Nagsimulang maglakad si Calvin. Halata ang pagkaseryoso sa mukha niya. Parang nawala ang lahat ng nasa paligid namin at pakiramdam ko, kaming dalawa nalang ang nasa mundo ngayon. 'Yung puso ko naman ay parang lalabas na sa dibdib ko dahil sa tuwa at kilig. Ang pula-pula na siguro ng mukha ko.
Hindi ko inaasahan na gagawin sa akin ni Calvin 'to. Ang sakit na naramdaman ko kanina mula sa kanya, bigla nalang naglahong parang bula dahil sa ginawa niya ngayon. Naramdaman kong inayos niya 'yung pagkaka-buhat niya sa akin. Bigla naman akong nahiya.
"Sorry mabigat ako. P'wede mo na akong ibaba at saka...at saka malagkit ako." Nahihiyang sabi ko dito. Baka madumihan kasi 'yung uniform niya.
Lalakarin ko nalang 'yung clinic tutal malapit nanaman na kami du'n. At nahihiya ako dahil natapunan ako ng juice mula pa kanina. Hindi pa ako nakakapag-hugas ng sarili. Imbis na ibaba ako ni Calvin, mas lalo niya lang hinigpitan 'yung pagkakabuhat sa akin na nagtulak sa akin para mapa-yakap ng tuluyan sa kanya. Amoy na amoy ko na 'yung pabango niya at para akong nababaliw.
"You couldn't even walk earlier. Gusto mo bang lumala pa 'yan? Shut up and hold on tight. Ayaw ko nang dagdagan pa 'yung pagkaka-konsensiya ko sa'yo."
Nanigas ako sa sinabi niya. Seryoso ang pagkakasabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. May kung ano naman kumirot sa loob ko. Nakokonsensiya lang siya sa akin? Napangiti ako ng mapait, bakit nga ba hindi ko naisip 'yun? Nakokonsensiya nga lang pala siya. Pakiramdam ko nag-iinit nanaman yung mga mata ko. Umasa nanaman ako. Alice, hindi ka na natuto.
Mabuti nalang ay bukas ang clinic door kaya nakapasok kami agad ni Calvin. Dahan-dahan niya ako iniupo. Nakayuko lang ako dahil kapag nagtama ang mga mata namin, tutulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Agad naman lumapit sa amin ang school nurse na si Ms. Jenny. "Oh, what happened here?" ani nito.
"She fell from the stairs, please check her knee."
Hindi ko alam pero hindi ko ata kayang mag-explain sa nurse kung ano talaga nangyari sa akin, mabuti nalang at nagsalita itong Calvin.
Tumango naman ang school nurse at tinignan 'yung tuhod ko after that, umalis ito saglit para kunin ang first aid kit na gagamot sa sugat ko.
Pagkabalik ni nurse Jenny, tumingin ito kay Calvin, "Sige na, I'll take care from here. You can go back to class, Mr. Dela Cruz."
Iyon lang ang sinabi ni nurse Jenny, hindi ko magawang tumingin kay Calvin dahil pakiramdam ko tutulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kita ko pa rin nakatayo lang ito sa harap namin, kahit nagtataka ako kung bakit, hindi ko pa rin ito pinansin.
"Do you still need anything, Mr. Dela Cruz?"
"No. I'll go ahead." Sa malamig na boses na sabi nito.
Naramdaman ko namang tumalikod na ito sabay naman nu'n ay ang paglapat ng bulak ng may gamot sa tuhod ko. Napa-igik ako sa sakit. "O-ouch."
"It'll hurt a little at first but you'll be fine." Pag-aassure ni nurse Jenny sa akin.
Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o nakita kong napatigil itong si Calvin? Lihim kong tinignan ito, but I only saw his back towards the clinic door.
"There. All is well now, Alice. " Naka-ngiting sabi ni nurse Jenny sa akin matapos niyang gamutin ang sugat ko sa tuhod.
I checked my knee. Mukhang okay naman na siya. "Thank you, Ms. Jenny." I smiled at her.
Bigla akong tinitigan ng matagal ni nurse Jenny na para akong isang specimen sa ilalim ng microscope. "B-Bakit po?"
Nagulat ako ng bigla akong binatukan. "Aray naman, Ms. Je!"
BINABASA MO ANG
Under His Spell
General FictionEverybody is a slave when it comes to love. .. Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan ka magpapa-alipin sa pag-ibig kung ang sarili mo mismo ay napapabayaan na? Susuko ka ba o lalaban? TLH Series: Alice and Calvin's Story