwasang mamangha sa laki ng lugar kung nasaan sila ngayon. Papasok na siya sa Grade 1 sa susunod na pasukan kaya naisipan ng kanyang Ate na pumunta sila dito ngayon. Patagal ng patagal ang paghihintay ni Alice kaya nainip na ito at tumayo sa kinauupuan niya. Napalingon-lingon siya sa paligid Puno nang mga magagarbong disenyo ang lugar. Aakalain mong nasa isang palasyo ka kaya manghang-mangha ang batang si Alice.

At hindi niya namamalayan na papalayo na siya sa kung nasaan siya iniwan ng kanyang Mama. Dahil sa pag-iisip na baka mapagalitan siya ay agad niya hinanap ang lugar pabalik kung nasaan sila kanina. Lakad lang siya ng lakad hanggang sa makuha ng atensyon niya ang isang playground kaya siya napahinto.

Nilapitan niya ito at agad na nag-ningning ang kanyang mga mata sa nakita. Kakaibang playground ito kumpara sa mga napupuntahan niyang playground sa tuwing namamasyal sila ng Ate niya. Lumapit siya dito at hindi maiwasang matuwa sa kanyang mga nakikita. Meron itong napakalaking slide, see-saw, malaking sandbox, meron din ditong mga malalaking doll house at kumpleto ang mga gamit sa loob. Aliw na aliw ang batang si Alice sa kanyang mga nakikita.

Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makalaro ng ganito. Meron naman siyang mga laruan sa bahay pero kakaiba ang mga hawak niya ngayon. Kakaibang saya ang nararamdaman niya.

Habang siya ay naglalaro ay nalipat ang tingin niya sa swing. Mayroong tatlong swing na pang-dalawahan pero ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay ang isang batang lalaki na nakaupo doon mag-isa. Nagtataka man ay nilakasan niya ang loob na lumapit dito.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon